Chapter 6

500 8 2
                                    

Reklamo ng reklamo si Keb, tawang-tawa ako dahil hindi niya ako mapigilan sa pag-inom samantalang ang kaibigan ko naman ay mangha parin sa pag-aalaga sa aking ng pinsan ko.

Tapos na namim na pinag-usapan ang tungkol sa event na gaganapin kaya heto kaminat nag-eenjoy. Hindi pa nagpapakita sa akin si Ara at Prince perp sapat narin ang presensya ni Seiko para gumana ang loob ko.

"Doon ka na matulog sa akin.." Si Seiko habang nagsasalin ng inumin sa baso.

Sumulyap ako kay Keb, hindi naman kami lasing. Tama lang, pero halatamg nakainom.

"Kay Kuya Sirius ka mag paalam.. Kaso wala siya dito, kaya sa poging pinsan ko nalang." Kumindat ako kay Seiko at agad siyang namula. Humalakhak ako sa reaksyon niya ngunit agad din namang natigil ng may lumapit sa amin na isang lalaki. Tinapik niya ang balikat ni Keb at tumango naman ang pinsan ko sabay abot sa kanya ng alak.

Biglang uminit ang pakiramdam ko, bakit siya nandito? Isa pa, bakit hinayaan siya ni Keb na makalapit, nag-eenjoy kami ni Seiko eh..

"Why are you here Sir?" Matigas kong sabi.

Kunwaring napaubo si Seiko kaya naman naagaw niya ang atensyon ko. Hindi naman ganon kalakas ang tugtog sa dance floor kaya hindi na namin kailangan mag sigawan kapag nag-uusap. Tawang-tawa ang pinsan ko ng natigil kami sa pinag-uusapan namin ni Seiko at sa malakas na halakhakan.

"I'm always here Princess, late ko na natanggap ang mensahe ni Keb na dito pala pag-uusapan." Uminit bigla ang pisngi ko sa pagbigkas niya ng pangalan ko, I mean ng pagtawag niya ng Princess. Hindi naalis ang ngiti sa labi ni Keb ngunit halata naman ang pagbantay niya sa kilos ko.

"We're done Mr.Sarmiento. Okay na ang lahat."bumaling si Seiko sa gawi ko at parang tanga na ngumingiti, gusto ko din sanang matawa pero nagpigil na ako. "Ang galing ni Se..Princess..."

Umiling-iling ako, hindi na napigilan ang sarili at napangiti na, huling-huli ko sa akto ang seryong tingin ni Sir Zach sa akin, hindi ko kayang labanan ang mga tingin niya kaya nauna na akong umiwas. Bumida si Keb at Sir Zach sa usapang negosyo, medyo nahihilo na akong makinig pero may napupulot din naman akong aral, sa tuwing may dumadaan na gwapo sa harap ng lamesa namin ay sinisipa ako ni Seiko, napapatigil ang mga lalaki at sabay kaming tumatawa ng kaibigan ko.

Ilang beses akong nahuli ni Keb, at dahil do'n ilang beses din niya akong pinandilatan, wala naman akong pake sa mga lalaki eh! Loyal ako kay Yvo! Kay Seiko lang ako natatawa talaga.

"Zach..Keb..." Muli kaming napaangat ng tingin ni Seiko sa lalaking tumawag at lumapit sa lamesa namin. Tumango si Keb at Sir Zach sa kanila.

"Double date?" Nakangising sabi ng lalaki, ngunit sa akin nakatingin.

"Hindi ah. Remember Seiko?" kunwaring natatawa Si Keb. Magkakilala pala sila, kinompirma ito ni Seiko nagkasama na sila noong last year na event sa "The Heirs."

Nakakaingit, ako lang yata ang hindi nakakadalo doon simula ng maging legal na ang edad ko. Madalas kong naririnig yon kay Prince, Seiko at Ara taon-taon, ang dalawa kong kaibigan ay talagang nagpapagawa pa ng mga magagandang gown sa sikat na mga fashion designer sa NY para lang maisuot. Kaya ng sabihin ni Seiko na kami ang mag oorganize ng event ay laking tuwa ko, isa lang ang ibig sabihin no'n.

Makakadalo ako! Matagal ko ng ipinangarap yon' and this is it. Pinag-usapan narin namin ni Seiko ang tungkol sa mga damit na susuotin, hindi ako pwedeng makipagtalbugan sa mga anak mayaman na dadalo doon dahil isa lamang akong empleyado pero that's okay. Sapat na.

"May bagong kaibigan pala kayo. Ipakilala mo naman ako." Biro niya. Ngiting-ngiti ako ng sumagi sa isipan ko na may posibilidad na pupunta din si Yvo sa party, mayan ang pamilya niya, noon pa man ay alam.ko na yon. Malaki at magamda ang bahay nila, tulad namin ay marami din silang mga katulong at guards sa bahay.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon