Walang ingay na lumapag ang mga paa ni Prinsesa Rosede sa bukas na balkonahe ng kwarto ni Vincent. Liwanag ng buwan ang tanging panglaw niya habang humahakbang palapit sa nahihimbing na binata.
Dinampot niya ang itim na roba ng binata na nakasampay sa sandalan ng upuan at sinuot iyun sa kahubdan niya pagkatapos magpalipas ng oras sa kagubatan ang anyong lobo niya dahil sa nararamdaman in heat at dinala siya ng pakiramdam iyun sa kinaroroonan ng lalaking itinakda sa kanya,ang siya lamang makakapunan niyun.
Tahimik na pinagmasdan ng prinsesa ang binata. Banayad ang hininga nito.
Hmph,infairness ang bait ng gwapo niyang mukha kapag tulog.
Napangiti ang prinsesa sa papuri iyun ng wolf niya. Totoo nga na gwapo ito,well,hindi sapat ang salita iyun para ilarawan kung gaano ito kagwapo lalo na ng makita niya ang mga larawan nito na pinakita ng Tita Lynda niya sa kanya. Ang mga larawan kung saan binura ng aksidenteng iyun ang pagiging masiyahin nito. Ang mga ngiti at ngisi nito na sa larawan pa lamang niya nakikita at gusto niya ibalik iyun.
Ang dating Vincent Cestal.
Sa larawan iyun. Nakalarawan roon ang totoong Vincent. Masiyahin at hindi mo aakalain na ang Vincent na nakaharap niya ngayon ay iisa.
Ngayon,ang Vincent na nakaharap niya ay puno ng galit at kawalan ng pag-asa para sa sarili nito.
Napukaw siya sa pagtitig rito ng maging maligalig ito. Pabiling-biling ang ulo nito kasabay ng mahinang pag-ungol nito.
He's having bad dream!
Maingat na lumuhod siya sa gilid ng binata at masuyong hinaplos ang nuo nito na may namumuo ng pawis roon. Pinalis niya iyun at buong suyong hinagod niya ang buhok nito.
"I'm here...I'm here.." anas niya habang patuloy sa paghaplos sa buhok nito hanggang sa unti-unti itong tumigil sa pagbalisa pero nanatili itong natutulog.
Inilapit niya ang mukha rito at mariin na hinalikan ang nuo nito.
Nandito lang ako..wala ng mananakit pa sayo kahit ayawan mo pa ko mananatili ako sa tabi mo kahit mahirap para sakin.
Pinangahasan ng prinsesa pagbigyan ang sarili. Lumapat ang mga labi niya sa nakatikom na mga labi ng binata.
Bago pa man mawalan ng kontrol sa sarili ang prinsesa agad na lumayo na siya sa binata at mabilis na tinungo ang balkonahe. Bumagsak sa sahig ang roba ng mag-anyong lobo muli siya.
Sinuyod ng kulay abo na lobo ang kagubatan.
Pinalalala lang natin!
Tinaasan ni Prinsesa Rosede ng kilay ang binata na kanina pa nakatitig sa kanya tapos na niya suriin ang mga binti nito gamit ang dala niyang kagamitan at natuwa naman siya dahil hindi ito nagprotesta na hindi niya inaasahan.
"Bakit?" sita na niya rito.
Agad na umiwas ito ng paningin sa kanya.
"Tapos na ba?" saad nito na hindi tumitingin sa kanya.
"Tapos na...pero marami pang proseso..at gusto ko malaman ngayon ang desisyon mo kung..payag ka ng gamutin kita," aniya na pilit na hinuhuli ang mga mata nito at nanatiling nakabaling ang paningin nito sa ibang dako.
Problema niyan? Saka bakit hindi siya pumalag ngayon?
"Napanaginipan kita kagabi.." usal nito na kinatigil niya.
Hindi siya kaagad nakaimik ng bumaling ito sa kanya at mataman na tinitigan siya.
"Hindi ko alam kung panaginip ba yun o...hindi," wika nito.
"Talaga...ano naman ang napanaginipan mo?" kalmante niyang tugon rito.
Matagal bago nito sinagot ang tanong niya.
"Nasa tabi kita habang nanaginip ako ng masama.." usal nito.
Oh well..
Nginitian niya ang binata. "Kumalma ka naman ba o binangungot ka lang?" birong tugon niya rito.
Naningkit ang mga mata nito. There,he's back again a being grumpy!
"What do you think?" suplado nitong sagot.
Tss..
Ngumisi siya rito na sinabayan niya ng patango-tango. "I'm flattered na napanginipan mo ako,Mr.Cestal..hmm,bakit kaya? Hindi kaya masyado mo ako iniisip kaya napapa--"
"Stop that! Hindi yan ang gusto kong isipin mo! Wala ako gusto sayo!" Putol nito sa sasabihin niya.
Hindi niya napigilan ang tumawa sa mabilis na reaksyon nito.
"May sinabi ba ko? Bakit naman iyun ang naisip mo na iisipin ko,ha?" panunudyo niya rito.
Sumama na ang anyo nito.
"You crazy!" angil nito sa kanya.
Ngumisi siya muli rito. "Yeah,crazy over me,"panunudyo pa rin niya rito.
"Out! Leave me alone now," pikon nitong turan sa kanya.
"Okay..di mo kailangan sumigaw,aalis na ko,anyway,bukas sisimulan mo ng subukan itayo ang sarili mo," aniya na kinatigil nito.
"Don't be scared to do it,Vincent.."seryoso niyang sabi ng makita ang takot at pangamba na bumakas sa gwapo nitong mukha.
" I...hindi pa ko pumapayag,"pag-iwas ng mukha nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. "Well,you don't have choice..I'm your doctor at...ako ang masusunod satin dalawa,Vincent." aniya na kinabaling nito sa kanya.
Maang at nakaawang ang mga labi.
"See you tomorrow!" aniya at mabilis na iniwan ito sa silid nito.
"Thank you,Hija..alam kong papayag na siya. Kunwari lang yan," Napangiti sabi ni Tita Lynda sa kanya.
"I know he try..sinusubukan niyang magkaroon ng pag-asa kahit meron naman talaga," tugon niya sa ginang.
Masuyong nginitian siya ng ginang." Maybe he likes you,"anito sabay kindat sa kanya.
Tinawanan na lamang niya ang sinabi nito.
Sabi niya wala siya gusto satin! As if naman na gusto ko din siya!
He's still coping up..nandito na siya at sisiguruduhin niyang maibabalik niya sa dati ang binata.
Gusto niya makilala ang dating Vincent kaya lahat gagawin niya maibalik lang ito sa dating ito.
Ilang beses man siya nito sigawan at sungitan didedmahin niya iyun. Murahin man siya nito hindi niya ito iiwan.
"Sana kapag gumaling na siya hindi lang dito matapos ang ugnayan natin,"pukaw sa kanya ng ginang.
Nginitian niya ang ginang. "Oo naman po..magpapaligaw po ako sa pamangkin niyo,"aniya na kinatawa ng ginang.
Kinindatan siya ng ginang.
"Aba! Oo naman..akong bahala isiset-up ko kayo agad kapag okay na okay na si Vincent. Botong-boto kaya ako sayo ,doktora!"
Tinawanan niya ang sinabi ng ginang.
As if naman may choice si Mate..
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)
WerewolfPrincess Rosede Haley Graciano,an orthopedic doctor.,ah,wait..a multitasking doctor! Surgeon,pediatrician even an ob-gyne..all about in medicine she's in! At your service! That she can do with her being special. Mula ng ipadala siya sa mundo ng mga...