Hinihingal na ako sa kakatakbo. Ano ba kase ang nangyayari??
"Kale! where's your key?!"
"Ha? Key? Ano? Bakit?"
"Kale! Focus! Ano ba! Give me your goddamn key!"
"Ahh susi. Ito oh." Sabay abot ko sa kanya ng susi ko sa kotse.
"Ano ba?! Get in car dali!"
"O-oo Oo ito na!" Nagalit ata.
"Seatbelt Please Bilis!"
Nanginginig na ang mga kamay ko while putting my seatbelt's on. Pagtingin ko sa labas ng kotse, papunta na samin yung mga lalaking nakasuit at nakashades! Yung iba, may hawak ng baril! Ano ba 'tong nangyayari? May shooting ba ng action film?! Yung isa sa kanila biglang huminto at tinutok yung baril sa direksyon namin.
"Oh sh*t! Oh sh*t! Miss! Bilis! Yung isa babarilin na tayo!" Ano ba pangalan nitong babaeng to?!
"As if they'll shoot me. Di yan. Chill ka lang jan. I can handle this."
"Chill?? How can I be chill?! Babarilin na nga tayo tapos gusto mo chill lang ako?! Sigurado ka ba?!" Ano ba kaseng meron sa babaeng 'to at hinahabol nung mga lalaki?
Ang bilis niyang magpatakbo. Panay kapit lang ako sa gilid nag kotse ko. Feeling ko anytime, mababangga kami tapos katapusan ko na. Noooooo!! Gagraduate pa ako eh! Damn this girl! Ipapahamak pa ata ako! Diyos ko, kayo na po bahala sakin. Wag niyo sana hahayaang mapahamak ang pogi niyong likha na mapahamak. Ilayo niyo po sana ako sa kapahamakan. Lalayo na talaga ako sa babaeng to kung sakaling makaligtas man po ako. Huhuhu. Papikit-pikit na akong nagdadasal dito sa gilid ng biglang may narinig akong tumatawa ng mahina. Nilingon ko kung sino yun.
"Tawa tawa ka jan? Kala mo nakakatawa yung nangyayari? Ha? Kung gusto mo ng thrill sa buhay, sana naman wag kang nandadamay! Mahal ko pa buhay ko miss! Wag naman ganito! Ano ba kaseng kasalanan mo sa lipunan at pinaghahabol ka? Kriminal ka ba? Nakapatay ka ba? Ano?! Ha?! Sumagot ka!"
"Alam mo, kalalaki mong tao, napakabungangero mo! Okay. I'll answer all your freakin' questions when we reach our destination. Sa ngayon, let me introduce myself. Eheeem... Hi! I'm Reigna Price. But please call me Reign. Ang bantot kase ng Reigna eh!"
Reigna Price. Parang narinig ko na tong pangalan na to eh.
"Your name seems familiar. Pero nevermind. Hey Reigna! San mo ba ako dadalhin? Ha? Kidnapper ka ba? Oh baka naman rapist? May balak ka bang halayin ako??" Napadikit ako sa pinto ng kotse sabay takip sa dibdib ko. Well, mabuti na yung sigurado. Sa pogi ko ba namang to di malayong gahasain ako nito.
"Wow. Grabe Kale. Lakas ng kompyansa sa sarili. Pogi ka lang pero huy! Di ka yummy! Payat payat mo pa. Kumakain ka ba?! Mukha kanang walking skeleton kung di mo pansin!"
"Pano mo nalaman pangalan ko?"
"Ulyanin? Sign of aging? Remember? Yung babaeng umapproach sayo kanina? She mentioned your name. Pero para fair, introduce yourself."
"Haaaays.. It's Kale de Silva. Wala na bang humahabol? San ba kase tayo pupunta? May pasok pa ako eh."
"Can you not go to school today? I need to discuss something with you. We should make a deal. And... Can you do me a favor?"
"Deal? What deal? Anong ibig mong sabihin?"