Author Of This Story

116 0 0
                                    

"The Uncrowned Prince Meets His Princess" 

By: phantomprince_27( GlennfordFajarito) 

PROLOGUE:

"The Only Constant In This World Is Change"

Yan ang sinabi sakin ng bestfriend ko. pagkatapos mangyari ang isang insidente sa buhay niya.

Ito ang katotohanang .. lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbabago. 

at siyempre kasama na doon ang "LOVE" na sinasabi.

Masiyadong malakas ang impluwensiya ng "LOVE" sa bawat tao. 

Minsan hindi mo lang namamalayan. Mapapansin mo nalang nagbago na ang mundong ginagalawan mo pati narin ang pagkatao mo. 

Ngunit kahit ang "L.O.V.E" na yan ay nagkakaroon din ng mga pagbabago. 

Na Sadiyang nagdudulot ng malaking ipekto sa buhay ng isang tao.

"Pare. totoo ba talaga yung binalita mo kagabi sa status mo?" 

Ngumisi ako sakanya. 

"Oo pare. Wala na siya. Ang Dating "Uncrowned Prince" na si Dan. 

Pero masaya talaga kami pare dahil nawala na siya eh." 

"Talaga? bakit naman Pare?" nagtatakang tanong niya. 

"Lagi siyang sagabal sa kaligayahan namin pare eh. kaya mas mabuti narin at nawala na siya ng tuluyan."

Chapter 1: 

Dan

June ,4, 2013 Monday  

First day of class this year. common nalang sakin itong mga ganitong araw. nothing special.

"Mang Alex. matagal pa ba tayo?" 

"Sir? malapit lapit narin naman ho. mga ilang saglit pa ho at nadoon na tayo." 

"Sir? hindi ho ba kayo kinakabahan?" nag aalalang tanong niya. pero hindi ko lang siya pinansin nung una. 

"Sir? okay lang po kayo?" 

Talagang nag aalala nga siya sakin. sagutin ko na kaya.

"Oo. okay lang ako.. bakit naman ako kakabahan? .. papasok lang naman ako sa bagong school diba?" 

"Hahaha. kayo po talaga sir. mahilig kayo maglihim. hindi man lang ba kayo curious sa bago niyong school sir?" ngumiti siya sakin. 

Nag grin ako sakanya. "Heh. hindi .. hindi talaga. wag kana ngang magtanong ng tungkol diyan. pero salamat narin sa pag aalala mang Alex."

Sa totoo lang. hindi talaga ako kinakabahan. prepared narin kasi ako para dito. new classmates, new teachers, new faces to encounter at siyempre new experiences. pero kung curious ba ako? siyempre kahit naman siguro sinong transferee eh. gusto ko rin naman malaman ang mga ibat ibang ugali ng mga tao sa paligid ko.

Mga 15 minutes pa ng biyahe at nakarating narin kami sa bago kong school ko. hindi na ulit ako umimik pagkatapos ng last conversation namin ni mang alex. hindi rin nagtagal pumasok narin kami sa gate ng campus. sinalubong kami agad ng guwardiya sa may gate.

"Sir. gate pass niyo po" tapos inabot niya ito kay mang alex. nginitian niya lang din naman ito. 

Dumiretso na kami sa loob. tapos nag park na siya sa may parking lot ng campus. 

pagkatapos niya mag park bumaba na ako ng kotse. 

"Salamat mang Alex. alam ko na ang daan. ako nalang mag-isa ang pupunta dito bukas." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Uncrowned Prince Meets His Princess (Unfinished Story) /Sample UploadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon