"Cleo, gising na." tapik sa kanya ni Sheila ang kanyang pinsan. "Clei, gumising ka na riyan. Anong oras na,oh. Tanghali na! Baka gabihin na tayo matapos nyan, kung hindi ka pa babangon ngayon!" pataas ng pataas ang boses ng kanyang pinsan sa pag-gigising sa kanya. Magkasama sila ng pinsan sa apartment na kinuha ng kanilang mga magulang para sa kanila.
Kaya siya naman ay gumalaw hindi para gumising kundi hilahin ang kumot nya na nasa beywang at tinaklob sa buong katawan nya hangang ulo at tumalikod sya sa kanyang pinsan na nasa kanan bahagi ng kanyang kama.
"Arg! Clei, ang hirap mo naman gisingin oh." naiinis na wika ng pinsan nya.
"She, pwede bang maya-maya ng kaonti? Antok na antok pa ako." reklamo ni Cleo sa pinsan.
Sa totoo lang kakatulog lang nya kaninang mga alasais ng umaga dahil tinapos pa nya ang natitirang art wood design na ginagawa nya para sa pag-decorate sa cafe nilang magkakaibigan.
"Gisingin mo na lang ako pag-alas dose na." sabi ni Cleo sa pinsan.
"Samantha Cleo! Lagpas alas-dose na kaya kita ginigising!" nakapameywang na sabi Sheila. "Talagang hindi ka pa babangon dyan,ha?" ubos na ang pasensya nito sa kanya. Kaya dinaganan na sya nito at pinagkikiliti sya hangang sa mahulog sya sa kama.
"Sheilaaa!" napapatili sya sa ginawa ng pinsan. Hindi sya nito tinantanan ng kiliti kahit na nahulog na sya sa kama.
"Ano? Hindi ka pa ba gising nyan? Sabihin mo lang." nanggigil at natatawang sabi ni Sheila.
"Tama na. Tama naa! Gising na ako. She, gising na ako." halos maubusan na ng hininga si Cleo sa ginawa ng pinsan nya sa kanya. At dahil sa ginawa ng pinsan nya ipinalo nya ang unan nya na nahulog din sa kama. At ng makabawi sya naman din ang dumagan sa kanyang pinsan at kiniliti rin nya ito.
"Cleoo!" sambit ng kanyang pinsan na walang tigil sa kakatawa.
"Ang sakit ng tyan ko sa kakatawa." hawak nito ang tyan dahil sa pagpipigil at walang tigil din nyang pangingiliti kay Sheila.
Nagtawanan na lang silang pareho sa kanilang kalokohan.
***
"Salamat,insan ha. Sa pag-sama mo sa akin sa pag-bili ng gift ko para kay Mart." nakangiting sabi ni Sheila kay Cleo na tuwang -tuwang naka-tingin sa ipinamiling regalo nya sa nobyo nito
"Wala iyon. Wala rin naman akong lakad ngayon. At kung hindi rin naman kita sinamahan sa pagbili nyan talagang aabutin ka ng gabi." pang-aasar nya sa pinsan. Dahil kilala nya ang pinsan aabotin ito ng siyam-siyam sa pagpili kung alin at ano ang magandang iregalo sa nobyo nito at wala rin sya magagawa kahit man tanggihan nya ito dahil ubod ng kulit ang pinsan nya. Bago pa sya marindi ay pumayag na syang samahan ito.
Tumingin si Sheila sa relo nito. "4 pm na,Clei. Uuwi na ba tayo o may pupuntahan ka pa?" tanong nito sa kanya.
"Mauna ka ng umuwi, She. Dadaan lang ako sa moon cafe para maikabit ko na ang mga ito." tinutukoy nito ang pinagpuyatan nyang mga miniature na wood canvas.
"Okay, sige. Ingat ka. At oo nga pala pakisabi na lang din kay Yana na dadaanan ko na lang bukas ng umaga iyong cake na ipinagawa ko sa kanya." sabi ni Sheila bago pumara ng taxi.
"Sige. Ingat ka rin." At nagpaalam na sya sa kanyang pinsan. Siya naman bumalik uli sya sa mall para bumili ng mga paint materials nya na gagamitin nya sa next exhibit nya.
Nakapila na sya sa cashier ng tumunog ang cellphone nya.
"Hello Yana." bati nya sa kaibigan."Nasaan ka na?" tanong nito.
"Nasa mall pa ako at nagbabayad na."
"Bilisan mo kung ayaw mo maubusan ng macaroons." natatawang sabi ni Yana sa kanya. At rinig nya sa background ang kulitan ng dalawa pa nyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Piece Of Art, Love
RomanceMoonlight Cafe Series 1: Samantha Cleo is an artist,a painter. She's an adventurous person, out-going, and very friendly - that was before. Now, after the accident nagbago na siya as much as possible she wants to be alone. Then, Dave came into her l...