The Sea Tale
Written by Yennah WpI'm Mariel, a third year BSE student. One of the living proof na hindi lahat ng kabataan sa henerasyon ngayon ay dependent sa mga magulang. Namumuhay ako sa bahay-bakasyonan ng aking pamilya dito sa Pilipinas. Maliban sa nag-iisang aso ko na si Catruah, wala ng ibang tao na makikita sa loob o labas ng bahay namin. I only had my mom as my family. Kaya nang sumama siya sa bago niyang asawa sa states, pinili kong bumukod at magpaiwan dito sa Pilipinas. Mabait ang asawa ni mama pero ayaw kong abusuhin kabaitan nito sa aming mag-ina. Maliban sa allowance ko na hinuhulog ni mama every month, I'm also a part time fire dance performer in Siargao island.
Paano ba dapat ang simula kung ikaw ay magpapakilala? Dapat ba self proclaimed ka na ganito ganiyan ka na uri ng tao o sa paraan ng pagkakalarawan ng mga nakapaligid sa iyo? Though, it's kinda hurtful kasi people tend to describe me as malandi or mahilig maglapad ng papel. Malandi dahil I had been once involved in a controversial man in showbusiness. It's true but I never regret half of it especially the idea that I'm his accidental woman. I only regret having the spotlight. It's not those typical spotlight in a concert and I'm the star in front of an audiences. In short, a bad publicity.
Dahan-dahan ay pinalis ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Nasa harapan ako ngayon ng dagat. Letting my almost man go gamit ang mahinang hikbi at bulong sa maalat na hangin ng dagat. I folded the last letter na ipapatianod ko sa dagat using an empty bottle. This time, I want the sea to decide tungkol sa lahat. Whether to drop it on someone or him. I'm afraid about the idea na mababasa niya ang sinulat ko. Na tangayin ito ng alon palapit sa kaniya. Posible, pero mas gugustuhin kong hilahin ito ng mga alon papunta sa pinakapusod ng karagatan at higupin ito paibaba. Mas malalim, mas mainam. I don't want to be a burden on his career. I want his success even it means he's losing me.
Months later, I saw the progress. Nagagawa ko ng tumawa at panoorin ang teleseryeng pinagbibidahan niya sa telebisyon. I'm one of his silent fan. I chose this life and I never regret it. Nagpatuloy ako sa buhay dahil alam kong hindi patas ang mundo. Hindi lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo.
It was a messed friday dahil napakalakas ng ulan. It's a two rides away sa mismong inuuwian ko. Though nagawa kong pumara ng bus, problemado naman ako sa papasok sa amin. Walang motor na makikita sa waiting shed. Naiintindihan ko naman dahil sino ba naman na driver ang susugod sa bagyo para lamang sa sampung pisong barya? Kahit na madilim at nakakatakot ang kulog at kidlat ay nagpasya akong lakarin ang daan papasok sa amin. I really admire the current president dahil kung hindi siya nailuklok ngayon sa pwesto, baka mas kabado pa ako sa mga tambay kesa sa kulog at kidlat.
When I was home, I saw someone standing in front of our gate while holding his transparent umbrella. I don't recognize this man. He's tall kahit na madilim at wala pang ilaw sa harap ng gate namin.
"Hello! May kailangan po ba kayo?" Tanong ko when I reached our gate then politely face him.
"Maaari ba akong makisilong? Ayaw kasi akong tanggapin ng mga kabahayan na mga kinatok ko", mahinahon niyang tugon sa likod ng panginginig. Medyo hesitant pa ako dahil baka rapist ito or magnanakaw. O hindi kaya iyong nauusong Toktok gang. Iyong nangangatok ng bahay at papatayin ka kapag pinagbuksan mo.
"Sige", sagot ko na siyang nagpagulat sa akin. For God's sake, mag-isa lamang ako sa bahay. But my instinct told me na he's a good person.
"You only live with your dog?" Tuliro nitong tugon pagkatapos ko siya abutan ng kape at twalya.
"Y-yes", utal kong saad dahil medyo na-aawkward ako sa kaniya. Totoo nga ang sinasabi ng kaklase ko na hindi magandang idea ang pagsamahin sa iisang bubong ang hindi magkakilala lalo na pag babae at lalaki. Nakakaconcious gumalaw.
BINABASA MO ANG
HER HIDDEN WORDS
PoesíaThis electronic distributed words appertains to unaccompanied emprise of a godsend daughter with her melodramatic memoir.