Project #1:
Aleica's Own Case:
The Death of Mariana BoromeoNaglalakad ako patungong subway station para makapunta naman sa bahay ng lola ko. Malapit lang naman ang subway dahil ang apartment na tinutuluyan ko ay katapat lamang nito.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Iba kasi ang kilos ko at parang may mali sa akin, sa paningin nila. Talaga. Nag-aalala na kasi ako sa lola ko dahil nakailang miscalls na ako. Ang huling tawag niya ay kaninang 3:33 ng hapon pa.
I tried calling her again and suddenly, I bumped into someone's shoulder. I didn't even bother to say 'sorry'. When obviously, he is the one to be blamed.
"Argh! Ah! Mamu! Sagutin mo!"
Habang hinihintay ko ang susunod na byahe ng tren ay bumili muna ako ng ticket at kape. My favorite cappuccino.
Naka-upo ako sa my bench ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking naka-bonet na itim at naka-mask na nakakatawang bibig na naka-pout. Gusto kong matawa sa suot niya pero hindi napapawi n'on ang pag-aalala na nasa loob-loob ko.
I dialed my grandma's phone number.
The number you have dialed is currently unattended or out of coverage area. Please dial your call later. The number—
"Argh! Mamu! Sagutin mo!"
I was about to call her again when a security approached me.
"Miss, kanina ka pa balisa. May problema po ba?"
Hindi ko siya tinignan at ininom na lamang ang kape ko. Argh!
"Miss, i-re-report kita sa management kapag hindi ka sumagot. May nag-report kasi sa akin na kahina-hinala ang galaw mo. Kaya sumagot ka," saad ng kuya. Tingnan ko siya.
"Mukha ba akong gagawa ng masama? Nagmamadali ako dahil iyong lola ko, kuya! Jusko! Wala akong oras gumawa ng kasalanan!" nagiinit na ang ulo ko sa pakikipag-usap sa kuya.
"We are all capable of doing the most impossible things, Miss."
Napatingin naman ko ngayon sa lalaking hindi ko napansing katabi ko. I rolled my eyes on him.
"Eh—"
Passengers for Cainta. Passengers for Cainta. The train is about to come. Please be ready and have a safe trip. Thank you for choosing SMX Rail Transportation.
Tumayo ako at hindi na pinansin ang security at ang misteryosong lalaki. Wala akong pake sa kanila! Ang lola ko ang priority ko!
Ilang minuto mula sa Manila at nakarating din agad ako sa Cainta. Sa Cainta, Rizal nakatira ang lola ko na siyang nag-iisa na lamang doon. Nakapagtapos na rin kasi ang bunsong anak niya na si Tita Meyang kaya't nag-iisa na siya doon.
Nag-tricycle pa ako para makapunta sa bahay niya. Nang makababa, tinawag pa ako ng driver dahil nakalimutan kong magbayad. Aish! Nakakahiya!
Nagmamadali akong pumunta sa bahay niya at lakad-takbo pa ako. Nang makarating, nakita ko ang kumpol-kumpol na tao sa harapan ng lumang bahay ni lola. Nagkunot ang noo ko na lumapit doon at narinig ko na rin ang pinaguusapan ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The ABCD Story
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Start the chase now." Join the ABCD team as they unravel the secrets behind the deaths of their love ones, cat killings, bomb attacks and other mind-boggling crimes. Highest Rank: #1-Dorothy (October. 5) All Rights Reserved© RagingWind04