Summer ho dito, kaya ang witch niyo laging nasa awra-han. Maghintay nalang ng may kasamang pasensiya para sa update please.
xoxo
witch P.RID2#CHAPTER 44
THE HELPMONTHS BEFORE THE BOMB SCARE
"Gago ka talaga, bakit kailangang may parte ako sa kalokohan mo?" Loki hissed.
"Diba clairvoyant ka naman?"
"Wala kang paki at wala kang alam"
"Ako ang favorite mong pinsan pero di mo ako tutulungan?"
"Gago ka parin, huwag mo ako idamay at busy ako sa buhay ko" he said at saka kinuha ang popcorn na dala ng robot na si Giada. Nasa office niya ako ngayon, kung matatawag mo ngang office ang lungga niya.
"Louis Kian, I just need help" bugso ko ng inis ko sa kanya. Kasi feeling ko lang wala talaga siyang balak tulungan ako.
He showed me a middle finger at naglakad sa isang napakalaking monitor na may touch screen keypad. Doon gumamit siya ng Sattelite parang sa google earth lang ang nangyari dahil isa pala itong locator.
Tumingala ako sa malaking screen sa office niya nang makita kong tinutumbok ng Satellite ang mapa ng Bicol.
"She looks happy" sambit nito nang makita namin si Marikit sa screen. Hindi ko alam kung papaano nagagawa ni Loki ang mga ginagawa niya but looking at Marikit walking in the woods with her carabao ay makikitaan mo nga siya ng kapayapaan.
Marikit suddenly stopped infront of a natural waterfalls at bigla nalang itong hinubad ang t-shirt niya."She can be happier" I said at lumapit pa ako sa screen, looking at the woman na ang sapatos naman niya ang hinuhubad niya ngayon. She looks like she wanted to take a dip at the falls.
"Puntahan mo nalang, o kidnapin mo, itanan mo, pakasalan mo" Loki said at saka pinatay ang screen. I know Loki respects Marikit at hindi niya ito bobosohan kahit kayang kaya niya.
Subukan lang niya!
Nagpamulsa ako at saka tumingin sa bintana niyang naging waterfalls na. Mahilig talaga ito sa falls, palibhasa pa-fall.
"It's time to get her back, alam naman na niya ang pagkamatay ng pinsan niya. I think mommy will give her the letter soon"
"Isa pa yan, bakit di nalang ikaw ang magbigay? Karapatan niya namang mabasa iyon"
I sighed. "Hindi madali--"
"Ang chicken chicken mo, kung maka tuka ka ng chicks, kahit isang kulungan pa sila sa dami, kaya mo noon, tapos si Yaya Rikky lang, tumataob ang tokneneng mo"
Binalewala ko ang sinabi niya.
"Ano? Tutulungan mo ba oh ano?" I asked instead.
"Hindi" he said at saka uminom ng tonic water.
"Please?" I asked
"Hindi parin"
"I'd do anything"
"No"
"Fine, isusumbong kita kay Gam"
"Isama mo pa mga kambal niya pati si Pat, wala akong paki" he said. Bakit ba ako pinagdadamutan nito eh matutulog lang naman ang gagawin niya at panaginipan ang hinaharap?
"Loki--" I said but was interrupted by sudden opening of his stupid door na akala ko ay siya lang nakakaalam kung paano buksan.
"Master Kian" bungad ng isang babae. Napahinto ito nang makita ako, we shared frowns pero nanatili yung sa akin, hindi ko kasi maalala kung san ko siya nakita, Samantalang siya ay ngumiti na at saka nagsalita ulit.
"Sorry, may bisita ka po pala, balik nalang ako--"
"Who are you?" I asked na nagpahinto sa kanya. At bakit may Master pa ang pagtawag niya kay Loki.
"Get out Haven" Sigaw ni Loki. Sa inasta niya ay mas lalong napakunot ang mga noo ko. Tarantang umalis ang babae. I saw how the temper of Loki rose.
"Who the hell is she Master?" pang uulit ko sa itinawag ng babae sa kanya.
"None of your shitty business" singhal niya.
"Tatawagan ko si Caloy" banta ko. Caloy is his best-bestfriend. Malamang alam niya kung sino yung Haven na iyon.
"Whatever" sabi nito at saka itinalikod ang swivel chair niya paharap sa falls na dingding at saka siya umupo doon.
"Loki" I called him.
"I'll help you, just don't ask anything about Haven" he said.
Gusto ko pa siyang tanungin pero baka magbago ang isip niya. And about that Haven, Loki will eventually spill the beans when he is ready.
"I just want to know what happens before Ken's wedding, hindi mo namn kailangang sabihin sa akin lahat" saad ko nang maalala ko kung sino ang Haven na iyon bigla.
Shit.
"Fine" he said at hudyat na ito na gusto niya na akong umalis.
"And Loki" I said.
"What the fuck now?" singhal niya at saka ihinarap ang swivel chair niya.
"Siya na ba yung asawa mo?"
I got no answer but then silence means yes. Tanging ang pagsandal lang niya sa swivel chair niya at ang muling pagtalikod ang ginawa niya.
"She grew up very pretty"
"Kung gusto mong tulungan kita, huwag mong iniisip ang asawa ko" he warned na ikinatawa ko.
"Fine, Fine" I said and went out chuckling.
Everyone really has a story to tell.
Namataan ko pa si Haven paglabas ko na agad umalis na parang kasalanang makita siya sa lungga ni Loki.
Weird.
BINABASA MO ANG
Rolling in the deep 2
RomanceThe reason she came working as a maid in Manila was her mother and has just died so Erikka Marikit Soliven or better known as Rikky to her friends and Marikit to the brother of her boss has decided to leave the city and to just stay at home to be ne...