Gone

6 1 0
                                    

-- still dedicated to my friend Pat, if you're reading this, I wish you peace and happiness --

*

"Tanginang mga lalake! Sa una lang magaling!" sigaw ko atsaka uminom ulit ng beer. Umiling ka atsaka napatawa.

"Masama sayo yan." inagaw mo sakin ang bote. Pilit kong inaabot pero dahil sa sobrang kalasingan hindi ko na kinaya at nag break down na ako.

"Mahal ko naman sya eh.." hikbi ko. Napabuntong hininga ka atsaka ako kinomfort, "Sometimes.. love is not enough."

Doon nagsimula ang lovestory natin. I was broken and you fixed me. You mend my broken heart and before I knew it.. I fell. I fell for you.

"Will you be my girlfriend?" napakamot ka ng pisngi. Sign na kinakabahan ka.

Napangiti na lang ako and I said yes. I know this will lasts.

3rd year ako at fourth year ka. Mahirap dahil hindi pa tayo pareho ng school but we manage.

Kalagitnaan ng school year nag take ako ng bridging exam dahil gusto ko na sabay tayong gra-graduate ng college. Same school and same course.

Hindi na tayo madalas nag-uusap at kung mag-usap man tayo ay palagi na lang tayong nag-aaway. Naiinis ako sa sarili ko dahil gusto kong posessive ka sakin tulad noon.

Kasagsagan ng prom namin ay nag-away ulit tayo. Paano ba naman kasi nagselos ka dahil niyaya ako ni Paolo. I defended him dahilan ng paglala ng away natin.

Hindi mo ko kinausap kaya hindi din kita kinausap. Mataas pride ko eh.

After prom sinubukan kitang kausapin pero hindi mo ko pinapansin. Anong problema?

Palagi kitang kinukulit sa text.. tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Isang beses nagtext ka.

I'm sorry. Break na tayo.

What?! Ganun ganun na lang?!

Hindi ako sumuko. I tried to contact you again but it seems that you change your number. Desperate move man tawagin pero pumunta ako sainyo. It doesn't matter anyway dahil kilala naman nila ako.

"But you said you love me!" hindi ko mapigilang sumbat. Umiiyak na ako. Hindi ka tumingin sakin. Sa halip ay nakatingin ka sa ibang direskyon.

"Sumagot ka putangina! You said you love me!" halos magwala na ako sa loob ng kwarto mo.

Tumingin ka sakin. Bakas sa mata mo ang pagod at panghihinayang. "I still do."

nabuhayan ako ng loob. It means-

"But it's just not enough."

Napaawang ang bibig ko ng pumihit ka palabas ng kwarto. Just like that he's gone.

GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon