Jade's POV
Gabi na at kakauwi ko lang galing school. May dinaanan pa kasi ako kanina bago umuwi buti nalang hindi na nagtanong si mama pagkauwi ko.
Flashback..
Actually kanina pa talaga yung uwian namin pero dumaan muna ako ng book store para bumili ulit ng mga bagong wattpad books. Mahilig kasi akong mangolekta ng mga ganoong libro kaya pinag-iipunan ko talaga.
Minsan nga hindi na ko kumakain sa school para yung baon ko iipunin ko nalang hanggang sa makaipon ako. Hindi ko sinasabi kay mama kasi dati bumili ako ang isa tapos kinuha niya lang din. Tapos sabi niya pag bumili pa daw ulit ako lagot ako sa kanya.
Wala naman daw kasing kwentang yung mga ganung klaseng libro. Hindi ko nalang dinibdib dahil wala din namang mang yayari baka magkaroon pa ako ng sama ng loob sa kaniya.
Kung nagtataka kayo kung paanong hindi nalaman ni mama na bumili ako ng libro syempre tinago ko sa bag ko tapos nung nsa kwarto na ako nilabas ko siya tska ko itinago sa loob ng baul ko sa ilalim ng kama. Mga labing limang piraso din yung nabili ko. Sana hindi ito makita ni mama o kaya ng mga nakababata kong kapatid shemay.
End of Flshback...
Nandito ako ngyon at nakapwesto sa study table ng kwarto ko. At nagbabasa ulit ako ng libro. Syempre wattpad books. Patapos na ako sa binabasa ko nang biglang may kumatok sa pintuan. "Jade! Anak! Tulog ka na ba?" Kumakatok si mama! Agad agd kong itinago sa loob ng baul ko yung librong binabasa ko.
Pag pihit ni mama ng pintuan nakita niya akong may itinatago sa ilalim ng kama. Hindi ko alam kung
nakita niya bang libro ang itinago ko doon. Pero hindi naman siya nag react kaya baka hindi nga niya nakita."Oh ma. Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kniya. Na para bang walang nangyari. Medyo hinihingal pa ako kaya huminga muna ako ng malalim.
"Tinignan ko lang kung tulog ka na. Pero hindi naman pala. Oh siya ako ay matutulog na." Ewan ko kung guni guni ko lang ba iyon pero parang may sumilay na nakakatakot na ngiti sa mukha ng nanay ko.
Hindi ko nalang pinansin at nagpaalam na matutulog nalang din ako. Maaga akong nagising ngayong araw dahil may pasok pa ako. Nakapagbihis na ako at palabas na ako ng bahay at nakita ko si mama na nagwawalis sa bakuran. Nag paalam na ako at nag tuloy tuloy na sa paglabas ng bahay.
Nandito na ako sa school at kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Jani (short for Janilyn HAHAHAHA)
A.N.: Pagbigyan niyo na wala na kong maisip na pangalan e.
Katatapos lang ng class namin. Medyo nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Ewan ko alam ko kanina pa ito sa bahy pagkakita ko kay mama. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung mga ngiti niya e. Parang naninikip yung puso ko. Hindi ko nalang sin pinansin at umorder na kami ni Jani ng mga kakainin namin ngayon.
"Jade may dala ka bang wattpad books dyan?" tanong sakin ni Jani. Inabot ko nalang sa kanya yung 'Rebound Girl' ko na libro. Hindi niya pa kasi tapos yon kaya ayon talaga yung dinala ko.
Naiinggit nga ako kay Jani kasi siya suportado aiy ng parents niya pag bumibili siya ng libro. Tapos na kami kumain kaya pabalik na kami ngayon sa classroom.
(5 hours later...)
Palabas na ako ng school. Masikip pa din ang dibdib ko. Ewan ko pero parang madaling madali akong makauwi sa bahay. Kaya naman dali dali na akong pumara ng jeep para makauwi na.
Pagkababa ko ng jeep. Pumara namn ako ng tricycle na maghhatid sa kin sa bahay. Habang papalapit qko ng papalapit sa bahay mas ndadagdagan ang sikip ng dibdib ko. Pagkababa ko may nakikita akong usok sa bandang likuran ng bahay. Pumunta ako doon.
At parang may milyong milyong karayom ang sumaksak sa puso ko. Nakita ko yung mga libro ko na nakalagay sa baul habang nasusunog. Habang yung nanay ko ayon nakangiti. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko dahil sa galit, sakit at pagsisisi.
Sana pala tinago ko ng maayos yung mga libro ko. Sana pala naging responsable ako. Sana pala...
Halos wala nang natira sa bawat pahina ng mga libro ko. Hindi na ako nag abalang apulahin ang apoy dahil masyado ng lumaki ang apoy.
Nanghihina man tumakbo ako palabas ng bahay. Nanghihina ang mga tuhod ko. Sabihin niyo man na napaka OA ko pero masisisi niyo ba ako?! Para sa isang taong mahilig magbasa ng mga libro mas masakit pa din na masaksihan ang mga libro mong nasusunog at wala man lang akong magawa. Tuluyan na akong napaluhod sa kalsada habang pumapatak pa din ang mga luha ko.
Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila Jani. Doon muna ako matutulog. Hindi ko talaga kaya.
MARAMING SALAMAT SA'YO!
FOLLOW ME!
Facebook: Janilyn Candelaria Alfonso
Ig/ Twitter: @janilync1
Youtube Channel: Janilyn Candelaria
I LOVE YOU! ♥️
BINABASA MO ANG
Books on Fire
Short StoryHabang naglalakad ako pauwi... nakita ko yung mga libro ko... WAAAAAHHHHHHHHH!!!!!