CHAPTER THREE
NAPAPITLAG SI Jane nang may ilaw na saglit na bumalot sa paligid niya. Napalingon siya sa pinanggalingan niyon.
Isang lalaki ang naroon at may hawak itong camera. Hindi niya ito kilala. Marahil ay bagong empleyado ng kumpanya niya.
Wala sa kanya ang pansin nito dahil may isang lalaking umagaw sa atensyon nito.
"You must do it or we're all dead."
Napalingon siya sa lalaking kalalabas ng kumpanya at kasalukuyang may kausap sa telepono. Pagkasabi nito niyon ay pinatay nito ang cellphone at nagmamadaling pumunta sa kabilang parking lot.
"Hans..."
Dali-daling tumayo siya at sinundan ang lalaki.
"Hans! Hindi mo rin ba ako nakikita?" patuloy na habol niya dito.
Si Hans ang masasabi niyang kanang kamay niya. Pati ang daddy niya ay pinagkakatiwalaan ito when it comes to company matters. Anak kasi ito ng dating family lawyer nila.
"Hans!" Nang makalapit siya ay sinubukan niya itong hawakan sa braso. Pero naglagos lang ang kamay niya doon.
Napahinto ito saglit. May pag-asang pumuno sa dibdib niya. Pero maya-maya'y napailing lang ito at itinuloy ang pagpasok sa sariling kotse.
May nabuong ideya sa isip niya. Sabi ni Constantino ay kailangan niyang gumamit ng medium para makaalis doon. Kanina pa siya naglalakad sa tapat ng kumpanya niya pero hindi pa rin siya makaalis. Maski ang pumasok sa loob ay hindi niya magawa. It seems to be near pero kapag lumapit siya ay tila hindi siya umaalis sa kinatatayuan.
Hindi na siya nagdalawang isip pa. Lumagos siya papasok sa kotse. Baka matulungan siya ni Hans na makaalis doon.
Pinaandar na nito ang kotse. Gusto na sana niyang magdiwang nang makarating sila sa kalsada. Subalit hindi pa nakakalayo ay may malakas na pwersa ang pumigil sa kanya. Before she knew it, wala na siya sa kotse ng lalaki at nahulog na siya sa kalsada. Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Hindi naging matagumpay ang naisip niya.
Nanlulumong tumayo siya at naglakad pabalik sa kumpanya. She hate it but all she have to do is to wait. Again.
Napabuntong-hiningang naupo siyang muli sa hagdan.
'SHIT! Nasaan na ba 'yon?'
Kulang na lang ay ibaliktad ni Khiane ang bag niya para lang mahanap ang wallet.
"Sir, is there any problem?"
Napatingin siya sa cashier. Siguradong naiinip na ito subalit hindi ipinapahalata.
Nang makaalis sa kumpanyang pinapasukan ay nagpunta nga siya sa department store para bumili ng mga film at photo paper. Naalala niyang out of stock na nga pala siya. Tamang-tama lang ang ipinalusot niya kanina kay Nica.
At ngayon nga ay nasa harap na siya ng cashier at hindi niya mahagilap ang wallet niya.
Marahil ay naiwan niya iyon sa opisina. Naalala niyang inilagay niya iyon sa tabi ng mga magazine na binabasa niya nang matapos siyang magmeryenda.
How foolish of him to forgot about his wallet of all things? Gusto niya tuloy sipain ang sarili.
"I'm sorry. May nakalimutan ako," sabi na lang niya sa cashier at umalis na dala ang mga kinuha niya. Ibinalik niya iyon sa pinagkuhanan pagkatapos ay lumabas na ng department store.
Nagmamadaling tinungo niya ang sariling kotse. Thanks to himself, kailangan pa tuloy niyang bumalik muli sa opisina.
Alas sais y media pa lang pero kalat na ang dilim sa paligid. Mukhang alas otso na tuloy. Worst, unti-unti nang bumibigat ang traffic sa kalsada.
BINABASA MO ANG
MY DILEMMA By Syana Jane
RomanceShe lived almost a perfect life... That was she thought. Sa isang aksidente, mababago ang buhay ni Jane. In the midst of her struggle, isang lalaki ang makikilala niya. Si Khiane, ang bagong photographer ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya niya. S...