Prologue:
Alam niyo ba yung salitang NBSB?
No Boyfriend since Birth!
Isa na ako sa may title na ganyan nuh!
Para saan ba kasi ang Boyfriend?
Para may ipagmalaki lang?
Para may ikwento sa mga kaibigan?
Para may kikiligin lang?
Para may magpapasaya lang sayo? Tapos iiwanan ka rin sa huli.
Sus! Ikain mo nalang yan kung gusto mo sumaya.
Di ko alam pero usong-uso talaga ang magkaroon ng Boyfriend. Lahat nga ng kaibigan ko may Boyfriend eh, maliban saakin. Di ko alam kung ano ba meron sa Boyfriend at ang saya-saya na nila.
"Mika, tara punta tayo Canteen." Yaya saakin ng mga kaibigan ko.
"Sige mauna na kayo, aayusin ko lang gamit ko." Ang gulo kasi ng mesa ko, daming nakakalat na notebook. Sorry naman di kasi ako maOrganized na babae.
Habang inaayos ko gamit ko, nakikinig din ako sa mga music ng Anime. Wala eh, Otaku ako eh. Mahilig nga din pala ako sa mga Online Games, hehehe! Gamer din ako. Yun siguro dahilan kung bakit NBSB ako. Pero wala naman akong pake, di naman din ako interesado dun.
"Hays! Siguro kelangan ko nang matuto maging malinis! 15 na ako at burara parin ako." Sabi ko sa sarili ko nang biglang may pumasok. "Ay kabayo!!" Napatingin ako kung sino yung pumasok.
"Kabayo?" Nagtatakang sabi niya. Teka, nakalimutan ko pangalan niya. Alam ko sikat siya sa Campus namin, pero bakit ko nakalimutan pangalan niya -.- daming nagsasabi na "Prince" ang title niya eh. Wait I forgot talaga his name!
"Uh! Pangalan mo?" Out of nowhere kong tanong. Nakita ko naman nagiba ang expression niya.
"How dare you don't know me." Tumaas mga balahibo ko nung nagsalita siya. Parang kanina lang, prince-like aura niya ah.
"First, tinawag mo akong kabayo..." Sabi niya habang palapit saakin, kaya onti-onti naman akong umatras. "Second, di mo ako kilala?!" Napalunok nalang ako sa sobrang kaba, kasi nakakatakot talaga siya di katulad kanina sa aura niya. "At last, anong klaseng kanta ba yang pinapatutog mo! Di maintindihan yung Lyrics!" Huh?! Excuse me?! Okay lang sana na ako yung gawin niyang tanga, pero ang mga Kanta kong Anime!? WAR NA 'TO! Kaya naman tinulak ko siya.
"Hoy! Mr Prince Charming ng Campus na ito. Okay lang sana na ako yung insultuhin mo! Pero mga anime kong kanta?! Di ko na ito papalagpasin Mr Prince!!" Sabi ko sabay niligpit agad ang mga gamit ko sa bag. Nang bigla niya akong hinila at....
*kiss*
*click*
H-H-H-H-Hinalikan niya ako?! At isa pa, Kinuhaan niya pa ng Picture?!?!?!
"This is the proof na Hinalikan mo ako! Ano kaya sasabihin ng Campus pag ang NBSB girl ay Hinalikan ang Prince ng Campus na ito?!" This guy... Ninakaw niya ang First kiss ko!! Ininsulto niya Anime ko!! Pero, yung kinuhaan niyang picture!! Ang Peaceful life ko magiging Worst Nightmare!!
"Ikaw!! Ano balak mo?!" Sabi ko habang kinukuha yung cellphone na kinuhaan niya ng picture.
"Simple lang, ipapakita ko ito sa lahat." WHAT?! Ano bang ginawa ko sakanya at ginagawa niya ito saakin?!
"Kung ayaw mo itong ipakita ko sa lahat, you need to pretend to be my Girlfriend. Take responsibility for stealing my First kiss." ANO?! Wow ah! Ako pa talaga may kasalanan sa pagnakaw ng First kiss!! Siya nga yung nagnakaw ng first kiss ko eh!!
"Excuse me! Dapat nga ikaw magTake Resposibility sa pagnakaw sa First kiss ko eh! Ikaw ang humila saakin! Hindi ako magpapakatanga at susunod sa mga utos mo, humanap ka ng babaeng maapaglalaruan mo sa laro mong yan!" Sabi ko sabay umalis ng classroom at tumakbo papunta ng Canteen.
Serves him right! Why would I date this Black Prince anyway?!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Teen FictionBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...