Tatlong araw, tatlong araw ngayon mula nung huli kaming nagkausap ni Aaron. What the fvck is his problem? Why he‘s letting this things happen? Hindi na ba niya ako mahal? Naguguluhan ako, at the same time naiinis dahil di ko alam kung sino ba samin ang nagkasala. Ako ba na hindi siya inistorbo dahil alam kong busy siya o siya na nagalit dahil di ko siya inistorbo? Damn! Ayoko ng ganitong feeling.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at dumiretso ako sa cr para makapag-toothbrush at hilamos. Pagbalik ko sa kama nakita ko yung phone kong umiilaw at nagva-vibrate. Ayokong mag-expect na si Aaron ang tumatawag dahil baka masaktan lang ako pag hindi siya pero di ko napigilan sarili ko kaya wala akong nagawa kundi ang mag-expect.
“Hello?”
“Alexa! How are you?”
“Tita Aya? Napatawag po kayo?”
“I miss you na kasi. Hindi ka nagtetext o tumatawag eh. Kamusta pag aaral mo dyan? Okay ka naman ba? Yung ref mo? Lagi bang may lamang pagkain? Kumakain ka ba sa tamang oras? Baka nagpapalipas ka ha? Yung damit mo pag basa palitan mo para di ka magkasakit. Okay? Alagaan mo sarili mo dyan, wala ako dyan para alagaan ka.”
Kahit kelan talaga si Tita, di na nagbago. Tinuturing parin akong parang bata. Pero para sakin ang sweet ng mga sinabi niya.
“Opo tita, wag po na po kayong mag-alala. Wag niyo po akong alalahanin, okay naman po ako dito. Kayo po, wag masyado magpapagod sa trabaho ha?”
“Oo. Nga pala hija, tumawag sakin yung photographer ng bench kahapon. Tinatanong kung pwede ka ba kasi may photoshoot daw sa linggo. Kaya mo bang bumyahe?”
“Uhm, opo. Sige po, pupunta po ako.”
“Sige, oh siya papasok na ko sa office. Ingat ka dyan ha?”
“Opo, kayo rin po tita ingat po kayo.”
Pagkasabi ko nun, in-end na niya yung call. Siguro may meeting kaya nagmamadali. Sabi na eh, hindi si Aaron kaya ayokong mag-expect eh.
Since di naman ako nagugutom, di na ko kakain. Sa school nalang siguro mamaya. Pagpasok ko, nakita ko si Kaedy sa may gate. Hmm, something‘s fishy ah? Mukhang may hinihintay siya.
Dumiretso lang ako, kunwari di ko siya nakita tapos nung nagpapa-check na ko sa may guard ng bag ko, bigla kong narinig yung boses niya.
“Kuya, dumaan na ba dito yung president namin?”
“Eh? Sino ba president niyo?”
Muntik na akong matawa pero pinigilan ko baka marinig niya ako. Kaso si kuyang guard binuking ako. Haaay! Kainis naman.
“Oh, ganda! Diba siya yung kasama mo nung isang araw na pumasok?”
Hindi ko nilingon si Kaedy. Shet! Ayokong makita niya ako, nararamdaman ko may kamalasan na namang mangyayari kung makakasama ko ulit siya.
“Ah kuya, ano ka ba? Hindi siya yon. Tsaka wala kaya akong kasama nung isang araw.” sabi ko, sa ibang boses. Oo, kaya kong ibahin yung boses ko, pero ang buong akala ko makakaligtas na ako, hindi pala. Useless lang yung ginawa ko. -_-
Maglalakad na sana ako kaso biglang hinawakan ni Kaedy yung braso ko at iniharap niya ako sa kanya.
“Ano ba? Bitawan mo nga ako, pwede?” sabi ko sabay alis ng kamay niya sa braso ko kaso mas lalo niyang hinigpitan ‘to. Kuyang guard, tulungan mo ko. Boset ka! Kala ko ba close tayo? Huhu.
