KASALUKUYANG NAGLALAKAD si Ashleigh papunta sa paradahan ng mga jeep malapit sa kanila para makapunta sa dati n'yang eskuwelahan para makuha n'ya ang kanyang requirements dahil nga sa nag-stop ito.
Napadako ang kanyang tingin sa isang lalaking pumukaw ng kanyang pansin---iyon ay si Aiden Lee--ang 'man of her dreams' kaya dinalian n'ya ang kanyang paglakad para 'di s'ya mag-fangirl tulad ng ginagawa n'ya tuwing nakikita n'ya si Aiden.
NAPATINGIN si Aiden sa babaeng nakita nitong parang timang na nagadaling maglakad na halos madapa na sa pagmamadali kaya naman sinadya niyang humarang sa harapan ng babae--si Ashleigh kaya ang kinalabasan ay nabungggo ni Ashleigh si Aiden.
Nagkunwari si Aiden na nagulat ito sa nangyari, at nagsalita.
"Uy! Bakit 'di ka na pumapasok?" tanong nito kay Ashleigh, na s'ya namang ikinagitla ni Ashleigh.
"A-ah, eh kasi huminto na ako," nahihiyang sagot ni Ashleigh.
Napakunot ng noo si Aiden sa narinig mula sa babae,
"Tsk. Seryoso?" naiiritang tanong ni Aiden kay Ahleigh.
"O-oo eh, bakit?" nauutal na tanong ni Ashleigh.
"Tsk. My wife's obviously not studying there," naiiritang pahayag ng lalaki.
Nagitla si Ashleigh sa sinabi ni Aiden ngunit hindi nito pinahalata sa lalaki.
"By theway, ayusin mo nga 'yang pagkakasuot mo ng sumbrero mo!--oh, h'wag na lang pala same lang pala tayo ng way ng pagkakasuot ng cap, tadhana nga naman," wika ni Aiden habang nakangisi saka umakbay sa babae.
Walang ibang nasabi ang babae at nanatili na lamang itong tahimik sa mga bisig ng lalaki habang nagsisimulang maging kulay rosas ang kanyang parehong pisngi.
"Tara na asawa ko" pag-aya ng lalaki kay Ashleigh.
"H-huh? S-saan?" tanong ni Ashleigh habang nagpaubayang magpadala kay Aiden.
"Iuuwi na kita. Hanap ka na nina Mom at Dad." wika nito na talagang ikinagitla ni Ashleigh.
--PAGTATAPOS