IDTBP2- The Picture

149 9 0
                                    

Chapter 2

Nang makauwi na ako binuksan ko agad laptop ko para magFacebook nang nakita ko na may nag-add sa facebook ko.

"Ciann Aris Buenavista" sino yun?! Pero ang dami niya Mutual friends ko. Siguro sa school ko ito nagaaral. Accept ko na nga.

Mga ilang minutes... Ang dami na agad na notifications ang lumabas sa Facebook ko, aabutin ng 100+ wow! First time ito nangyare ah. Tinignan ko kung ano ang dahilan ng pagdami ng notif ko.

"Ciann Aris Tagged you with a Photo" photo?! Cinlick ko agad yung tagged na photo na yun..

"Meet my Girl, Mika Bettina Reyes." Yan ang nakalagay na caption. Teka..... GIRL?! Anong ibig sabihin neto?! Oo tama kayo, yung picture na nakaTag saakin ay yung picture na kinuha niya nung hinalikan niya ako! umabot sa 1k ang likes, at 3k naman ang mga comments. At wow ah! 5 mins ago palang ang pagkakapost pero di yun ang problema eh!!

YUNG PICTURE PINOST NIYA SA FB!!!!!!

Tinignan ko yung mga comment... Puro mga babae nagComment!! Halos mga mura ang nakita ko sa comment box. PATAY!!!!!!!!! Habang nagmumukmok ako sa kama ko, biglang may tumawag saakin sa cellphone.

"Hello?" Malumanay kong sagot.

"Mika!! Kayo na ni C.A.?!" Patay! Nakaabot din kay Shaina?!

"Shaina Tulong!! Binlack Mail ako ng lalaking ito!!" Sabi ko sakanya habang nageemote

"Blackmail? Eh magkahalikan nga kayo eh. Kayo na ba?" Sabi saakin ni Shaina.

"Ninakaw niya yung halik na yun!! Hinding hindi ako papatol sa lalaking yun!!" Sigaw ko.

"Aray! Makasigaw! Okay, pumasok ka ng maaga bukas, let's plan kung paano natin ito mareresolba." sabi ni Shaina, LIFE SAVER KA SHAINA!

"Thanks Shaina! LIFE SAVER KA!" Sabi ko sakanya. HUHUHU!

Tapos nun may nagChat saakin sa Fb... Si Ciann Aris ang lumabas.

"Nagustuhan mo ba pinost ko?" Chat niya.

"Leche ka! Idelete mo yun at sabihin mo na Prank mo lang ito lahat!!" Chat ko

"Kasalanan mo rin, kung pumayag ka nalang sooner, di ko sana ipopost un." Chat niya

"Bakit naman ako papayag maging Girlfriend mo?! I HATE YOU!!" Chat ko, Capital talaga yung I HATE YOU.

"I know, you'll hate me even more tomorrow. goodnight babe." Chat niya. BABE?! BABEEEE?!

"Burahin mo na leche ka!! May paBabe-babe ka pang nalalaman!" Chat ko. Ang nakakainis dun... Sineen-zone lang ako!! HUMANDA TALAGA SIYA BUKAS!

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon