Magandang araw po! Yes naman, nasa book 4 na tayo, ang huling book ng series na ito! Akalain nio yun ? Apir, completed na ang DNP collection mo! Ayiee ! Y, sana nagustuhan mo, ha? Sana nagenjoy nang lubusan sa pagbabasa ng librong ito. Magpapaalam na sa iyo si Eya, ang antipatikong si Cross, ang mapaglaro nating si Chad at ang englishera nating (wow nanose bleed ako sa character nia infairness, haha! ) si Lory! Sana mamiss nyo sila at lagi nio silang maalala, hihi, ang drama lng ee! Hehe! Grabee, hindi parin ako makapaniwalang napublished talaga ito! Pag nahahawakan ko at nakikita ko ito sa bookstore, parang nagdadalawang isip padin ako kung totoo ba yun o ano! Namamangha ako sa mga pangyayari! Ung tipong nabored lang ako isang araw at sinulat ko ito tapos ngayon, libro na talaga sia, hindi ako makapaniwala!!! Uhfuahsfhbvd <--*hindi makatype ng ayos sa kilig*
Yung pasasalamat ko sa inyo, infinite, walang katapusan, palang period!!! Araming salamat po talaga sa mga sumuporta ng librong ito at sumuporta dun sa akin bilang isang writter! Dahil po sa lvl 9999 na suporta nio, nagtop 1 po tau sa best sellers ng National Bookstore a month ng May, June at July. Nakakatuwa ng sobra! Sa ngayon, ito po yung pinakamalaking achievement ko sa buhay! At yung achievement ko po, achievement nio na rin kaya maraming salamat po ulit! ( medyo sirang plaka na rin ee nuh ! Thank you ng Thank you XD )
Gusto ko din pong ipaalam sa inyo na ang ginawang libro na rin po ang dalawa ko pang kwentong sinulat, ang isa ay ang Voiceless na may dalawang volumes at yung isa ay She Died naman pero ung She Died ay manga style, yung tipong comics, may drawings. Si Enj po yung artist dun, ang galing nia po promise! Sana po tulad ng suporta niyo sa Diary ng Panget series ay suportahan nio rin po ang librong ito. <3 ❤❤
Hanggang dito nalang po siguro speech ko (hihi!), maraming maraming salamat po! Sana maenjoy nio ang kwentong ito hanggang sa kahuli huliang kabanata.
Nagmamahal (naks!),
HaveYouSeenThisGirl / Ate Denny