Uuuy! Tinutukso niya ako kay SOMEONE
Hindi ba niya alam na siya ang aking ONLY ONE?
Sabi niya, kaya daw ibigay ni SOMEONE ang ANYTHING
Hindi ba niya alam na HE's my EVERYTHING?
Kunwaring ayos lang siya kahit halatang nagseselos
Hindi niya alam, palihim na nakikiliti ang pusong musmos.
Yakapin ko kaya siya ng mahigpit?
Baka-sakaling bumulong ang puso na siya ang pinipintig.
Ibaling ko kaya kay someone ang aking pagsinta
Ng magkalakas-loob siya na magtapat na.
Natatakot kaya siya na mawala ako
O, baka naman imahinasyon ko lang ito?
Uy! Sabay kaming umuwi!
Ang tamis ng kanyang mga ngiti
Pusong musmos ay nakikiliti.
Kalian ko kaya matitikman ang kanyang labi?
Sana bumuhos ang malakas na ulan
Baka-sakaling pwede kaming magyakapan.
Ano kaya pakiramdam kung kamay niya ay aking hawakan,
Maging takda kaya ng bagong pagmamahalan?
Sana, bago matapos ang araw na ito
Malaman niya na siya ang tinitibok ng puso ko
Mamutawi na sana sa kanyang mga bibig
Ang aking munting hiling, na ako din ay kanyang iniibig.