Chapter Thirty

390K 8.5K 482
                                    

THIRTY

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Marahas kong pinahid ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko nang papasok na ako sa loob ng mansyon. Sarili ko lang ang lolokohin ko kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan. Oo, inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko si Axcel. Hindi ko alam kung kailan, kung saan, kung paano, at kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sa rami ng tao sa buong mundo, siya lang ang lalaking minahal ko nang ganito. Na tipong handa kong ipaubaya sa kanya ang buong pagkatao ko. Ang puso ko, ang buhay ko at ang sarili ko. Lahat ng mayroon ako ay handa kong isugal para lang sa kanya. Pero alam kong ngayon pa lang, talo na ako sa larong ito. Na kahit pa sumugal ako, alam kong matatalo lamang ako. Na kahit pa itaya ko ang buong pagkatao o lahat ng mayroon ako. Sa huli, uuwi pa rin akong talunan.

"Heena, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Din nang makasalubong ko ito pagkapasok ko sa loob. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ayokong makita nila akong umiiyak at ayokong malaman nilang umiiyak ako dahil nasasaktan ako.

"A—Ayos lang ako." Mariin kong sagot sa kanya at tsaka ako nagmamadaling umakyat paitaas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na nagawang lumingon pa.

Agad kong isinarado ang pinto pagkapasok ko sa loob ng kwarto. Ngayon ko lang naranasan na  masaktan ng ganito and I hate this kind of feeling. I hate being hurt because of my feelings.

Kailan man, hindi ako umiyak sa mga pang-aasar sa akin ni Axcel. Hindi ako umiyak sa mga pantitrip niya sa akin, o sa mga pang-aaway niya. Hindi ko 'yon iniyakan, dahil sinabi ko sa sarili ko noon na iiyak lang ako kapag hindi ko na kaya lahat ng mga ginagawa niya. Na kapag nasasaktan na ako ng sobra.

Hindi ko aakalain na darating ang panahon na iiyak ako dahil hindi ko na kaya 'yong sakit na siya mismo ang dahilan. Na siya mismo ang may gawa. Hindi ko inakala na darating ang panahon na masasaktan at masasaktan ako dahil lang sa nagmahal ako.

Bakit ganoon? Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka, maging masaya ka na lang? Minsan ang daya ng love. Kung kailan masaya ka na, doon pa nagkakaproblema.

Narinig ko ang biglang pagbukas ng pintuan pati na rin ang pagsara nito.

"Heena."

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ng dahil sa presensya niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang mag-react ang buong sistema ko nang dahil sa kanya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang pag-upo niya sa tabi ko. Gusto ko mang itago ang pag-iyak ko ay hindi ko nagawa pa. Para saan pa? Para ipakita sa kanyang malakas ako at hindi ako nasasaktan?

"I—I'm just jealous, Heena. Hindi ko sinasadyang sabihin sa'yo ang ganoong bagay. I'm just fvcking jealous because you are too close to each other. I don't want to see my woman with another man, the chauvinist in me is shouting for it. When I woke up, ikaw agad ang hinanap ko pero makikita lang kitang yakap ng Symon na 'yon. Wala akong pakielam kung pinsan ko pa siya. H'wag lang siyang lalapit sa'yo nang ganoon dahil ako lang ang may karapatan sa'yo," Seryoso niyang sabi sa akin. Bigla siyang pumwesto sa harapan ko. Itinungkod niya ang isang tuhod niya sa may lapag upang mapantayan ang mukha ko. Nagawa rin niyang hulihin ang dalawa kong kamay. Nag-iwas naman agad ako ng tingin dahil alam kong hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"Forgive me for saying those words. Hindi ko kakayanin kung hindi mo ako kakausapin. Please, Heena. Forgive me." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit nanghina ako bigla sa sinabi niya. He makes me feel what I really felt for him.

I looked at his gray eyes and I silently confirmed to myself that I do really love this man.

He suddenly cupped my face and gently wiped the tears fell in my cheeks. "I hate myself for making you cry, sweetheart." He huskily said. I swallowed hard when my eyes landed on his inviting lips.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon