**Star's POV
( Now Playing ; Your Love Is My Drug - Kesha )
'because your love , your love is my DRUUUG
Anebeyeeeen! -.-"
Si Mika talagaaaaaaa!!
Wala naman akong alarm clock eh. Kaya alam kong si Mika yan. Tsk.tsk.
Napabangon tuloy ako bigla.
Sino ba naman ang hindi magigising ?? Kinabit ba naman ni baklang Mika sa speaker ang cellphone niya at pina-alarm. TAKE NOTE : ang volume WAGASSSSS (_ _") Bakit?? Dahil tulog mantika daw ako >.> Tsss. Yan ang trip -.-
"Hoy! Bakla gising na ako! Patayin mo na po! Please lang kase baka ikaw ang patayin ko" sigaw ko kay Mika. At nawala ang ingay! Oh diba? Lakas ko kay Mika no? Pano ba naman? Ala sais palang ng umaga eh. Baka magalit ang kapit bahay nakakahiya ~T_T~
Huminga muna ako ng malalim at saka bumangon dumiretso sa banyo at saka naligo. Habang nagbibihis ako sa tapat ng salamin di ko maiwasan ang mapatingin sa picture na nasa ibabaw ng mesa. Isang larawan ng buong pamilya na masaya. Hinding hindi ako magsasawa na tingnan ang picture na yun. Dahil ito na lang ang natitirang alaalang naiwan ng pamilya ko.
Sa larawan ay nakikita nya ang kanyang mama at papa na magkayakap at nasa tabi nila ang dalawang dalaga na hindi mo maipagkakailang kambal ang pagkakaiba lang nila ay si Moon ay may nunal sa ilalim ng mata.
Si Moon ay kakambal ko, kakumpitensya sa lahat pero kahit kailan di sya nagalit o nagtanim ng galit sa akin. Ako lang naman to na nakikita sya hindi bilang kapatid ko kundi isang kaaway na kahit anong gawin ko Taob talaga ako sa kanya. At naalala ko na naman ang mga pangyayari. Di ko napigilan ang aking luha. Binasa ko ang nasa likod nang larawan:
' I love you Star, Live your life to the fullest,
" Hayy! Ate Moon, sana ako na lang pala ang nawala T_T para sana natupad mo ang mga pangarap mo" ang nasabi ko na naman nang tingnan ko ang mga ngiti na yun ni Ate Moon. Bumuntong Hininga na lang ako at saka bumaba nang hawak pa din ang picture namin.
Ang bango ng amoy nung niluluto ni Mika! Nakakagutom!