Disclaimer!!!
Ang unang bahagi ng aking ginawa: 'Isang lalaki, nakapatay! Sanhi? Ilegal na droga. Isang pulitiko nahuli! Sanhi? Ilegal na droga. Laganap parin talaga ang Ilegal na droga'... Ay napulot ko lamang na ideya sa isang artikulong aking nabasa. Wala akong intensyon na angkinin ito. Maraming salamat po. @Sata_Ka : siya po ang nagsulat ng artikulong aking napulutan ng ideya. Salamat po
"Isang lalaki, nakapatay! Sanhi? Ilegal na droga. Isang pulitiko nahuli! Sanhi? Ilegal na droga," madalas marinig sa balita. Laganap parin talaga ang Ilegal na droga. Mapa Pilipinas man o sa ibang bansa. Alam nating masama pero patuloy paring isinasagawa. Ano ba ang Ilegal na droga? Ano ang naidudulot nito? Bakit ito nakasasama?
*Magandang hapon sainyong lahat. Naririto ako sainyong harapan at ngayo'y inyong matutunghayan kung ano ang naidudulot ng ilegal na droga sa ating katawan.
"Kapit sa Patalim" ~ Marahil ito na ang pinaka laganap na salita o sa gawa, dito sa ating bansa. "Kahirapan"~ Marahil ito na ang pinaka laganap na sitwasyon sa bansa natin ngayon. Kapag nagsama ang dalawang ito, saan ba ito tutungo? Mga kaibigan, ang tutunguhan lamang nito ay krimen! Bakit naging krimen? Atin munang balikan kung ano ang kahulugan, ng kapit sa patalim at kung ano ang dala nitong lagim. Kapit sa patalim, tatlong salita, binubuo ng 14 na letra. Ito ang masakit at mapait na katotohanan. Ito ang kalagayan na kinakaharap ng ating bayan. Bakit? Dahil sa kahirapan. Hindi natin napipili kung saan tayo ipapanganak, hindi natin napipili kung sa pamilya ba tayo ng mayayaman o mahihirap. Ito ay ang buhay na kailangan nating tanggapin dahil ito ang ipinag-kaloob saatin. Kumakapit sa patalim sapagkat ito ang kailangan natin upang tayo ay manatiling buhay "Survival of the finest" eka nga. Pero bakit sa kabila ng kahirapan nagagawa paring pagkagastusan ang mga ilegal na droga na iyan!? Oops, baka may natamaan! Hindi ko naman nilahahat, meron at meron lang, kung tutuusin, mayayaman pa nga ang kinauugatan. Nakakalungkot isipin mga kaibigan, imbis na mag tulungan, tayo pa ay nag hihilaan. Nais maka-ahon sa kahirapan? Hindi naman gumagawa ng paraan. May ginagawang paraan? Mali naman ang kalakaran. Mga kaibigan, wag ninyong gawin daan ang ilegal na droga para ang kahirapan ay malampasan. Hindi ito ang solusyon. Sabagay, pano nga naman kayo titigil sa inyong mga paraan, kung ang mga nangunguna pa ay mga nasa pamahalaan! "Mga kabataan ang pag-asa ng bayan!", pag-asa ng bayan!? Hindi naman ginagabayan. Saan na napunta? Sa madilim na kinabukasan! Humihithit ng rugby sa pasilyo, sumusubok ng marijuana at sigarilyo. Paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung ganito ang mga nakakasanayan?
Mga kaibigan, ang ilegal na droga ay masama sa ating katawan. Hindi ito ang solusyon sa ating kahirapan. Wag ninyong takasan ang problema sa maling paraan. Kung iniisip niyong ito ay solusyon, puwes nagkakamali kayo. Hindi kaginhawaan ang nasa dulo nito kundi kasiraan at kadiliman ng kinabukasan. Naapektuhan nito ang katinuan ng kaisipan, naapektuhan nito ang inyong katawan. Nawawala kayo sa inyong katinuan, na humahantong sa krimeng atin ngang kinatatakutan. Ito'y pambutas lamang ng bulsa itigil na't mag-ipon para sumagana. Kaya mga kaibigan, ang ilegal na droga ay atin ng iwasan. Wala itong naidudulot na kabutihan, nagbubunga lamang ito ng patong patong na kasamaan.
*Dito na nagtatapos ang aking talumpati, sana'y inyong nagustuhan ang simpleng talumpating aking pinaghirapan. Sana'y mayroon din kayong natutunan at sana'y naabot rin kayo ng mensahe kong "Ang ilegal na droga ay dapat nang iwasan". Yun lamang po, at maraming Salamat!
YOU ARE READING
Ilegal Na Droga: Maling Solusyon Sa Problema
RandomIto ay isang talumpati na aking ginawa.