NAPABUNTONG-HININGA si Sophia habang naghihintay sa loob ng isang five-star hotel sa Makati ng oras na iyon. Kanina pa niyang nakitang pumasok doon si Jessie at nag-check-in. Hindi niya naman alam kung anong room number nito at kung sino ang kasama nito. Higit isang oras na siyang naghihintay doon ay hindi niya pa ito nakikitang lumabas.
Tumayo na siya at nag-desisyong hanap-hanapin ito, kung sakali ngang makikita niya ito. Dumiretso siya sa elevator at tumungo sa pinaka-mataas na palapag – ang seventh floor. Hindi naman ganoon kahaba ang hallway doon kaya nagpasya siyang maglakad-lakad doon. Medyo nangalay din kasi siya sa mahabang pagkaka-upo.
Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa elevator at bumaba naman sa ika-anim na palapag. Ganoon din ang ginawa niya doon. Naiinis siyang napabuntong-hininga, ano ba itong ginagawa niya?
Wala sa isip na nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa hindi sinasadyang nabangga niya ang isang bulto ng katawan. Bahagya pa siyang nawalan ng balanse, mabuti na lang at agad na nahawakan ng matipunong bisig ng isang lalaki ang baywang niya.
She looked up and was stunned to see the face of a handsome stranger through her dark glasses. Then she recognized who he was. Vincent Fabella!
Mabilis siyang umayos ng tayo at bahagyang lumayo dito. Inayos niya ang salamin at cap na suot para maitago ang mukha dito.
Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya at napangiti. Damn, his smile made him more gorgeous!
Tumingin ito sa itaas. “I can’t see the sun in here,” tudyo nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Pinagtatawanan ba nito ang disguise niya? Well, ano bang aasahan niya? Katawa-tawa naman talaga ang ayos niya.
“Artista ka ba?” narinig niyang tanong nito.
“Hindi,” maikling sagot niya.
“Then, I guess nandito ka sa ganyang ayos dahil gusto mong hulihin kung may kalaguyo ang asawa o boyfriend mo?”
Muli na namang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? “Bakit? Alam mo ba ‘yan dahil isa ka sa mga kalaguyo ng mga babaeng nagpupunta dito?” mataray na ganti niya.
He laughed a captivating laugh. Tinitigan niya ito. Mabuti na lang at naka-shades siya kaya siguradong hindi nito nakikita ang ginagawa niyang pagsusuri dito.
This Vincent Fabella was handsomer in person than in photos. May dahilan kung bakit patay na patay ang kapatid niya dito. He was well-built and stands six ‘two or so. At aaminin niyang napaka-hot nitong tingnan sa suot na black business suit.
“No, I’m here for business,” sagot nito.
Ipinaikot niya ang mga mata. Business daw. Luminga-linga siya sa paligid. Saang kuwarto kaya ito nanggaling? Siguradong si Jessie ang kasama nito dito. Nasaan na kaya ang kapatid niyang iyon. Talagang malilintikan ito sa kanya sa pagsama-sama nito sa loob ng isang hotel kasama ang isang lalaki, kahit na anong guwapo pa nito.
Muli siyang tumingin dito nang marinig ang pagtikhim nito. “Sa tingin ko may kailangan ka pa talagang hanapin,” sabi nito. “Good luck on that,” ngumiti ito at lumakad patungo sa elevator.
Bumuntong-hininga siya at nagpasyang sumunod na lang dito. Wala rin namang mapapala ang paghahanap niya sa kapatid. At least, alam niyang posibleng ang Vincent ngang ito ang katagpo ng kapatid niya.
Lumingon ito sa kanya nang makapasok sila sa loob ng elevator. “Aalis ka na agad? Hindi mo na aalamin kung may kalaguyo ang asawa o boyfriend mo?” nasa tinig nito ang panunudyo.
“Wala na akong pakialam sa bagay na iyon, nakita ko na ang kailangan ko,” sagot niya.
“Ako?” ngumiti ito. “Huwag mo sabihing isa ka sa mga babaeng palihim na naghahabol sa akin?”
She scoffed. Ang kapal naman ng mukha nito. Siya? Maghahabol dito? Never! “In your dreams,” sambit niya.
Tumawa ito at humakbang palapit sa kanya. “Gusto kong makita ang mga mata mo. Can you take off your glasses?” hiling nito.
Napaatras siya at napasandal sa dingding ng elevator. Hindi puwedeng makita siya nito. Paano kung ipakilala ito ni Jessie sa kanya? Siguradong mababanggit nito na nakita siya nito sa hotel na ito. “H-Hindi puwede. D-Duling ako,” dahilan niya.
He bursted out laughing on what she said. Tumango-tango ito. “But you have beautiful lips,” he mumbled. “So kissable.”
Bago pa mag-sink-in sa isip niya ang mga sinabi nito ay nahawakan na nito ang mukha niya at nasakop na ng mga labi nito ang sa kanya. Her eyes widened and she felt her cap fell on the elevator’s floor.
His lips were tightly pressed on hers, so warm and so sweet. Mabilis niyang hinakot ang natitirang katinuan ng isipan at itinulak ito palayo. Pinunasan niya ng kamay ang mga labi. “How dare you?!” galit na galit na wika niya dito.
“Sweet,” he replied and winked at her. Bumukas na ang elevator at nauna na itong lumabas.
Pinulot niya ang cap na nasa sahig at muling isinuot iyon. Puno pa rin ng paghihimagsik ang kalooban niyang lumabas ng elevator at sumunod dito hanggang sa parking lot ng hotel na iyon.
“Hey, you, Vincent Fabella!” malakas na tawag niya dito.
Tumigil ito at humarap sa kanya, may malawak na ngiti sa mga labi. “You know me? I’m flattered.”
Natigilan siya at mabilis na iniiwas ang tingin dito. Bakit niya ba binanggit ang pangalan nito? Naiinis niyang muling ibinalik ang tingin dito. “How dare you kiss me? Ang kapal talaga ng mukha mo.”
“You don’t like it?” his voice teasing.
Namaywang siya sa harapan nito. “Of course, I don’t!” muli niyang pinunasan ang mga labi. “It’s disgusting.” But deep in her heart, medyo nagustuhan niya rin naman ang halik nito. Medyo lang.
Ngumiti ito at muling humakbang palapit sa kanya. “You’re so cute, so charming,” puri pa nito.
Mabilis siyang lumayo dito. “And you’re scary, insane, stupid and a maniac!” pagkasabi noon ay mabilis na siyang tumakbo palayo dito. Hindi niya papayagang ma-molestiya na naman siya ng maniyakis na iyon. How dare he kiss her? Hindi pa nga siya nito kilala. Sadya bang bigla-bigla na lang itong nanghahalik ng mga bagong kakilala nito?
Ano na lang ang sasabihin ni Jessie kapag nalaman nitong nahalikan na siya ng nobyo nito? O kung anupamang relasyon ng mga ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...