F.R.I.E.N.D.S

429 11 0
                                    

(Spoken Poetry)

Pitong letra
Ngunit minsan ko na lang sila makita,
Minsan ko na lang maramdam ang saya pagkasama sila,
Dahil sa bawat oras na magkakasama,
Pakiramdam ko ako ay di kasama,
Na parang ako ay nag-iisa,
Tuwing magkakasama ang barkada,
Kayo ay nagkaka-isa habang ako ay mag-isa,
Na sa lecheng pagkakaibigang ito,
Parang ako ay isang anino,
Sunod lang ng sunod sa inyo,
Habang kayo masayang naglalaro,
Ako ay walang kasama't walang kibo,
Ni hindi niyo nga napansin na wala na ako sa tabi niyo,
Habang kayo'y magkakasama, ako ay unti-unting lumalayo,
Pinagmamasadan kayo sa malayo,
Na masayang nagkwekwento,
Kapag nakatingin sa inyo,
Napapaisip na lang ako,
Sinasabing..."Gago ba kayo?"
"Manhid ba kayo?"
"Wala ba kayong puso?"
"Hindi niyo ba nararamdamang nakakasakit na kayo ng tao?"
Kahit gustong-gusto kong sabihin sa inyo yan,
Ngunit ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigang binuo nating magkakasama,
Pero sa palagay ko, sa pagkakaibigang binuo, ako ay mawawala.
Sa bawat pagpatak ng ulan sa kalangitan,
Ang pagbagsak ng luhang kanina pang pinipigilan.
Mahirap isipin ikaw ay parang laruan,
Na dating nagpapasaya sa kanila ngayon ay itatapon na lang sa kung saan-saan.
Hindi na papansinin kapag may bago ng kasamahan.
Na may bago ng nagbibigay sa inyo ng kasiyahan.
Tama nga siguro ako,
Ako ay hindi pa sapat sa inyo,
Na mas pinili niyo akong iwasan kaysa pahalagahan,
Masakit sa akin na ang tinuring ko parang kapatid ay iiwan lang ako bandang huli.
Napakasakit,
Napakahirap,
Sana hindi kayo magsisisi sa inyong naging desisyon,
Ang talikuran ako sa ngayon,
Sana balang araw pumasok sa isipan niyo,
Na may nasayang kayong isang butihing kaibigan,
Na nakasayang kayo ng kaibigan tapat na nagmamahal sa inyo,
Huwag kayong magsisisi kung nakita niyo akong may kasamang iba at masaya.
Huwag kayong magsisisi kapag nakita niyo akong wala ng pakialam sa inyo,
Huwag kayong magsisisi kung hangin na lang ang tingin ko sa inyo,
Dahil kagaya ng pinaramdam niyo sa akin,
Ay ibabalik ko rin sa inyo,
Aking mga pekeng kaibigan.
Mga pagsasamahan natin noon,
Ay matatambakan na lang ng iba pang pahina ng libro,
Dahil simula ngayon,
Kalilimutan ko ng nakilala kayo,
Ayoko ng magkaroroon ng kaibigan kagaya niyo,
Nakakagago!

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon