Justin ang pangalan ko, palaging nagmumukang gago,yan ang paraan ko para makapagpasaya ng ibang tao,sa araw araw na nakikita ko mga ngiti nyo, nawawala ang mga kirot sa puso ko.
Ang hirap pala no? nakakapagpasaya ka pero yung sarili mo hindi mo kayang pasayahin,
ano ba ang dapat kong gawin? siguro maglalaro na lang muna ng Mobile Games at makikinig sa mga awitin, at tumingin sa langit at tignan ang mga bituin.
Total mas nasanay naman akong mag isa, at walang nagpapasaya ni isa,
pero minsan naghahanap din ako ng mga kaibigan na kaya akong pasayahin,
pero hindi sapat ang kaibigan, dahil isa lang naman ang hinihingi ko para sumaya,
yung maka tanggap ako ng yakap mula sa aking kapatid na noon paman d ko naranasan.
Sa bawat araw hinihingi ko ang mga yakap ng ibang tao, na hindi maibigay sakin ng kapatid ko,
ang mga kapatid ko na palaging nasa tabi ko, isang pag sabi lang na "MAHAL KITA BUNSO"
masaya na ako, pero kailan ko pa kaya maririnig yun? hindi nyo nga kayang iparamdam na mahal nyo ako, masabi pa kaya? Sabi nga nila" action speaks louder than words". kung hindi nyo kayang iparamdam mas hindi nyo kayang sabihin.
Sa bawat araw na pag uwi ko galing sa eskwela palagi kong naririnig sa mga kaibigan, mag ingat ka bro mahal ka namin, buti pa ang mga kaibigan naipapakita na meron silang pake sila sayo. Minsan mas mararamdaman mo pa ang pagmamahal ng kaibigan kaysa sarili mong kapatid.
Pero kahit anong mangyari mahal na mahal ko kayo, kahit hindi nyo man masabi saakin umaasa pa rin ako na mahal nyo rin ako, kahit hindi nyo kayang iparamdam, alam kong may kaunting pagmamahal sa puso nyo.