“Bakit mo ba ako tinataguan?”
“Hindi kita tinataguan. Pwede ba? Bitawan mo ko.“
Napansin kong may isang lalaki at babae na nagpapacheck sa guard ng mga bag nila, di ko nakita mukha nila pero sa pag-uusap kasi nila kaya nalaman kong babae at lalaki. Baka magsyota.
“Alam mo Aaron, matagal ko ng gustong sabihin sayo na may gusto ako sayo.” sabi nung babae. Ano daw? Aaron? Hindi ba si Aaron ko yan? Gusto ko silang lapitan kaso nung nakita ko siya, bigla kong niyakap si Kaedy at tinago ko yung mukha ko.
“Kaedy naman, ang aga aga namang lambingan niyan. Nilalanggam na ko dito oh.” sabi niya tapos narinig ko yung tunog ng pag-apir nilang dalawa.
Sabi ko na nga ba eh, may kamalasang mangyayari pag kasama ko ‘tong Kaedy na ‘to. Pagkaalis nila, tinanggal ko agad yung pagkakayakap ko kay Kaedy.
“Gustung-gusto mo naman.” sabi ko sabay ayos sa damit ko.
“Excuse me? Ikaw kaya ang yumakap sakin, bakit mo ba ako niyakap? Dati, tinanong mo kung kilala ko si Aaron at nung nakita natin siya sa canteen, ayaw mo siyang ipatawag. Ngayon naman, nakita mo lang siya bigla mo nalang akong niyakap para di ka niya makita. May utang ka ba sa kanya?”
Natawa ako sa sinabi ni Kaedy. Akala niya siguro may utang ako o kaya atraso kay Aaron. Kung alam niya lang.
“Tss. Wala noh! Tsaka di ko yun kilala, in-add niya kasi ako nun sa fb kaya tinanong ko lang kung kilala mo. At yung kanina, gusto lang talaga kitang yakapin. Bakit? May nagbabawal ba?” sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya.
“Uy! Magseselos ba gf mo? Hala! Sorry!” sabi ko ng nang-aasar.
“Wala akong gf noh!” sabi niya ng naaasar. Haha! Sira talaga ‘tong lalaking ‘to.
Pagkatapos ng usapan namin, pumasok na kami sa room. At dahil dun, late kaming dalawa, naparusahan tuloy. Ayoko na ngang makasama ‘tong Kaedy na ‘to, napapahamak talaga ako sa kanya. -_-
Habang nasa likod kaming dalawa na nakatayo, nakatingin lang ako sa white board at nakikinig kay ma‘am, pero etong si Kaedy nararamdaman kong nakatingin sakin kaya naman ginulat ko siya, lumingon ako sa kanya at aba ang lolo iniwas agad yung tingin pero nahuli ko parin siya.
After 5 minutes, nakatingin parin ako sa white board at nakikinig kay ma‘am. At nakatitig parin sakin si Kaedy kaya naman nagulat ulit siya nung nagsalita ako.
“Tunaw na tunaw na ako.”
“Ha?” sagot niya. Painosente pa ang nais.
“Okay class, dismiss.” pagkasabi nun ng prof namin, umupo agad ako sa pinakamalpit na upuan sakin, ang sakit ng paa ko. Shet! -_-
“Okay ka lang?” tanong sakin ni Kaedy pero di ko siya pinansin. Iniisip ko kasi si Aaron.
Aaron Roxas. Namimiss na kita, magparamdam ka na. :( Hanggang kelan mo ba ako titiisin? Tapos may kasama ka pang babae kanina. -.-
BINABASA MO ANG
"HE deserved a SHIT"
Teen FictionIsang sikat na modelo si Alexa Romano. At binansagan siyang ang babaeng ‘Nasayo na ang lahat’. Lahat ng mga lalaki ay nahuhumaling sa kanya dahil mabait din ito. Si Aaron Roxas ang tanging lalaking pinakamamahal niya, kaya naman kahit sinong lalakin...