Chapter 5.3

2.9K 55 1
                                    

PAGKAPASOK ni Sophia sa loob ng mansiyon ni Michael de Angelo sa Kingsville ay agad niyang hinanap ang ipinunta dito. Ilang minuto ang lumipas pero hindi niya pa rin ito nakikita. Hindi maaaring hindi niya ito makita doon. Ginawa niya ang lahat para malaman ang schedule nito kaya sigurado siyang naririto ito.
May ilang guests doon ang bumabati sa kanya at ang ibang lalaki ay inaanyayahan pa siyang sumayaw pero magalang niyang tinanggihan ang mga ito. Wala siyang oras para sa mga bagay na iyon.
“Sophie!” napatingin siya sa tumawag sa pangalan niya at nakita si Ashlee.
Ngumiti siya at lumapit dito. “Ash,” bati niya.
“I didn’t know na invited ka pala sa party na ito,” sabi nito.
“Ah, yeah, inimbitahan ako ni Michael. Sayang din naman ang opportunity, maraming malalaking businessmen na nandito.”
“Oo nga,” pagsang-ayon nito. “Mabuti naman at nakita kita. Kanina pa ako bored na bored na dito. Si Thaddeus nilayasan ako,” tukoy nito kay Thaddeus Arzadon – isang sikat na lawyer na kaibigan ng fiancé nitong si Raffy Choi. “Wala naman akong kakilala dito.”
“Where’s Raffy?” tanong niya, pero ang atensiyon niya ay nasa mga guests na naroroon. Damn, nasaan na ba ang Vincent na iyon?
“I don’t know, baka nga hindi na iyon dumating. May kasama ka ba?”
Tumingin siya dito. “Wala.”
“Si Rachel Leigh?”
“May performance siya ngayong gabi sa club nila. Saka wala naman iyong hilig sa ganitong parties,” napatigil siya nang makita ang hinahanap ilang hakbang ang layo sa kinatatayuan niya. May kausap itong isang businessman at nakasuot ng itim na tuxedo. “I’m really sorry, Ashlee. May kailangan kasi akong kausapin ngayon,” bumaling siya dito. “I’ll talk to you later, okay?” iyon lang at lumakad na siya palayo dito.
Bawat hakbang papalapit sa lalaking iyon ay parang paglapit sa isang panganib. Nakatuon lang ang tingin niya dito. He was very handsome in that suit. He was indeed very alluring but she knew how dangerous that man was. A devil disguised in an angelic face. A monster. A heartless person who was the reason her sister died. Iyon ang dapat na patuloy niyang isipin at alalahanin.
Sa wakas, nagkatagpo na ulit sila. At sa pagkakataong ito, hindi na siya ang lalayo.
Hinintay niya itong matapos sa pakikipag-usap bago niya naisipang lumapit dito. Kumuha muna siya ng isang baso ng champagne sa waiter na dumaan at nagpatuloy sa paglalakad. Nagkunwa siyang natalapid nang makalapit dito at naisaboy ang hawak na champagne sa suit nito.
“Oh my gosh,” tumingin siya dito at pinagpagan ang suot nito. “I’m really sorry. Hindi ko sinasadya.”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “It’s fine, lady,” he said in a deep voice. “Don’t worry about it. Paalis na rin naman ako.”
“Oh,” bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. No, not yet. Ipinatong niya ang hawak na baso sa mesang malapit sa kanila. She then smiled her sweetest fake smile on him. “If you don’t mind,” hinawakan niya ang suit nito at marahang hinigit ito palapit sa kanya. “I can wash your clothes and send it back to you,” bulong niya. She could now smell his masculine scent because of his nearness.
Nakita niya ang ngiting naglalaro sa mga labi nito sa ibig niyang ipahiwatig. Tinitigan siya nito at kahit ayaw niyang makita ang pagmumukha nito ay pinilit niya ang sariling tumitig din dito.
Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya at nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “I think I’ve seen you before,” bulong nito, his sweet, hot breath fanning on her face.
She smiled and licked her lips. Hindi niya napalampas ang paglunok nito sa ginawa niya. “Nakakalungkot naman na hindi mo ako naaalala,” malambing na wika niya. “I thought you said my lips are beautiful… and so kissable.”
His honey brown eyes lit with surprise. “The woman in that hotel,” pag-alala nito. Ngumiti ito at napalitan ng galak ang gulat na nasa mga mata. “Akala ko hindi na kita ulit makikita.”
Oh, how handsome he was everytime he smiles, lalo na sa ganitong malapitan. But she would never fall for his looks. He may be hot and handsome, but she knew he had a black heart.
“Wow,” pagpapatuloy nito. “Hindi ko akalaing ganito ka kaganda,” nasa mga mata nito ang hindi maitatagong paghanga.
Ngumiti siya at pinaglandas ang mga kamay sa dibdib nito. She could feel him stiffening under her palms. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito at idinikit ang katawan sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata nito pero agad din namang napangiti at iniyakap ang mga braso sa baywang niya.
“You’re hot,” he mumbled, staring at her intently.
Pinilit niyang panatilihin ang sarili sa yakap nito kahit gustong-gusto niya na itong itulak palayo at sampalin ng ubod ng lakas. Sumulyap siya sa mga guests na nakapalibot sa kanila at nakatingin.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Vincent. “Aalis ka na ba talaga? Gusto ko sanang maglakad-lakad sa labas, wala lang akong makasama.”
Ngumiti ito. “Well, hindi naman ako nagmamadali. Puwede kitang samahan kahit sandali.”
Malawak siyang ngumiti at bahagyang lumayo dito. “That’s great,” pagkatapos ay nauna na siyang lumakad palabas. Sumunod lang ito sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon