Chapter 38 - Evolution

1.5K 85 23
                                    

"The good physician treats the disease; the great physician treats the patient who has the disease

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The good physician treats the disease; the great physician treats the patient who has the disease. "

-William Osler

Caution: Dangerous Creatures ahead.... NSFW...

Seth Kyrie

Neopolitan Manila Medical Center

The Surgical Wing

Abala kaming lahat sa pagcha-chart at pag-eencode ng ibang facts sa computer. Nasa station kaming apat malapit sa records section. Grabe yung pinagdaanan ko nitong nakaraang limang araw at ni sa hinagap ay di ko yun naisip na dadanasin ko.

"I hate you Sab" tugon ko.

Napatingin silang tatlo sa akin. "Hoy! Sorry na kasi, napag-utusan nga lang ako. Wala akong choice nun"

"You broke my bones, seriously?"

"But you healed, really fast. Tignan mo lahat ng xray and scans Sky, lahat ay aligned"

Tama naman siya dun, ni isang kirot o sakit ay wala akong maramdaman. Di nila maipaliwanag ang nangyari sa akin. Basta ang sabi ni Doc Clay ay nagtake-over daw ang adrenaline sa katawan ko dahil sa venom. Para daw ma-speed ang healing process ay kailangan makaramdam ako ng pain. Just to trigger the neurotransmitters.

"Iba pala nadadala ng 'rabies' sa isang tao no? Buti nalang di ka nabaliw Sky" tugon ni Nik.

"Mukhang hindi naman ako ang nababaliw" at tinuro ko nga si Lex, napatingin kaming lahat sa gawi niya.

"Sky?" tanong nito. "Nakita mo na ba si Daniela?" nakapa-ngalumbaba ito at nakatingin sa kawalan.

"Sinong Daniela?" tanong ko.

"Mondragon"

Tinignan ko sina Nik at Sab, tumawa lang ang dalawa.

"Speaking of, gumagaling na pala siya Sky. Buti di mo binali yung mga kamay ni Doc Dio noon" tugon ni Sab.

Tinampal ko nalang ang aking noo.

Nang mahimatay daw ako limang araw ang nakakalipas ay nagising ako na aligaga at sobrang lakas. Nagiging sensitive rin ang mata ko sa liwanag, nabubulag ako. At nang makita ko daw si Doc Dio ay inatake ko ito, galit na galit. Dahil kino-kontrol ako ng adrenaline ay nagawa ko siyang lambitinin sa ere at ihagis sa pader. Na para bang mad dog na gustong katayin si Doc Dio. Dahil dun ay trinanquilize ako nina Clay at binendahan ang aking mata, sinubukan din nila akong itali sa kama.

"Wala ako sa sarili ko nun, at di ko alam ang nangyayari sa akin"

"Alam mo, kahit sinaktan mo siya ng ganun. Alalang-alala parin siya sayo Sky" paliwanag ni Sab.

"Sinaktan din naman niya ako ah, so quits quits lang" nagtinginan sila Nik at Sab.

"You remember?"

"Of course I remember everything"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon