Mainit na hangin ang sumalubong sa akin habang sakay ako sa tricycle. Lunes na ngayon at simula na ng pasukan. Inayos ko ang buhok ko at kinimkim sa isang kamay para hindi magkalat sa mukha ko. Napatingin ako sa relo ko at napagtanto na 5 minutes nalang magsisimula na ang klase. Saglit akong nagdasal na bumilis ang takbo ng tricyle. Oh my, first day na first day late ako!
Nagmamadali akong nagbayad kay manong at tsaka kumaripas ng takbo papunta sa aking klase. Nang makarating ako ay wala pa ang prof namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Lahat ng mga mata ng kaklase ko ay nasa akin. Dahan dahan akong naglalakad patungo sa aking upuan habang nagtataka parin sa mga titig nila. What's wrong?
Nang namataan ko ang aking kaibigan sa tabi ng aking upuan ay agad ko itong tinanong.
"Nys, anong nangyari? Ba't nakatingin sila sa akin?" ani ko at pinasadahan ng tingin ang aking mga kaklase. They are weird.
"Paano 'di ka titignan kung para kang nag marathon ng 10 kilometers sa buhok mo." ani niyo tsaka binigyan pa ako ng suklay! Tinggap ko ito at nag alinlangang ngumiti.
Marahan kong sinuklayan ang buhok ko. Napasarap ang pagsuklay ko pero naputol ng may kumabit sa akin.
"Your hair is falling on my desk.." nanlaki ang mata ko at agad napatingin sa lalaki na nag salita. Agad kong nilinisan ang table niya.
"Sorry.." tumango lang ito at nag patuloy sa bunabasa niyang libro.
Bumaling ako sa kaibigan ko na nakatingin na din sa lalaki. Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa.
"Ang gwapo. Bet sis, bet ko yan!" bulong nito pero ang mga mata ay nasa lalaking new student parin.
"Tss. Suplado naman, Nyssa." bulong ko pabalik. Napasimangot naman si Nyssa sa sinabi ko. Marami pa siyang sinabi sa akin tungkol sa lalaki pero agad tumigil nang dumating ang prof namin.
Mukhang walang pake si Nyssa sa discussions ni Sir. Paano nga naman eh palaging nakaharap sa likod! Napairap nalang ako sa kanya sa tuwing tumitingin sa likod ko at ngumingiti. Oh my god! Bakit si Nys naging kaibigan ko?
"Goodbye, class. See you tomorrow." ani ni Sir tsaka lumabas sa silid. Agad akong nag ayos ng mga gamit. Nang matapos ay kinilabit ko ang aking marupok na kaibigan.
"Huy, lunch na. Halika na!" tumango naman ito at nagligpit na din.
"Pogi, sabay tayo-.." napahinto siya sa pag salita nang makitang wala ng tao doon sa likuran.
"Ay umalis na?" napairap na naman ako. Hinila ko na siya patungong cafeteria dahil gutom na gutom na ako.
Nang makarating kami sa cafeteria ay bumungad sa amin ang napakaraming estudyante. Dapat maaga talaga kami pupunta dito kung hindi dahil kay Nys.
"Anong kakainin mo?" tanong ko kay Nys. Hindi ko kasi alam anong kakainin ko. Kung anong sa kanya, yun nalang din ang akin.
"Si pogi.." nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Maging ang mga tao ay nakatingin na rin sa amin. Ang estudyante na nasa gilid namin ay pinipigilan ang tawa. Nakakahiya!
"You what?" bulong ko na mariin sa kanya. Nabigla siya doon kaya nabalik siya sa tamang huwisto.
"What do you want to eat, Anyssa Valderamma?" ulit kong bulong sa kanya.
"Ah, eh, pork chop, Lene." napakamot siya sa kanya batok kaya napabuntong hininga nalang ako sabay tingin sa tindera sa cafeteria.
"Dalawang pork chop ate.." binigyan ko naman ito ng saktong halaga.
BINABASA MO ANG
Kissed by the wind
RomanceKissed by the wind. Axel Montañez and Selene Delgado's story.