Part 1

169 14 0
                                    

Alas nueve.

Palaging alas nueve ang uwi ko.

Pero sa araw na ito, nahuli lang ako ng sampung minuto... malaking pagbabago na kaagad ang sinalubong ko.

Oo, tama ka.

Nahuli ako. Nahuli.

"Tin! I'm sorry, Tin! Mahal na mahal kita, Tin! Bumalik ka na, please

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tin! I'm sorry, Tin! Mahal na mahal kita, Tin! Bumalik ka na, please."

Isang lalaki nga ang humahagulgol sa gate ng bahay ko ngayon. Pero malinaw ang pangkita ko---'di ko siya kilala. At lalong mas malinaw ang pandinig ko---mas lalong hindi ko kilala si 'Tin'.

"Parang awa mo na, Tin! Nagmamakaawa ako, mahal. Patawarin mo na ako...", patuloy pa rin siya sa pag-atugak. Kayat minabuti ko nang lapitan si kuya para makapasok na, magsasaing pa ako eh.

"Ughhhm. Excuse lang ha. Dadaan lang ako. Gate ko kasi 'yang niluluhuran mo.", magalang kong pakiusap. "Pwede bang makidaan? Hmmm?", dugtong ko pa.

Ilang segundo pa siyang nanatiling nakayuko habang mahigpit na nakahawak pasandal sa malamig na bakal. Narinig ko pang higupin ng ilong niya ang naghihinagpis na sipon bago tuluyang iharap ang estrangherong mukha sa akin.

"T-tinnuhuhuhuggh...", Okay. Hindi na pala estranghero. Kilala ko na siya. Siya na naman? Buhayyy!

Hinawakan ko ang kaliwang braso niya matapos makilala ang pagkatao. Malamig na iyon---tanda na may katagalan na rin siya sa walang saysay na panaghoy. Aba't walang ano-ano'y binaligtad niya ang ang mosyon. Pilit niyang sinunggab ang aking braso at lumuhod sa harap ko."Ikaw na ba 'yan, Tin? Napatawad mo na ba ako, Tin? Patawarin mo na ako, Tin?"

Ako naman 'tong si tanga,  at marahil dala na rin ng gutom, "Ano bang kasalanan mo, Ian?"

.
.
.
.
.
.

4 months ago...

"Kenny, anak, pakicheck nga kung may naiwan pang gamit si Mang Karding sa kotse.", utos sa akin ng aking ina isang Sabado ng umaga.

Nakatulala lang ako sa labas noon; minamasdan ang sikot ng mga kanto mula sa second floor. Hindi naman ako gaano kadalas dito. Siguro panglimang beses pa lamang. Pero ibang gaan at comfort ang dulot sa akin ng malamlam na simoy ng hangin sa parteng ito ng Malabon. Bukod sa naririto nakatira si Mama at ang kinakasama niya, ito lang ang naging takbuhan ko tuwing magkakasamaan kami ng loob ng kapatid ko.

"Huy, dong. Kanina ka pa tinatawag ng mama mo. Huwag mo nang hintaying lumabas iyon.", kalabit sa akin ni Tito Rey, second husband ni mama. Bitbit niya ang isang kahong marahil ay inilabas niya galing sa bakanteng kwarto ng apartment na ito. "Narinig ko ho, Tito. May iniisip lang.", ngiti ko sa kanya.

"Kenny, you should check downstairs kung nailabas na ni Mang Karding lahat ng gamit mo.", naunahan na pala ako ni Mamang lumabas bago ko pa siya tunguhin sa loob.

The Fine Line (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon