“SINONG dadaanan mo dito?” tanong sa kanya ni Rachel Leigh nang makababa sila sa motor nito. Isang linggo na rin nang magkakilala sila.
Nasa tapat sila ng bahay ng fiancé ng kaibigan niyang si Ashlee na si Raffy dahil nais niyang magpakita dito at mangumusta. Matagal-tagal na rin niya itong hindi nakikita, siguradong nag-aalala pa rin ito sa kanya. Nagpahatid siya dito kay Rachel matapos nilang makausap si Anthony kaninang hapon.
Anthony was a handsome man in his early thirties. Mukha namang mabait ito kahit na seryoso at parang puno ng galit ang kalooban tuwing mababanggit ang pangalan ng Christopher Samaniego na kinamumuhian nito, maging ng society na itinatag nito.
Nakipagkilala ito at sinabing wala namang problema kung sumali siya sa grupo as long as hindi niya ipagsasabi ang tungkol doon sa iba at susunod siya sa mga sinasabi nito. Wala ng halaga sa kanya kung anuman ang iutos nito basta mapag-higantihan niya si Vincent.
Mukhang naging masaya naman ang Anthony na iyon na makahanap ng panibagong kasama sa grupo kaya nawala ang lahat ng pangamba niyang baka nagkamali siya ng desisyon. Tama lang ang pasya niyang sumapi sa mga ito, at least, hindi na siya mag-isa sa labang ito.
“Gusto ko lang makausap ang kaibigan kong si Ashlee,” sagot niya sa tanong ni Rachel. “Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Ayos lang ba sa’yo?”
Tumango lang ito at nag-doorbell na siya. Ilang sandali lang ay pinagbuksan na sila ng gate ng isang katulong at pinaghintay sa living area habang tinatawag nito si Ashlee sa itaas.
Umupo sila sa sofa at tiningnan niya si Rachel na ngumunguya na ng bubble gum. Pagkatapos ay nalipat ang tingin niya sa unahan nang marinig ang pagtawag sa kanya.
Agad siyang tumayo at ngumiti. “Ashlee,” bati niya dito.
Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Oh my gosh, how are you?” tanong nito.
Alam niyang alalang-alala ito sa hindi niya pagpapakita dito. “I’m good, ikaw? How’s your life as soon-to-be-wife? I’m sorry nga pala kung hindi na ako nakapag-paramdam sa iyo,” sabi niya.
“It’s okay. I’m still the same. Ayos ka na ba talaga?”
Tumango siya. “Yeah, I’m fine now,” pagsisinungaling niya pero pinilit niya pa ring ngumiti.
“I can see that,” tiningnan nito ang kabuuan niya. “You look very beautiful.”
“Thank you and you look blooming, too. Mukhang hiyang na hiyang ka sa pakikisama kay Raffy, ah? You look very happy with him,” puna niya.
Umiwas ito ng tingin. “Y-Yeah,” nalipat ang tingin nito kay Rachel Leigh.
“Oh, by the way,” naalala niya. “Ashlee, this is my friend, Rachel Leigh Villanueva. Rachel, this is my best friend-slash-business partner, Ashlee Fortich,” pagpapakilala niya sa mga ito.
Ngumiti si Ashlee kay Rachel. “Hi,” bati nito dito.
Tumango lang si Rachel.
“Pasensiya ka na dito kay Rachel,” sabi niya. “Mabilis talaga siyang maka-intimidate ng tao pero mabait naman ‘yan.”
Ngumiti ulit si Ashlee. “Gusto niyo ba ng maiinom?” alok nito sa kanila.
Umiling siya. “Hindi na, dumaan lang naman kami para makita ka.”
Tumango ito. “Babalik ka na ba sa restaurant?” tukoy nito sa Delicious Italian Restaurant na pag-aari nila. Matagal din siyang natigil sa pagbisita doon dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa buhay niya.
“Siyempre naman, matagal na din akong nagpahinga,” sagot niya.
“Mabuti naman, wala akong makausap doon, eh. Ahm, ano nga pala ang pinagkaka-abalahan mo, Rachel?” baling naman nito kay Rachel.
“I’m in a rock band, nagpe-perform kami sa mga clubs at sa kahit saang event na mapagkaka-kitaan,” sagot ni Rachel.
Tumango si Ashlee. “I see. You can perform in our restaurant, if you want to,” alok pa nito.
“That’s cool,” maikling tugon ni Rachel.
“Iyon nga rin ang sabi ko sa kanya, Ash,” singit niya sa mga ito. “She’s good, siguradong madadagdagan ng buhay ang restaurant natin.”
“Gaano na nga pala kayo katagal magkakilala?” Ashlee asked.
“I met her last week, sa isang bar. I was too depressed back then, siya lang ang nakausap ko ng gabing iyon. Ayoko na namang abalahin pa kayo,” sagot niya.
“Hindi ka naman nakaka-abala sa akin, Sophie. You should have called me,” sabi nito.
“I know, but I’m okay now. Huwag ka ng mag-alala,” pagpapakalma niya dito. “Siyanga pala, kumusta na si Raffy?”
“H-He’s doing good, busy pa rin sa work katulad ng dati,” nauutal na sagot nito. Napansin niya pa ang bahagyang uneasiness nito sa topic na iyon.
“Wala pa rin talaga siyang pinagbago, pero kailan niyo ba balak magpakasal? Ilang months na rin kayong engaged, ah,” pang-uusisa niya pa.
Natigilan ito sa tanong niya. Hindi niya alam kung bakit parang hindi nito alam ang isasagot sa kanya.
“Hey,” putol niya sa pagka-tulala nito. “Ash, are you alright?” nag-aalala na siya para dito.
Napatingin ito sa kanya. “Y-Yeah? I-I’m sorry, you were saying?”
“Are you sick?” tanong pa niya.
Umiling ito. “No, I’m fine. Marami lang akong iniisip s-sa work.”
Napangiti siya. “Nahawa ka na yata sa fiancé mo. Take it easy, Ash. Nandito na ako para tulungan ka ulit.”
Ginantihan nito ang ngiti niya. “Kumusta na nga pala si Jessie?” biglang tanong nito.
Nawala ang ngiti niya sa pagka-alala sa kapatid. Muli na namang nanumbalik ang sakit sa puso niya pero pinigilan niya ang sariling mapa-iyak.
Magsasalita pa sana si Ashlee nang marinig nila ang pagtunog ng doorbell. Tumayo ito at sandaling nagpaalam sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handang sabihin sa mga ito ang nangyari sa kapatid niya. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...