Chapter 4
Nang makapasok na kami ng Campus, hawak-hawak ni Ciann ang mga kamay ko. Dami namang mga nakatingin saamin. Kaya iniyuko ko nalang ang ulo ko at sinusundan nalang ang paglalakad niya. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.
"Wag ka kabahan, di ka magsisisi sa 3 months na pagiging Girlfriend ko." Kahit papano, nawala naman yung kaba na nararamdaman ko. Ang gulo naman ng lalaking ito, mabait ka ba talaga o binablack-mail talaga ako? Kaya naman hinigpitan ko rin ang hawak sakanya at sabay kaming dumiretso na ng classroom.
*later*
"So musta ang pagiging Girlfriend ng Prince?" Sarcastic na sinabi saakin ng mga kaibigan namin ni Shaina. Kahit may mga Boyfriend sila, fans parin sila ni Ciann. Kaya alam kong galit sila saakin.
"Your unfair Mika! Sabi mo hinding hindi ka magBoBoyfriend?! What happened in your little speech?!" Galit na sabi nila.
"Sorry...." Sabi ko nalang sabay iniyuko ulo ko.
"Sorry is not enough Mika! Break-up with him kung gusto mong tumagal ang Friendship natin." Shaina!! Asan ka? Tulong naman dito?
Pinikit ko nalang mga mata ko at inilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko. Nakakatakot. Natatakot ako. Kahit sino, tulungan niyo ako. Di naman ako nakakaranas ng ganitong takot dati. Ngayon lang talaga.... Hihilain na sana nila ako nang biglang may humalbot saakin.
"Break-up? Sorry wala sa plano kong pakawalan si Mika." Napadilat ako at napatingin. Si Ciann, niligtas ako ni Ciann.
"Ciann?" Sabi ko. "Ciann..." Sabi ko habang umiiyak. "Ciann" inilagay ko ang muhka ko sa dibdib niya para di niya ako makitang umiyak. Ang Hirap kasi eh. Natatakot ako.
"Kayo... Kung mga kaibigan talaga kayo, Liking others wouldn't be a way para mawasak Friendship niyo." Sabi ni Ciann sabay hinila ako palabas ng kwarto.
*at the rooftop*
"Sorry..." Sabi ko habang pinupunasan luha ko.
"Eto...punasan mo na luha mo." Ibinigay niya saakin ang panyo niya habang nakatingin siya sa ibang direksyon. Tss...he acts cold pero gusto niya lang ako patahanin.
"Pfftt..." Di ko tuloy mapigilang tumawa...
"B-Bakit ka tumatawa?! Tandaan mo niligtas kita sa mga Bully mong Kaibigan." Sabi niya. Ang cute! Namumula siya.
"Oo na, salamat dun. Kaya mo naman pala maging Prince Charming talaga eh. NagpapakaBlack Prince ka pa." Sabi ko sabay belat sakanya.
"Anong Black Prince?!" Galit niyang tanong.
"Wala!! Sabi ko Thank you!" Sbi ko sabay lumabas na ng Rooftop.
*behind the rooftop door*
"Ano tong feeling na ito? Ngayon ko lang ito naramdaman. May halong saya at sakit sa dibdib." Sabay pa ng lakas na pagtibok sa puso. ARGH! Anooo toooo?!
Di ko napansin, di ko pa pala nababalik yung panyo niya. Pero bakit parang kinakabahan akong ibalik ito sakanya? Babalik mo lang naman tapos kakabahan ka pa?! Tama na heart!! Masyado mo na akong nililito!!
*later*
Papunta na sana ako sa Locker area nang naabutan ko si Shaina na nakatingin sa bintana.
"Shaina?" Sabi ko. Nakita ko naman si Shaina na namumula ang mga mata. "Anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak??" Maalala kong tanong sakanya.
"Mika!! Binully ka ba nila?! Saan ka sinaktan? Sorry wala ako nun ah!" Pfft! Yun lang pala iniyak niya? Pero I'm touched.
"Okay lang, niligtas naman ako ng Black Prince ko." Sabi ko out of nowhere. Kaya napalagay ko yung mga kamay ko sa bibig ko.
"Tama ba ang mga naririnig ko? Or talagang boses na yan ng taong Inlove?" Grabe...kanina papaiyak ka na, tapos ngayon Mangaasar Mode ka na?
"Anong Inlove? Bakit ako maiinlove sa lalaking yun noh!! diba nga sabi ko sayo..." Di pa ako tapos sa sinasabi ko nang...
"Alam ko na!! Line mo yan lagi eh!! Wala sa Dictionary mo ang Love!! At lalo na Boyfriend!" Panira talaga ito ng moment oh! "Pero tandaan mo di lahat ng sinasabi ng tao, totoo!" FYI, totoo mga sinasabi ko!! At isa pa, wala akong rason para magustuhan ang tulad niya!
"Che! Di ako Inlove, okay? Itatak mo yan sa kokote mo! Tara na nga at umuwi na tayo!" Sabi ko sabay dumiretso sa Locker ko.
At isa pa, imposible na maInlove ako sakanya. Diba nga, ayaw ko sakanya!!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Novela JuvenilBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...