Ikaw Talaga Ulan

0 0 0
                                    

Pamagat:Ikaw Talaga Ulan

Ikaw Talaga Ulan

Ikaw talaga ulan,
Di ko mawari iyong nararamdaman,
Minsan wala, minsan nandiyan,
Madalas mo akong iniiwan.

Ikaw talaga ulan,
Pinaglalaruan mo aking nararamdaman,
Nagpapamis ka minsan,
Ngunit binubuhos mo lahat para sa aking pangangailangan.

Kung ika'y darating ako'y sabihan mo naman,
Para di mabigla pag ika'y nandiyan,
Wag kang dumating ng di inaasahan,
Upang ikaw ay aking mapaghandaan.

Ulan o ulan,
Gaya mo kaya aming pagmamahalan?
Na dahil binuhos ko lahat ang aking nararamdaman,
Nasakal siya nanlamig ng biglaan?

Ulan o ulan,
Hindi hindi ko malilimutan,
Dahil sayo kami nagmahalan,
Dahil sayo kami naghiwalayan.

Ulan o ulan,
Minsan dulot kasiyahan,
Minsan kalungkutan,
Minsan naaalala mga sandaling ikaw ay kasama sa ilalim ng bumubuhos na ulan.

Tula ng Aking PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon