Ikaw Lamang (One shot)

80 7 2
                                    

[Author's Note: Pakiplay po yung kanta o pakinggan nyo. Kung gusto nyo lang po. XD Thanks for reading!]

Ikaw Lamang (One Shot) by A_Akiyurinjika

Si Vince at Khana ay magkasintahan na sa loob ng 5 taon. Sila ay 4th year college at kumukuha ng kursong Tourism. 

2nd year high school ng naging mag-ON sila.  Sobra nilang mahal na mahal ang isa't-isa.

Kilalang-kilala sila sa kanilang Campus. Dahil sa pagiging matalino at running for honors, sila din ang Campus Queen at King.

 Isang araw tumawag si Vincent kay Khana at nakikipagkita ito. Sobrang natutuwa si Khana dahil halos magtatatlong araw na silang hndi nagkikita ng nobyo. Masyado kasi silang naging busy sa school dahil college na sila.

"Vince!!!" sigaw ni Khana at niyakap ang nobyo nang magkita na sila sa parke.

Nabigla sya nang tanggalin nito ang pagkakayakap nya.

"M-may problema ba?" tanong ni Khana

"May gusto lang akong sabihin kaya ako nakipagkita, Khana." malamig na sabi nito

Biglang kinabahan si Khana. Masyadong seryoso si Vincent. Malayo sa ugaling makulit at malambing. Hindi sya sanay.

"A-anong sasabihin mo?" kinakabahang tanong ni Khana

"Let's break."

Pakiramdam ni Khana ay huminto ang mundo sa sinabi ni Vincent. Hndi sya makapaniwala. Ang daming tanong sa isip nya. Bakit? Nagkamali ba sya? May kasalanan ba sya? Nagkulang ba sya? Hndi na ba sya mahal ni Vincent?

Pero kahit isa doon ay hndi nya naitanong. Umiyak lang sya ng umiyak. Lalo na nang makita nyang naglakad na palayo si Vincent.

Iniwan sya nito.

*******************************************************************************************************************************

Monday.

At kapag Monday, may flag ceremony at kailangnag gumising ng umaga.

Pero tinatamad bumangon si Khana sa higaan. 3 araw na ang nakalipas ng maghiwalay sila ni Vincent. Ilang beses nya na itong tinawagan at ti-next pero hindi ito sumasagot.

Bakit nga ba ayaw nyang pumasok?

Sympre dahil tinatamad sya at ayaw nyang makita ang 'EX' boyfreind nya. Isa pa, itong araw na sana na ito ang kanilang ika-6th anniversary, pero hindi na matutuloy pa.

Kahit tinatamad ay bumangon na si Khana at nag-ayos. Hindi sya pwedeng lumiban dahil baka magbiglaang quiz sa klase nila mamaya.

Nang marating ang school ay pumila na sya sa mga kababaihan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Lamang (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon