Burp... sabi ng bunganga ko.
"Eww! Have manners darling," narinig kong reaksyon ni Mama habang linalamon ang isang buong ham sandwich sa harapan ko. Ngumiti lang si Papa na nasa tabi niya.
Nasa harapan kami ng hapag-kainan at kanya-kanyang hataw kami sa pagkain. Habang inuubos ni Mama ang ham sandwich sa isang subuan, nakatingin siya ng may "laman" sa akin. Yung tipong 'Hintayin-mo-kong-matapos-dito-at-mag-uusap-tayo' face. Inignore ko na lang yun at ininom ko na lang yung orange juice na nasa harapan ko.
"So," narinig ko na si Papa naman ang nag-simula, "Kumusta naman kayo ni Prince?"
Alam mo yung feeling na gusto mong i-dura lahat nung orange juice na nasa bunganga mo, yun, hindi ko feel magawa. Wala lang.
"Wala lang," walang ganang sagot ko. Medyo nahihiya pa kasi akong ikwento kung anong nangyari sa so-called date namin.
Minataan ako ng masama ni Mama. Pagkatapos niyang lagukin yung buong sandwich, siya naman ang sumabad.
"Sabihin mo nga Marie Claire! Ano ba talagang nangyari sa date niyo?" napalakas na tanong ni Mama.
Agad naman hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama, "Relaks lang Mama baka atakihin ka."
"Sus," reak ko, "Paano aatakihin si Mama eh ang lusog-lusog niya."
"Tama nga naman ang anak ko," pag-a-agree ni Mama, "Huwag kang ganyan Papa kasi okay lang ako."
Di na lang nag-salita si Papa.
*___________________________*_______*
Tuk-tuk...
"Katukin mo uli," utos sa akin ni Charlotte.
Nasa labas kami ng opisina ng manager ng publishing house kung saan naka-kontrata si Bobby O. Well, alam ko naman na sigurado na hindi niya i-entertain yung mga tanong namin kay Bobby O., pero it's worth a try naman di ba? Biglang bumukas yung pinto. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo, medyo kinakabahan, pero ang hirap i-explain yung feeling.
"Ah, kayo ba yung mula sa isang magazine agency? Pasok kayo," walang ano-ano'y na sabi ng lalaking nagbukas sa'min ng pinto.
Pinaupo niya kami sa maitim na sofa malapit sa isang unknown na halaman. Hmm. Hinatak niya ang isang swivel chair at umupo sa harapan namin.
"Bakit nga pala kayo napunta dito? Ahh naalala ko na si Bobby O. pala," sabi niya sabay hagikhik.
Yung tipong sisipain ko na yung lalaki kasi hindi niya kami pinagsasalita. Alam mo yung tipong nagtanong ka pa eh sasagutin mo rin pala. Hay naku!
"Ah opo, alam po namin na wala kayong balak sabihin ang nakatagong tao sa katauhan ni Bobby O. pero, by any chance, hayaan niyo po kaming interviewhin kayo para atleast magkaroon kami ng ideya kung anong klaseng tao si Bobby O." well said ng kaibigan kong si Charlotte.
Pero makikita mo sa mga mata ni Charlotte na determinado itong hanapin ang target namin. Alam niya na kung hindi kami makakakuha ng impormasyon ngayon, well dead end na kami.
"Ganun lang pala eh," medyo nagulat ako sa sagot ng lalaki, "Ayos lang. Yun lang pala. Laging sinasabi ni Bobby O., interesado talaga siya sa mga taong naghahanap sa kanya. Well anyways, how do I start this? Ah, let me introduce myself first, I'm Casper Orille, the manager of this Publishing House," at nakipag-kamay ito sa amin ni Charlotte.
"By the way Sir we are..." biglang naputol ang sasabihin ni Charlotte ng biglang sumabat si Casper.
"I know, you're Charlotte and Marie. Nice meeting you," ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Hunting Bobby O.? [COMPLETED]
Разное(Inspired by Bob Ong's unknown identity) Si Marie Claire Baguio, isang ordinaryong babae na panlaban lang sa buhay ay ang boring niyang buhay. Bukod doon, ang pinakaproblema niya ay ang sobrang OA na magulang niya na halos di na siya ipalapit sa lal...