Simula

10 0 0
                                    

Mahalagang paalala!

Ang kwentong ito ay pawang gawa lang ng aking malawak na imahinasyon. Walang sinuman sa mga karakter ang pinagbasihan sa tunay na buhay. Lahat ng ito magmula sa lugar hanggang sa tauhan ay pawang FICTIONAL LANG! OKAY SO BAWAL MAHALIN ANG NASA LIBRO DAHIL MASASAKTAN KA LANG!

***

SIMULA

"Kailangan ko ng badboy na mapapatino ko! pangarap ko yon kaya wag ka nang umasa sakin! kaya tumigil ka na at ikaw lang ang masasaktan at mapapahiya sa ating dalawa! Ikaw na mahirap at masyadong mabait? hmp! not my style!"

Meet Eris Ginger, magandang nilalang na pinagkalooban ng kayamanan, ATTITUDE problem, at isa pa ulit na ATTITUDE problem!. Napaka maldita nya at laging nakadikit sa mga basagulero at may ATTITUDE ring mga lalaki sa school o tawagin na nating BADBOYS. Ang babaeng masyadong nalulong sa romance story na nakalimutan ang katotohanan ng buhay. Masyadong mataas ang pangarap ni Eris na kung saan ay makapagpatino ng mga badboy katulad ng nababasa nya sa mga kwento. Kaya halos lahat ay tinatanggihan nya kapag hindi pasok sa standards nya. Kapag mabait at ideal ka, tatanggihan ka pa rin nya dahil sya pa ang naghahabol sa mga badboy sa school nila. Motto nya sa buhay ay "No good girls can tame badboys, we, the gorgeous can"

"Sa tingin mo choice ko na maging ganito ako?! Natural hindi dahil magulang ko lang ang gusto na maging ganitp ako! lahat ng pinapakita ko sa inyo ay fake! para lang mapasaya ang mga magulang ko na naadik sa kdrama! hindi ito ang totoong ako! kaya lumayo layo ka sakin!"

Meet Min Hyun, ang so called BADBOY ng Fredo William's University. Kung itatanong nyo kung may lahi syang koreano, wala pre as in wala. Sadyang ilusyonada lang ang nanay nan kaya ganyan ang ipinangalan sa kanya. Badboy man sa paningin pero hindi pumapatol sa babae. Naggugulo sa school oo pero hindi sya naglalaro ng feelings ng mga babae. May malawak syang tropa simula noong high school sya na kasama nya ngayon hanggang college. Kung tutuusin noong grade 7 sya napakabait nya na di makabasag pinggan, tapos noong pagdating nya ng grade 8 nagsimula na syang maging basagulero at rebeldeng anak. Kung yun ang tingin ng iba.

"Think twice Eris, wag mong sayangin yung pagmamahal mo sa maling tao, Well I should take my own advice too. Pero iniisip ko pa lang na pagkakamali na mahalin ka, na ba-blanko ang isipan ko at gusto kong masuka."

Meet Carter, isang masipag at mapagmahal na panganay na nagmula sa mahirap na pamilya. Namamasukan sila ng kanyang ina sa isang mayaman na pamilya sa Maynila upang ipangtustos sa mga gastusin sa buhay ng halos 7 taon. Simula nang namaalam ang kanyang ama ay sya na ang tumayong haligi ng tahanan nila. Nag aaral sya ng Entreprneurship kahit na hindi nya naman ito gusto at Culinary ang gusto nya. Isa sya sa mga nagluluto tuwing almusal at hapunan sa pamilya nila Eris. Oo tama kayo nang nabasa. Sa pamilya Balindosa nakatira ang namamasukang sila Carter pero kahit ganon ay hindi sila close ng dalagitang ito. Ayaw ni Carter sa ugali nyang magaspang kaya iniiwasan nya na lang ito upang hindi nya mapagsalitaan. Kahit high school pa lamang ay umiiwas na sya sa dalaga. Iyon din kasi ang sabi ng nanay nya sa kanya. Kaso mukhang hindi na nya natiis ang sarili at nagsimula na syang makipagusap bago magpasukan sa huling taon ng pagaaral nila, pero parang nagresulta pa ata ito ng kakaibang pakiramdam na hindi dapat nararamdaman ng isang kasambahay sa amo nito.

"Gigi parang hindi mo naman ako kilala, pag sinabi kong totoo, totoo yon. Oo alam ko palabiro akong tao pero seryoso ako pagdating sa mga mahal ko, sayo"

Meet Toren, ang sobrang kulit na childhood friend ni Eris. Isa sya sa kung tawagin na nating 'Clown' dahil laugh trip talaga yan. May lahi yang Koreano kaso hindi nya kilala ang papa nya. Halos lahat ng bagay ay biro sa kanya maliban sa isa.

"You know, for some girl na nakilala ko lang sa daan, kakaiba yung aura mo na parang pamilyar sakin."

Meet Ivan, ang misteryosong lalaki na nakilala lang ni Eris sa park habang nag jo jogging. Naging magkaibigan sila oo, pero parang may mali e. Kakaiba at hindi maipaliwanag

"Tagal ko nang nagpapapansin sayo, ang tagal ko nang kinakanta sayo yung nararamdaman ko, tapos malalaman ko na lang don ka pa sa gagong yon mapupunta ha?!"

Meet Harry, kapit bahay nila Eris na bokalista ng isang banda. Madalas sya sa labas ng bahay kasama ang mga tropa nga para lang maggawa ng kanta at magliwaliw. Matagal na itong may gusto sa anak ng kaibigan ng papa nya na si Eris. Kaso mukhang nganga lang sya noong napansin nya na laging kasama ng dalaga ang 'Gago'ng yon

The wannabe' s journey will start here, and no one can stop her even 'HIM'

Who's HIM?

Can you guess?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Good Girl Wannabe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon