Virtual Reality // 1st
This story is purely fictional. The names, places, characters, time are product of the author's wide imagination. And other stories that has the same names, places, characters, time is entirely coincidental.
Copyright © 2012 by Miss Mhiolet
ALL RIGHTS RESERVED.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"NEWS: K-pop group na BIGBANG bibisita sa bansa, sa October 24. Pero bago sila pumunta dito,
nag pa press conference muna sila sa Singapore."
Biglang nawala ang bara sa tenga ko nang marinig ko ang sabi sa balita habang nanonood ako
'Big Bang Big Show BTS' sa youtube gamit ang family laptop namin. Nasa tapat ako ng TV sa may mini glass table.
"Noona! Yung BIGBANG oh! Mama, tignan mo sa TV diba, sikat ang BIGBANG!" sigaw ng aking kapatid na si Joshua.
Si Joshua kasi, alam niya ang bigbang dahil sa'kin, pero di naman siya ganun ka fan. Tataka ba kayo kung bakit Noona tawag sa'kin ng kapatid ko? Nah, di kami koreano, tinuruan ko lang siya.
Napatitig na lang ako sa TV at napaluha.
Ayaw kasi ni mama na pumunta ako sa concert nila. Alam ko para sa'inyo ang babaw ko. Pero kung kayo ay isang VIP katulad ko, malalaman niyo ang nararamdaman ko.
Kaya pinangako ko sa sarili ko pag lumaki ako pupunta ako sa Korea at imimeet sila. Pero napaisip ako. Pagmalaki na ko matanda na sila. Eh 12 years young pa lang ako tapos sila nasa 20 years old na, lalo naman si TOP oppa, kamusta naman 'yun?
*
"Uy! Drew," sabay sundot sa braso nya ng sunod sunod. "Napanood mo ba sa balita? Pinalabas ang BIGBANG!"
"Ano ba, ang sakit mo sumundot! Ikaw kaya sundut sundotin ko dyan! Ang sadista mo talaga!"
Napapout na lang ako. "'Di kaya masakit!"
"Pero napanood mo nga 'yung nasa balita?!"
"Oo nga!" Pagkatapos niyang isagot 'yun pinaghahampas ko siya dahil sa kilig..
"AYIIEE, pinalabas sila sa TV! Ay... Gusto ko pumunta sa concert!" tapos naluluha na naman ako.
"Alam mo, para kang buang, kilig na kilig tapos biglang iiyak!"
"Eee basta, saka binasa mo na ba yung 'Class 3C has a secret?' sa wattpad?"
"Oo."
"Eh kilala mo na sina Denise, Angie, Amanda, Ash?"
"Oo."
"Alam mo ang brutal namatay 'dun si Angie tapos 'yung nanyari sa mama ni Ash kadiri kasi yung tatay niya baliw-"
"Ano ba, spoiler ka, 'di pa nga ako nakakadami ng chapters!"
Nandito kami sa classroom kasama ang bestfriend ko na si Andrew or in short Drew, bestfriend ko 'yan since grade 3, grade 7 na kami ngayon. Nag didiscuss yung teacher namin pero, 'di kami nakikinig. Hahaha. Mabait yata na studyante kami!
"Tiara Ann Nichole Acosta. Please proceed to the Principal's Office. Now." sabi ng intercom.
BINABASA MO ANG
Virtual Reality. [ONHOLD]
Teen FictionWhat if you had a chance to make your own world, a chance to make a Virtual World? But what if in the end magsisi ka sa ginawa mo? WILL YOU FACE YOUR VIRTUAL REALITY?