Game 3
Her POV
Pauwi na sana ako ng hilahin ako ni Daloui sa loob ng sasakyan nila. Anong problema nito? Magsasalita pa lamang ako ng bigla nya ng tinakpan ang bibig ko nung kamay nya.
"Nasa mansyon namin si Helshy dahil pinapunta ko sya doon. I texted Cy na pumunta na rin sa mansyon namin." Nakangiti nyang sabi saakin habang hinihingal.
"Bat ba nanghihila ka nalang bigla? Ano bang meron? Di ako nainform ah!" Tanong ko sakanya. Ang sakit kasi sobra ng braso ko gawa nang paghila nya.
"Reunion. And besides may sasabihin ako sainyo." Aniya at itinaas baba ang kanyang kilay habang nakangiti. Hindi na rin ako nakapalag dahil andito na rin naman ako sa kotse niya at umaandar na.
Nandito kami sa mansyon nila Daloui. Dapat talaga hindi ako pupunta dahil gagawa pa ako ng research. Sa libro pa kami kukuha, ayaw ni Mr. Beltran na ang pinagkukuhanan namin ng source ay internet. Kaya yung research namin ay matrabaho talaga.
Me:
Wer r u? Nandito na kami kila Giada.I texted Cy kasi sya nalang ang wala saaming apat. Nandito na nga kasi si Helshy at kumakain na agad ito.
Nauna kong naging kaibigan si Cy nung naging transferee ako dito sa university na 'to. Sobrang daldal nya na halos lahat ng makatabi nya ay dinadaldal nya. Sumunod naman ay si Daloui at Helshy. Magkaibigan na talaga silang dalawa bago namin makilala.
Nung una nakaaway namin sila. Yung boyfriend kasi nitong si Helshy ay lagi kong nakakagrupo sa mga group works. Tapos nung nagkapartner partner ay halos kami yung magkapartner. Plus he's always asking me about my personal things hanggang sa pinagselosan na ako ni Helshy at nagpangabot na kami at nakisali si Daloui. Pero nung nagpaliwanag naman si Renzel ay naging kaibigan ko na sila.
Kaya lang pala lumalapit si Renzel sakin dahil yung kaibigan nya ay may gusto sakin. At dahil kami yung magkaklase lagi dahil parehas kami ng course ni Renzel ay tinutulungan nya yung tropang nyang NGSB, torpe daw yu at di marunong manligaw tapos nalaman nilang ako yung nagugustuhan kaya tinutulungan nila ito. Yung tropa na mismo ni Renzel ang humingi ng pasensya kay Helshy kaya ayun. Ok na kami at naging kaibigan na namin sila.
"Hello!!! Miss me?" Sigaw ng kakadating lang na si Cy habang ang laki laki ng ngiti. Natigil ang pagkkwentuhan namin ni Helshy at pagkain nya ng sumigaw nitong kaibigan namin.
"Kahit kelan ka talaga Helshy!" Sigaw ko sakanya pabalik. Nagbeso kaming dalawa at pagtapos ay sila rin ni Cy.
"Kahit kelan maganda? Alam ko yun noh! By the way, asan na si Giada Louisse? Nandito tayo sa pamamahay nya tapos wala-" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng bigla syang sinubuan ni Cy ng kinakain nya. Ang lakas lakas kadi ng bibig.
"Alam mo ikaw pinakamaliit saatin pero ikaw pinamalaking bibig! Manahimik ka na ngalang." Ani Cy at pinagpatuloy na ang pagkain. Gulat naman si Helshy at napasimangot agad dahil sa ginawa ni Cy sakanya.
Nagkwentuhan nalang kami doon habang hinihintay na bumaba si Daloui. Sumabay nalang din akong kumain sakanila. Maya maya lang ay bumaba na si Daloui at nakapagpalit na ng kumportableng pambahay na damit. Gusto ko na din magpalit. Manghihiram nalang ako kay Daloui mamaya.
"Oh Andyan ka na pala Cy! Tagal mo ah." Ani Daloui habang pababa ng hagdan. Wala naman kaming ginawa kundi ang magkamustahan lang doon. Kinamusta namin sila Cy at Helshy dahil nasa ibang school silang dalawa.
Helshy is taking up tourism in Southern University. She wanted to be a flight attendant para daw makagala sya sa ibang bansa tapos binabayaran pa daw sya ng malaki. While, Cy is taking Railway Engineering. ewan ko kung bakit di ko na tinanong dahil wala kong kaalam alam talaga sa engineering. Kaya nga si Queane hindi ko masyadong inalam dahil engineering yung kinukuha tapos masyado pa syang matalino sa kursong iyon.
BINABASA MO ANG
3 Timers Game
Teen FictionSometimes, the greatest relationships are the ones you never expected to be in, especially with the person with a similar minds and vibes.