Chapter 7: "Moody"

29 0 0
                                    

Sabado, bumyahe ako papuntang Manila para sa photoshoot bukas. Hanggang ngayon, wala paring paramdam yung magaling kong bf. Siguro sinagot na niya yung babae niya. Gabi na ko nakarating sa bahay kaya naman nagpahinga agad ako para may lakas ako bukas.

Kinabukasan, pagdating ko sa bench sinalubong agad ako ng photographer namin.

“Long time no see, Alex. San ka ba nagpunta? Balita ko di ka na nag-aaral dito ah?”

“Ah, nagtransfer kasi ako sa province.”

“What? Eh kamusta naman dun?”

“Okay naman. Start na po ba?” pag iiba ko sa kanya, baka kasi mamaya mapunta pa kami sa bagay na di naman dapat pag usapan.

“Ah, oo. Okay! Everyone, let‘s start.”

Isang oras bago matapos ang shoot. Umuwi ako agad sa bahay dahil pagod na pagod ako. Nagpahinga lang ako ng mga isang oras lang din tapos bumyahe na ko pabalik sa probinsya. Hindi kami nagkita ni tita Aya dahil nasa ibang bansa siya. Tanging si ate Paz lang ang nasa bahay.

Umaga na ko nakarating sa condo ko. Oo, sa condo ako nakatira dito sa probinsya, wala naman kasi kaming bahay dito.

Dingdong* dingdong*

Sino naman kaya yang ang aga-aga nangangapit bahay? Sabi ko sa sarili sabay bukas sa pinto.

“Good morning!” bati sakin ni Kaedy. At pano naman niya nalaman ‘tong condo ko?

“Pano mo nalaman na nandito ako?”

“Sinundan kita nung isang araw.” sabi niya ng nakangiti.

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?”

“Kaedy pagod ako, pumasok ka nalang sa school. Sige.” sabi ko, tapos isasara ko na sana yung pintuan kaso napigilan niya ‘to bago pa tuluyang masara.

“Hep! Teka lang, hindi ka ba papasok?” sabi niya. Ang kulit talaga.

“Hindi. Ayokong ma-stress kaya pwede ba? Umalis ka na.” sabi ko tapos sinara ko na ulit yung pintuan.

Haaay! Papahinga muna ako, pagod ako sa byahe, mamaya nalang siguro ako papasok.

--

Sa school...

“Ano yang binabasa mo? Magazine ba yan?” sabi ng isang kong kaklase.

“Hindi! Dyaryo ‘to, dyaryo.” sagot naman nung isa. Hay nako! Sumasakit ulo ko sa kanila.

“Teka, diba si Alexa ‘to?”

“Alexa? Nagpapatawa ka ba? Hindi niya yan kamuk... Oo nga noh?”

“Alexa! Halika nga dito.”

“Bakit?” tanong ko na walang emosyon.

“Aminin mo nga samin, ikaw ba ‘to?” sabi sabay turo sa picture.

Oo. Ako yan? Bakit? May problema ba?

“Pano naman magiging ako yan?” tanong ko sa kanila na wala paring emosyon.

“Ka look a like mo eh.”

“Ka look a like lang siguro.” sabi ko.

“Ah, siguro nga. Sige, balik ka na dun.”

Bumalik na ko sa kinauupuan ko. Tapos tumabi naman sakin si Kaedy. Siya na naman? Hindi ba siya nagsasawa sa pagmumukha ko? Kasi ako, sawang sawa na sa pagmumukha niya. :3

“Alexa, tara sama ka samin. Gala tayo.” sabi ni Paul. Kaklase ko.

“Busy siya, di siya makakasama.” sagot naman ni Kaedy. Ako? Busy? Hindi ah.

“Hindi ako busy, sige sasama ako sa inyo.” pagkasabi ko nun tumayo ako pero hinawakan ni Kaedy kamay ko.

“Bitawan mo ko.” sabi ko ng walang emosyon.

“Hindi ka sasama sa kanila, naiintindihan mo?” galit na sabi niya. Hinarap ko siya at tinignan ko siya, mata sa mata.

“Eto ang tandaan mo, wala kang karapatang pigilan ako sa kahit na anong gusto kong gawin sa buhay ko.” sabi ko sabay alis ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. At umalis na ako kasama sina Paul.

--

Pagdating ko sa condo, naalala ko bigla si Kaedy. Yung ginawa ko kasi kanina sa kanya. -_- Haaay! Stressed kasi ako eh, tapos broken hearted pa, masakit pa ulo, puyat pa, kulang kasi pahinga ko kanina.

Si Aaron naman, nakausap ko na siya kanina. Okay na kami, nagsorry na siya at ganun din ako sa kanya, di rin pala ako matitiis nung lalaking yun. Hmm, pero si Kaedy talaga eh. Haaaay! Napaka-moody ko talaga. -_- Tawagan ko nalang kaya? Itext ko nalang? I-chat? Tss! Bahala na nga.

Nahiga na ko sa kama ko at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"HE deserved a SHIT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon