Third Eye (OneShot)

86 3 1
                                    

A/N : Ang istoryang ito ay magkahalong totoo at imahinasyon lamang. Ang mga pangalang mababanggit dito ay gawa-gawa lang ng Author. Coincidence lang kung may makapangalan ang mga character.

"talaga? Marami na bang nagbuwis ng buhay dyan sa ilog na yan?"

"oo, kaya wala nang naliligo dyan. Sabi nila may nag-aaya daw sa mga namamatay dyan sa ilog."

"scared!! Gusto ko pa naman maligo dyan kasi ang linis talaga ng tubig eh."

"naku ine huwag. Wala pang nagbubuwis ngayon dyan kaya walang maliligo dyan." wika ng matanda.

Nakakatakot naman pala sa lugar na nilipatan namin. Malapit pa naman kami sa ilog.

Ako nga pala si Lianne. Bagong lipat sa lugar na ito. Kasama ko ang bestfriend ko na titira sa isang apartment. Gusto muna kasi namin lumayo sa syudad kaya dito kami napunta. Liblib na lugar na ito. Rough road na ang daan dito at malayo na sa kabihasnan.

"besh pasok na tayo? " wika ni Mara.

Nginitian ko lang sya at pumasok na kami sa dorm. Padilim nadin kasi saka mag-aayos pa kami ng gamit namin.

"besh hindi ka ba natatakot?" tanong sa akin ni Mara habang naga-unpack sya ng gamit.

"bakit ako matatakot?" sagot ko habang patuloy padin sa pagaayos ng gamit.

Naupo sya sa kama at humarap sakin.

"hindi mo ba narinig yung kwento? Katakot kaya!" wika ni Mara.

"sus! Bakit ka magpapaapekto dun? Hindi totoo yun." pagpapalakas ng loob ko kay Mara.

Sa totoo lang natatakot din ako kasi may Third eye ako. 11 years old ako nung nadiscover ko na nakakakita pala ako ng multo. At ngayong 22 years old na ako, kinakausap na nila ako.

"besh may third eye ka diba?" tanong sa akin ni Mara.

"oo bakit?" balik tanong ko.

"may nakikita ka ba na multo dito?" tanong nya.

Tinignan ko sya. Merong bata sa likod nya na umiiyak ng tahimik. Puting-puti pero itim ang paligid ng mata.

"meron. Sa likod mo." seryoso kong sagot sa kanya.

Bigla syang tumakbo papunta sa likuran ko.

"ehhh! Besh naman eh! Tinatakot mo ako." wika nya at saka nagsumiksik sa likod ko.

"nagtanong tanong ka kasi tapos matatakot ka pala." wika ko.

"huu!" tampo ni Mara.

Pagkatapos ko magunpack ng gamit tumayo na ako para magluto. 5:00 na kasi ng hapon kaya kaylangan nang magluto.

Pumunta ako sa ref tinignan ko kung merong laman. Kasi sa dating apartment na tinirahan namin. May kasamang gamit at puno ng pagkain sa ref.

Pagbukas ko ng pinto agad akong napatakip ng ilong.

"ang baho naman nyan!" wika ni Mara.

Tinignan ko yung ibabang bahagi ng ref para mahanap yung kung ano mang umaamoy na yon. Wala naman eh! Ah! Baka sa freezer yung umaamoy. Dahan-dahan kong binuksan yung freezer. Tumambad sa akin ang isang ulo na nakadilat ang mga mata.

"aaaaaaaahhhhhhhhh!!!" nagtatakbo ako papunta kay Mara.

"bakit ano nangyari? Bakit umiiyak ka?" alalang tanong sa akin ni Mara.

"yung----yung free---zer" nangangatog sa takot na turo ko kay sa ref.

"ano ba yun? Teka puntahan ko." wika ni Mara.

Third Eye (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon