"Susungkitin mga bituin, para lang makahiling na sana'y maging akin, puso mo at damdamin, kung pwede lang kung kaya lang, kung akin ang mundo, ang lahat ng ito, ang lahat ng ito, ang lahat ng ito~ iaalay ko, sayo~"
Masaya akong kumakanta habang naggi-gitara ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, si mama tinatawag ako.
"Nak?"
"Po, anjan na ma"Ibinaba ko ang gitara ko atsaka binuksan ang pinto.
"Ano po yun ma?"
"Anjan mga kaibigan mo sa baba, hinahanap ka, aalis daw kayo"
"Huh?"Nagtaka naman ako syempre, wala naman kaming napag-usapan na aalis kami ngayon, btw, sabado ngayon guys hehe.
"San daw kami pupunta ma?"
"May event daw kayo napupuntahan"Huh? Event? Saang event? Nako talaga puro kalokohan yung mga yun, baliw talaga.
"Ahh haha sige po, baba na tayo ma"
Tumungo naman si mama, sinarado kona ang pinto ko at bumaba na kami ni mama.
Pagkababa namin ay si mama dumeretso sa kusina at ako naman ay sa sala, at yun, andun sila naguusap.
Lumapit ako at umupo rin sa sofa, syempre kinausap ko sila.
"Mga bakla? San yung event na sinasabi ni mama na sabi nyo raw? Wala naman tayong napag-usapan ahh"
Mga bakla po talaga ang tawag ko sakanila, pero si Lance lang talaga bakla samen HAHA
"Be, pupunta tayo sa event nila Kurt, kaya dalian mo magbihis kana"
Kikay na sabi ni Basty haha
"San yun? At sino si Kurt? Singer ba sya? Dancer ba sya? Actor ba sya? Saang bansa sya?"
Yes, wala po akong alam, kasi more on kpop and kdrama ako.
"Hala? Seryoso ka? Di mo sya kilala? My ghed y/n, si Kurt, yung famous na tiktoker jusmeyo marimar"
Stress na sabi ni Basty, habang ako naman iniisip kung sino ba yung Kurt na yun haha
"Nako basty, wag mo ng asahan yan sa mga ganyan, alam mo namang puro kpop gusto nyan ih"
Pagsesermon ni Arian kay Basty, jusme sino ba kasi yun?
"Jusko, imbis na magtalo-talo kayo jan, pumunta na tayo sa mall, kailangan pa natin bumili ng mga ibibigay natin kela Kurt, at ikaw y/n, mag-ayos kana"
Stress na sabi din ni Leigh
"Huh? Bakit? Maayos naman tong damit ko ah, tsaka naligo na naman ako, ang cute cute kaya nitong damit ko, tas cute pa yung nagsusuot"
Nagpacute naman ako habang nakatingin sa kanila haha
"Aish, nako te mag-ayos kana"
Iritang sagot ni Basty HAHAHA g na g eh
"Oo na galit kana nyan? Hahaha"
Pang aasar ko kay Basty.
"Che, mag-ayos ka ah, gusto ko maganda tayong lahat kapag punta natin dun"
"Sigeee"Umakyat nako at pumasok sa kwarto ko. Agad naman akong pumunta sa kabinet at binuksan ito.
"Ano kayang pwedeng isuot? Hmm"
Nagtingin-tingin ako dito at pagkatapos ng ilang minuto nakahanap nako.
Mga tropa ko mga nakashort, ayoko mag-short kaya magpapantalon nalang ako.
Pantalon at oversized t-shirt na red ang suot ko, na may nakalagay sa gitna na "Day/Night" maliit lang yun syempre, nag rubber shoes ako na black.
Kinuha ko ang backpack ko na maliit na kulay black at nilagay ang wallet, tubig, salbutamol, bimpo, mask, payong, pulbo, suklay at cellphone ko.
YOU ARE READING
Imagine | Kurt Lawrence Bautista
FanfictionReminder: This is just an Imagine, and it's just all from the author's imagination. I hope you support my story! Sorry at pasensya na kung may mali sa story na to. This story have two languages English and Tagalog Y/N means Your Name, thats all. Enj...