Chapter V - Miguel Montenegro

4 1 0
                                    

"Tulooooooooooooonggggg"
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
"Jusko po"

Naririnig ko pa ang mga sigaw, iyakan at hinaing nang mga taong lulan ng sasakyang iyon, kanya-kanya kaming dasal na makaligtas lang sa bingit nang kamatayan, lahat kami ay nagkakagulo nakita ko ang mga taong wala nang malay at wala nang buhay, wala na sa tama ang paglipad ng eroplanong sinasakyan namin, may kayakap akong isang babae naghanap ako nang bagay na pwedeng magligtas samin nakakita ako ng isang parachute at sinuot iyon ngunit naalala ko ang babaeng mahigpit ang yakap sakin tsaka ko lang napansin ang suot niyang life-vest, hindi ko siya pwedeng iwanan kailangan ko din siya iligtas, pumasok sa isip ko ang suot-suot kong bracelet na in-case of emergency ay nagiging lubid ito, hinubad ko yon at kinalag ang pagkakatirintas at nagtagumpay naman akong makalas yun, di gaanong kahaba ang lubid pero sapat na para maitali ko siya sa akin at makatalon kaming magkasama sa sasakyang iyon, itinali ko ito sa bewang niya, at nang ipupulupot ko na sana sa katawan ko isang malakas na pagsabog ang nagpawindang sa amin at napayapos ako sa kanya naramdaman ko nalang ang malakas at mainit na pwersang lumamon samin at isa pang malakas na pagsabog ang sumunod...

"Sissams!, hey gising, Gabby gising!" bigla akong napabalikwas nang bangon sa pagkakaupo, hingal na hingal ako at napansin kong basang basa na nang luha yung pisngi ko. Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin.

"Gabby nananaginip ka lang! Sshhh nandito lang ako tama na!" nung nasabi niya yun tsaka ko lang napagtanto na umiiyak pa pala ako. Yumakap na rin ako sa kanya ng sobrang higpit.

Palagi ko nalang napapanaginipan yun simula nung magising ako sa ospital, yun at yun lang lagi dumadalaw sa panaginip ko, sobrang nakakatakot ramdam kong totoo lahat nang yun.

"Tahan na Sissams! Ano okay ka na?" tumango naman ako at kumalas nang yakap sa kanya, sanay na ko sa ganitong setup sa una matatakot ako pero kalaunan ay mahihimasmasan din naman ako.

"Pasensya ka na ha!" alam kung nagulat din siya sa nangyari kasi kadalasan sa bahay lang talaga ako nagkakaganto at si kuya yung nagcocomfort sakin pero ngayon napagalala ko pa siya.

"Ano ka ba, ako nga yung nagaalala sayo, habang tulog ka umiiyak ka at parang takot na takot kaya ginising na kita kasi alam kung binabangungot ka" pagkukuwento niya na may halong pagaalala
"Ayaw ko nang tanungin kong ano man napanaginipan mo kasi alam kung masama yun at ayaw mo na balikan" dagdag pa niya, tumango nalang ako at muling yumakap sa kanya.

"Salamat Mikee, buti nalang nandiyan ka para sakin" at muli na naman akong naluha

"Here! get some tissue" nagulat ako nang may nagabot sakin nang isang box ng tissue, tsaka ko naalala nasa kotse pa pala kami at nadito nga pala yung kakambal ni Mikee at siyang nagabot ng kahon sakin. Narinig niya kaya lahat.

"Thank you" sambit ko at kinuha yung inaabot niya sakin. Nagulat naman ako nung bumusina nang malakas yung kotse pagtingin ko sa labas nasa harap kami ng isang malaki at mataas na gate. Nandito na pala kami sa mansyon ng mga Montenegro.

"Nandito na tayo Gabby, halika baba na tayo" matapos bumukas nung gate ipinarada ni kuya Jepoy yung sasakyan sa may harap ng pintuan nung bahay at nauna kami bumaba ni Mikee.

Sinalubong kami ni ate Tess at bumati, bumaba na rin si Migz na sobrang ngiting ngiti nang makita niya ang buong bahay miss na miss niya siguro tumira dito.

"Nako Maam kanena pa po nageentay sina Madam at Ser sa loob, excitement na sila kanena pa" napatawa naman ako sa nasambit niya.

"Yaya excited! Hindi excitement!"

Remember: Who Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon