The Beginning of EVERYTHING

22 1 0
                                    

[Zerdy's POV]

Hala! Bakit ganito?! Nagsisimula palang pero romantic love scene na! WHAT THE- H-hes going to kiss me! Ay mali! S-shes going to kiss me! Naguguluhan ka?? Pwes! Mas naguguluhan ako!

Heto ang eksena.

Nakaupo ako sa sahig sa baba ng hagdan. Pero sa totoo lang hindi na ako nakaupo. Halos nakahiga na ako! Nananakit na ang katawan ko, kung bakit ba naman kasi... WHOA! Hayan na siya... he's/she's really going to kiss me! Wala na akong maaatrasan, pader na! Hey, hey.

Wala na akong nagawa, dumampi na ang malambot at napaka tamis niyang/kong labi sa mga labi ko/niya. Ang gulo talaga!! Pero hindi ito ang problema! Resulta lang ito ng isang aksidente. Anyway its all started with~

HAYAAN MO AKONG MAGPALIWANAG. BUMALIK TAYO 8 HOURS FROM NOW.

***

Sa Staff room. 

"Hoy! Mr. Zerdy Lacap! Ikaw ang kauna-unahang bumagsak sa LAHAT ng subject!" Bulyaw ng guidance teacher na halos isampal na sa akin ang card ko. Hey, ano ba inaantok pa ako. Ang aga-agang sermon naman nito! 

"Wala lang po talaga akong gana. Kaya ayaw kong ilabas ang talino ko." Napahikab ako. 

"Kung ganon, simulan mo ng ilabas yang talinong pinagsasasabi mo!" 

"Alam niyo ba yung kwento ng matalinong usa pero hindi niya ginagamit?? Ganon po ako." 

"TANGA! Hindi yung usa ang matalino don! Yung agila!" Napamulagat ako sa sinabi niya. AKO?? TANGA?? Loko to ahh! "Mas bobo kapa kesa sa isang usa. Estupido!" Aba! Grabeng magsalita to ah!! Daig pa nanay ko. Awatin niyo ko, sisipain ko na to!

***

Sa room. Nakasalumbaba ako at nakapikit.

"Next one is... Mr. Lacap read this!" Nagulat pa ako, bwisit na english teacher to. Pati mga classmates ko, bwisit! Hindi pa ako tumatayo, nag tatawanan na! Lintik! No choice, tumayo ako at nagsimulang basahin ang nasa board. 

"Dat bus... (that bus)" Nagtawanan nanaman ang mga bwisit! As in BUS! Dapat pala BAS ang bigkas. What the hell. "Will take..." lalong lumakas ang tawanan. As in TA-KE! dapat pala TEYK. Bwisit na english! 

"TEYK!" pagtatama ng english teacher ko. 

"Sir! Bakit kasi ganyan?! Mali naman kasi spelling niyo!" Wala ng maririnig sa room kundi tawanan. Shit! Mali naman talaga spelling ehh!! 

"Tama na nga yan! Maupo kana! Miss Rufino, ikaw na." Napakamot nalang ako sa ulo. English english! What the hell.

***

"Wah. Nakakatamad." Bulong ko sa sarili ko ng nasa hallway na ako. Isang taon na ako dito sa nakakatamad na eskwelahang ito, pero hindi ko gusto rito. Araw araw lang na ganito, nakakatamad, nakakasakal.

Oh! Si Ashiya! Papunta siguro siya sa rooftop, na pinanggalingan ko. ASHIYA RUFINO pinaka matalino at pinaka maganda. Hindi lang sa klase namin, kundi, maging sa buong school. Pinaka tahimik din. Nakapag tataka lang.. wala pa akong nakitang ka close niya, lagi lang syang nag-iisa.

Nang malagpasan nya ako ay sumunod ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, sa rooftop ang punta niya. Nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ay inunahan ko siya. Tumingin siya sa akin ng sandali pero yumuko din kaagad at patuloy na humakbang paakyat.

Paalis na ako para unahan siya sa rooftop ng biglang...

"Whooooah!!" Nadulas ako! Hey babagsak ako sa hagdan! Ano ba Ashiya!? Tabi! OH! Napayakap ako sa kanya at... WHAT THE~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon