Halik mong nakakainis.
As you damp your lips with my lips,
While caressing my hair, I feel a burning sensation in my body.
I’m sweating, I try to plead for you to stop
Pero ano magagawa ko?
Hindi ko kayang maresist ang halik mong nakakainis.
“I’ve had it with you! Ayoko na! lagi mong kasama ang mga ibang babae mo! Hindi mo manlang maisipan ako at ang nararamdaman ko!” sabi ng umiiyak na babae. Napabuntong-hininga ako, ayan lagi sinasabi sa playboy ng eskwelahan namin, parang naeenjoy rin niyang marinig everyday eh. Rinig na rinig nga araw-araw ang pag-iiyak ng mga GF niya. Siya ung nakakainis na playboy si Matthew Dizon, halos lahat ng mga babae hinalikan niya. Well except for me, and the nerds ayaw niya kasi ng maliliit na babae at nerds, at nagpapasalamat ako sa diyos, na maliit ako, ayokong mahalikan ng lalaking yun, baka may AIDS pa yan.
Ako nga pala si Mikan Cortez, and yes half Japanese at half Filipino ako. Tawag nga sa akin weird hapon, kasi tawag ko sa nanay at tatay ko okaa-san at oto-san, tapos sa kuya ko onii-san. Sabi daw ang weird ng pagtatawag ko sa mga pamilya ko, eh sabi naman nila na tawagin ko silang ganun!
(A/N: Okaa-san: Mother
Oto-san: Father
Onii-san: Brother sa mga di nakakaalam ito na po ang impormasyon xD)
Habang hindi ko pinapansin ang ingay ng mga lovebirds na nagbreak-up lang, nakikinig ako sa isang band na paborito ko talaga ang SPYAIR, isa siyang Japanese band, ang ganda ganda nga ng mga kanta nila eh lalo na ung boses ni IKE. Ang pogi pogi rin niya. (*.*) sana makita ko siya sa personal. Dream come true na yun sa akin. (q . q)
Nakikinig ako sa bagong album ng SPYAIR ng may umepal naman at namamansin sa akin, “Excuse me princess, you are seating at my seat.” At sino pa ba siya? Kundi si Matthew Dizon, ako? Umuupo sa upuan niya? Pfft, as if, andito nga pangalan ko nakasulat sa table eh. Di ko na lang siya pinansin at nagbasa ng libro habang nakikinig sa SPYAIR. “Excuse me? Princess please get off my seat.” Hay nako, ano ba ginawa ko lord at iniinis ako ng lalaking ‘to?! Tch. Vinolume ko ng malakas ang kanta para di ko na talaga maririg ang lalaking iyan. Habang nagbabasa, nakita kong di pa siya umaalis sa tabi ko.
Kainis!! Tumayo ako, at tumingin sa kanya, shet. Ang tangkad niya. (Q.Q) mas maliit pa ako sa bata!! “Ano ba kailangan mo sa akin?! Kanina mo pa ako pinapansin! Ano ba gusto mo makuha sa akin ha?! Sampak?!” tumawa naman si Matthew, hmmph! Kung makatawa. (- . -)
“AHAHAHAHHA! IKAW? SASAMPAK SA AKIN? Ang liit mo nga eh! Ahahahahaha sorry princess, but I have no time for jokes, so please get off my seat.” Nainis naman ako lalo sa kanya. Uupo siya sana sa upuan ko kaso hinarangan ko siya. “Don’t you dare sit on my seat.” Lumapit naman siya sa akin at nagsmirk. “At ano naman gagawin mo? Sa ganyan kaliit mo, dapat sumama ka na lang sa mga 7 dwarves ni Snow white, tapos ikaw si Grumpy! Ahahahaha!” nagsitawanan ang mga iba kong kaklase.
Aba?! Kung sino pa ang masama siya pa yung ipagtatanggol nila! Mga walang hiya sila, at dahil napuno na ako sa galit sinipa ko siya sa you know, at tamang tama pumasok ang adviser namin, and yes, pinapunta kami sa Principal. At hindi ito ang 1st time ako nagfield trip papuntang principal office noh!
BINABASA MO ANG
Ang Halik Mong Nakakainis
RomanceAs you damp your lips with my lips, While caressing my hair, I feel a burning sensation in my body. I’m sweating, I try to plead for you to stop Pero ano magagawa ko? Hindi ko kayang maresist ang halik mong nakakainis.