CHAPTER TWELVE

257 11 0
                                    

***HARI NG SABLAY MEET THE CLUMSY QUEEN***
BY: SHENGGAY

CHAPTER 12

Matapos maihatid ni Artemeo si mr Policarpio at pinagbigyan ang paanyaya nina Bryan at Harden
na magkape ay tumuloy siya sa head quarters pero nasa gate pa lamang siya ay nakaramdam
na siya nang lungkot. Dito sila nagtrabahong magkakaibigan at dito rin sila nahubog bilang
isang alagad ng batas.

Buhay nga naman ng tao kung sinu pa ang mga tapat sila pa ang namamatay at kung sinu ang
mga iskalawag sila pa ang mga mahirap mawala sa lipunan.
Hindi na tumuloy si Artemeo para mag report at aalis na sana siya pero naabutan siya ng kuya Roy niya. Ang biktima ng karahasan din ito sa probinsiya ng Abra. Ang tatay niya daw noon ang nagluwas dito at sa MMTC ito tumira sa kapatid
ng tatay niya na madre si mother superior Jane. Bata pa lamang siya nang makita niya ito pero pag bakasyun o walang pasok ay bumibisita sila sa Benguet at doon niya ito nakilala ng husto. At
masuwerte ito naampon ng mag asawang Americano na taunang dumadalaw sa MMTC na kapatid ng lalaki si Father Calvin.

"Artemeo! Sandali bakit hindi ka tumuloy?"tanung nito sa kanya.

"Hindi ko pa kaya kuya! Akala ko sapat na ang isang taon simula nang mawala sila pero hindi pa
pala. Masakit sa damdamin eh mga taong minahal ko at pinahalagaan ko ng higit sa magkakapatid ay halos sabay na nawala."sagot
niya dito na di pa rin tumitingin sa kausap.

Iginaya naman ni Roy ang binata sa west part ng head quarters kung saan may mini garden ito.
Napalibutan iba't ibang uri ng bulaklak, mga orkidyas at may mga pananim pa silang gulay pero separated ito.

"Maupo ka Artemeo, "yaya niya dito samantalang nakatayu siya at nakatukod ang braso niya sa
hita rin niya. Umupo naman ang una pero nakatingin sa malayo.

"Artemeo, alam ko nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Alam kung masakit ang mawalan nang mahal sa buhay pero nandoon na
tayu eh alagad ka nang batas isang alagad ngbatas na may mataas n katungkulan na dapat gampanan. Kaya pag isipan mong mabuti
Artemeo lalo na ngayun nagbalik ka at dala mo si Mr Concepcion, huwag kang padadala sa emosyun mo isipin mo ang trabaho mo.."payo
nito sa anak ng kumumkop sa kanya noon pero itinuring na niya itong kapatid.

"Hayaan mo kuya susubukan kong ibalik ang dating ako at sanaying mamuhay na wala sila. Pero hindi ko maipapangako kung kailan ako
makarecover o makabalik sa dating ako."tugon nito na nakabuntunghininga.

"Kahit na Artemeo, ang mahala ay subukan at gawin mo ha. Siya nga pala hindi ka pa ba nauwi sa atin? Pasensiya kana hindi ko napigilang
nasabi kay nanay kung nasaan ka. Naawa kasi ako sa kanya kaya nasabi ko kung nasaan ka."aniya nito.

"Okey lang iyun kuya, uuwi pa lang sana ako ngayun pagkareport ko dito para makabalik ako next week."sagot niya dito.

"Dapat lang Artemeo umuwi ka muna at makausap mo man lang sila, mag ingAt ka sa biyahe. Sige na pupunta ako doon kina pareng
Allen nandoon na daw si papa ni Ashley."saad ni Roy.

"Sige kuya tutuloy na rin ako at makapamili kunti nang may iyuuwi."sagot niya dito at nagtungo na sa SM.(wow sosyal)

Pagkalapag ng eroplanong sinakyan ni Surene ay agad siyang bumaba este nanguna na sa pinto ng eroplano.(hahahahaha sayted).

"Miss bumalik ka doon sa upuan mo makakababa din tayung lahat."aniya ng kapwa niya pasahero.

Tinaasan lamang niya ito nang kilay at nanatiling nakatayu sa may pinto habang hinihintay ang pagbukas nito.

"Mukhang baliw ang babaeng ito mukhang may sayad. Umalis ka nga diyan baliw.!"bulyaw naman ng isa.
Dahil dito ay lumapit ang isang flight attendant sa kanila.

HARI NG SABLAY MET THE CLUMSY QUEEN WRITTEN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon