Nestea (One Shot)

54 1 0
                                    

 Masarap kumain pag may juice, tama? Sa pamilya namin, ayaw namin ng softdrinks, ang lamig kasi masyado sa ilong. Hi ako nga pala si Hanna, araw araw inuutusan ako nila Mommy at Daddy na bumili ng juice, favorite namin ang Nestea, kaya araw araw may 10 pesos na nakahanda sa table...

"Hannah! Bumili ka nga ng Nestea!"

"Opo Mommy, teka"

As usual ako nanaman ang uutusan! Kasi yung kuya busy kakaaral, yung ate ko naman.... Hayyy araw araw nasa telebabad. Ayy teka, bibili na ko.....

Pero gustong gusto ko bumili ng Nestea, kasi nandun yung crush kong nagtitinda, si Carl! :"> 

Gwapo yun, matangkad, matangos, kaso di namamansin minsan :(

"Pagbilan nga ng Nestea, Lemon Flavor! Magkano?" tanong ko na wari'y hindi ko alam kung magkano :p

"Ten pesos lang" Ang lamig ng boses nya, mas malamig pa sa Nestea na nasa freezer! 

"Eto Oh! Salamat"

Pagtalikod ko bumilis ang tibok ng puso ko, tapos yung hangin parang huminto sa pagsayaw, yung ulap parang lumiwanag na lang bigla. Hayyy, lumakad ako ng parang naka slow motion! Pero......

"Hanna, kakain na!!!" si mommy talaga oh, panira ng moment

"OPO!" eto na po

"Ma oh, Nestea! Si ate na raw magtitimpla" 

"O sige, maupo ka na riyan!"

Ayan tapos na kami kumain, si ate na maghuhugas, ako gagawa na ko ng Assignment sa Physics, pag ako gumawa ng assignment, laging sa itaas sa may tabi ng bintana, para lagi kong tanaw si Carl. 

Meryenda nanaman, Nestea nanaman! So bibili uli ako.....

"Pagbilan ng Nestea"

"Eto oh" Sabi ni Carl

Umalis na ko kasi baka mamaya sumigaw nanaman si Mommy! Nang biglang........

"Hanna!" narinig ko ang boses ni Carl, pero bakit nya ko kilala? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Siguro inalam nya pangalan ko, kasi may gusto rin sya sakin :"> Ganon kasi yung napapanood ko sa TV :)) But no, don't expect a lot.

"A-ahh, bakit? Atsaka bakit mo ko kilala?

"Sukli mo, naiwan mo. Ah, HAHA naririnig ko kasi mommy mo na tinatawag ka!"

Ayyy... Yun lang pala, sukli, sana pala di na ko humarap at nagexpexct. :( 

Kinabukasan, inutusan ako ni Daddy na bumili, pero ayoko kasi nahihiya at nalulungkot pa ko. Kaya sabi ko kay Daddy si kuya muna ang bibili..... Ang gara kasi eh, akala ko tinawag nya ko para sa importanteng bagay, 10 pesos na sukli lang pala :((

Isang araw nanaman ang lumipas, medyo okay na ko, kaya ako na uli ang bumili. Kasi nahihiya na ko kay kuya, kasi andami pa nyang ginagawa, pero ako, eto nakanganga!

"Pagbilan nga ng Nestea!"

"Eto oh"

Hayy, bakas sa mukha ko ang lungkot, at hiya, ako na rin ang nagtimpla ng juice pagdating sa bahay, kaso bakit parang iba yung texture sa likod ng nestea sachet?? Bakit hindi plastik? Bakit parang papel? Iba na ba lalagyan ng Nestea? Isang araw lang ako di bumili, iba agad! Pero bakit nakatiklop, at bakit kulay white? Tinignan ko ito, pero nalaglag. Huh? Eh bakit nalaglag? Letter? Binuksan ko ito.........

Hi Ms. Nestea,

        Hi, ako nga pala si Carl Aquillia 17 years old, ka age mo, bakit parang hindi ka bumili nung isang araw? Busy ka siguro noh? Bakit kuya mo yung bumili? Akala ko pa naman ikaw! Naghintay nga ako buong maghapon, para bumili ka, pero wala ka! Hayyyy, maya maya ako tumitingin sa oras, hinihintay ka. Siguro nagtataka ka kung bakit ako sumulat, at kung bakit lagi ako yung nagtitinda sa amin. Isa lang naman dahilan dyan, gusto kasi kita makita araw araw, kasi parang pag nakikita kita, buo na araw ko, kasi kahit mag-isa lang ako, kayang kayang gumaan ang araw ko, pag bumibili ka ng Nestea. Hi Hanna Fajardo, right? Nalaman ko pangalan mo kasi nakita ko yung ID mo nung isang araw. I hope you enjoy your day, and keep smiling. Hopefully, mapansin mo man lang ako kahit isang araw, CRUSH kasi kita eh.

-Carl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nestea (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon