(Mikhaella Ramirez POV)
"Class dismissed. Don't forget to submit your project next week." Pag-alis ni Maam, isa-isa naring nagsialisan ang mga classmate ko. Kami naman ni Bessy, naka tengga parin sa upuan namin. Di naman kami atat umuwi eh.
"Bessy, daan mo na tayo seven eleven. I'm craving for icecream." sabi ni Shara.
"Bakit teh? Buntis ka? Sino Ama?"
"Gaga!"
"Ouch!!" Walangyang mamatok ang babaeng to! Sakit pocha! "Sakit nun ha! I thought mabait ka? Kelan ka pa natutong mamatok? Di kaya kita samahan dyan." Akmang magwowalk-out na ako pero madali na akong nahigit at kumapit siyang parang gorilla sa braso ko.
"Eto naman si Bessy, masyadong matampuhin. Lilibre kita ng icecream."
"Yan. Dapat ganyan para nagkakasundo tayo. Gusto ko ng magnum."
"Wow! Magnum? Sosyal mo rin noh? Sundae lang ng seven eleven ang afford ko teh. Taghirap ang pilipinas ngayon, you know."
"Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga." I pout.
"Manlilibre na nga ko. Kuripot pa ko? Eh kung wag nalang kaya kitang ilibre ha?"
"Waaaaaah! Wag! Joki-joki lang naman eh. Ang generous mo nga masyado eh. Kaya labs na labs kita. Pakiss nga."
"Dont you dare." Hinarang ng palad nya ang nguso kong papalapit sa kanya.
"Arte!!" Then I pout.
Di nagtagal nakarating na kami sa seven eleven. Di talaga matagal kasi katabi lang naman ng school namin ang convenience store na'to.
"Bessy, Umorder kana. Magrereserve lang ako ng upuan natin." Sabi ko.
"Oki." Pumila na sya sa counter.
Nakahanap naman agad ako ng pwesto. Marami naman kasing vacant seat eh. Pero kailangan parin makasigurado dahil baka mamaya bigla nalang magdagsaan ang mga tao rito. Tulad ng nangyari dati. Walang masyadong tao rito dati nung oorder palang kami ni Shara kaya kampante kami at pareho kaming nakapila sa counter. Tapos pagkaorder namin, biglang napuno ng tao ang store. Ang ending tuloy, kinakain nalang namin ang icecream habang pauwi.
Mas gusto ko kasing kinakain dito ang icecream ko kasi makalat akong kumain. Mukha akong gusgusing bata pag kumakain ng icecream.
Napatingin ako sa pinto. May pumasok na grupo ng lalaki.--teka parang they look famili---"Watdapak!" Nanaman! Bakit kailangan ko nanamang makita ang taong yun?
Nagtago ako sa ilalim ng mesa tapos mabilis kong nilabas ang papel at ballpen ko sa bag. "Dear bessy, mauuna na ako sayo. Sayo nalang yang icecream. Pero bukas ililibre mo parin ako. Bye...Mwaah From: Mika." Pagpatong ko ng papel sa table, biglang may humawak sa kamay ko. Hinigit ako nito at napatayo ako. And now I'm facing him. Ang taong pinagtataguan ko, kinatatakutan ko dahil nagawa kong karumaldumal sa kanya. Si Darren. He smirked.
"Tingnan mo nga naman. Look who's here. Ang galing noh? Lagi tayong pinagtatagpo. Ang swerte ko."
"W-what do you mean?" Anong swerte? Saan banda ang swerte pagnagkikita kami? Eh pagnagkikita kami lagi akong minamalas.
Hinila nya pa lalo ako palapit sa kanya. Tapos tinapat nya ang bibig nya sa tenga ko. "Hindi na pala kita kailangan hanapin kasi tadhana na ang naglapit sa atin." Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Yung mga pinagsasabi nya...Nanlaki ang mata ko! Nagcoconfess ba sya saakin? Type nya ba ako? Teka eh kelan naman sya nainlab saakin?