Di ka ba iiyak?Di ka pa ba iiyak?
Di ka ba umiyak?
Isang babaeng ang tatag tatag
Bakit parang wala lang sa kanya.
Maraming tao ang nakalaalam ng kaniyang buhay. Alam ng mga tao sa paligid nya ang bigat na kanyang dinadala. Nasasaktan ang mga taong malapit sa kanya para sa kanya.
Paano mo nakakaya?
Kakayanin mo ba?
Kaya mo pa ba?Ilang beses na siyang nakitang naging mahina. Iniwan, sinaktan, dinurog at pinaglaruan na sya ng ilang mga lalaki at saksi ang kaniyang mga kaibigan. Bumagsak, nadrop, at huminto sa pagaaral, saksi ang mga guro at kaklase nya. Namatayan ng nanay, Iniwan ng tatay, at tinakwil ng mga kamag anak saksi ang diyos. Saksi ang diyos sa paghihirap nya.
Patuloy syang ganon ang sitwasyon nya, na para bang naging paborito na syang paglaruan ng tadhana. Tila gustong gusto syang nahihirapan.
Di ka ba sumuko?
Sumuko ka na ba?
Susuko ka na ba?Sa mga naging saksi ng kaniyang buhay, wala sino man ang nakitang sumuko sya. Patuloy pa rin sya sa kaniyang buhay. At nakakaya nyang ngumiti kahit ang bigat na ng kaniyang dala.
Nang dumating ang panahon na sya ay naka graduate, isang mensahe ang kaniyang binitawan para sa mga taong maraming katanungan sa kanya.
Di ka ba iiyak?
Kaya mo pa ba?
Susuko ka na ba?"Bakit ako iiyak?....oo umiyak na ko pero ayoko na palagi lang akong iiyak. Ano bang dulot na iyak na yan?...oo nakakapagpagaan ito ng loob, pero kung palagi lang iiyak paano ka makakaalis sa pwesto mo? Paano mo makikita ang ganda ng mundo? Paano mo malalaman na hindi ka nagiisang Iniwan at niloko? Kung iiyak ka lang.."
"Bakit di ko kakayanin? Kasama ko si God na laging sumasaklolo sa tuwing ako'y na lulunod na. Andyan sya sa tuwing na wawalan na ko ng pag-asa, andyan sya palagi...kaya bakit di ko kakayanin kung kasama ko si God.."
"Bakit ako susuko? Eh kasama ko nga si God, isa pa isa lang yan sa maraming challenge na ibinigay sa akin...hindi para patunayan sa inyo na mahina ako, kundi para Patatagin ako at maging malakas. Hindi ako humihina pa lalo, mas nagiging matatag ako"
"So...bakit ako iiyak, bakit di ko kakayanin, bakit ako susuko kung sa bawat yugto ng buhay ko ay si kristo ang kasama ko."
So ayun na nga hahaha...
I hope you like it kahit ang lame