Mr. P.S (One Shot)

5.2K 250 93
                                    

Mahigit isang buwan narin ng malaman kong hiwalay na sila. Isang buwan nang malaya ang taong minamahal ko. Nung nalaman kong wala na sila ang saya ko lang parang nabunutan ng mga tinik tinik ang aking dibdib. Hindi naman sa hinangad o hiniling ko na magkahiwalay sila pero hindi mo naman talaga maiiwasang isipin yun diba. Ang mapagtanto na ang lalaking mahal mo ay nasa piling ng ibang babae, ang sakit lang ang sakit sakit, sagad sa buto ehh. Kaya nung sinabi saakin ng kaibigan ko na may girlfriend na sya na sila na talaga. I feel like my heart was ripped for a million times.

"Girl! alaaaam mo na ba ang trending topic sa twitter at ano pang networking sites na ka ek-ekan nayan at higit sa lahat sa buong caaaampuuus?!" Kung maka tili naman tong kaibigan ko parang di na ulit sisikatan ng araw. Tinanong nya ako na parang ang katawan nya kinikiliti nang kung sino man. Parang kilig na kilig ang loka. Ano ba pinagsasabi neto wala akong ka alam alam ahh.

"Hindi. Ano ba ‘yon?"

"Ayy! Di mo alam?!" Ayy alam, alam kaya nga nagtatanong diba! Hay, gusto ko sanang barahin ang babaeng ‘to. Kairita e, palaging tumitili parang 'di man lang sumasakit ang lalamunan. Pero wala ako sa wisyo para makipagbarahan. Tumango na lang ako, 'di naman ako bastos, 'di ba?

"Waaaaaa! Oh my! Oh my! Tama nga ako magiging sila talaga! Shet! Si Prince at Lean SILA NAAA!"

*BOOOM*

Parang nag freeze ang mundo ko sa lakas ng impact ng mga katagang iyon "SI PRINCE AT LEAN SILA NA!" ang Mr. P.S ko may iba na. Di ko na kayang pigilang ang pagbagsak ng aking mga luha para itong sipon na kahit anong pigil ko ehh sadyang nananadya at kusa paring tumutulo kahit anong pilit ko itong maibalik. And my whole body was trembling. Kinuha ko agad ang aking gamit at dali daling umalis ng classroom. Narinig ko pang tinawag ako ni Kyra pero dirediretsyo lang akong tumakbo papunta sa lugar na madalas kong pagtambayan. Walang estudyanteng nagpupunta dito kaya malaya akong umiyak ng umiyak. MASAKIT.

Halos gabi gabi rin akong umiiyak at ilang araw wala sa sarili. Pakshit sa totoo lang matagal ko nang itinatago ang nararamdaman ko para kay Mr. P.S. Ngunit sa tinagal tagal nitong pagmamahal ko para sa kanya, ni hindi ko manlang ito masabi sabi. Hindi ko manlang maipakita sa kanya ang aking pag-ibig kahit sa maliliit na bagay man lang. Natatakot ako. Natatakot ako na baka i’reject nya ang pag-ibig ko, na baka pandirihan nya ako dahil sa isa lamang akong hamak na Prinsesang walang palasyo, walang binatbat sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya at alam kong hindi ako ang babaeng gugustuhin ni Mr. P.S. Ang layo layo ko sa kanya, siya America ako Pilipinas. Siya matalino, mayaman, at given na gwapo syang tunay at maraming babae ang nabibighani sa kanya. Ako isa lamang plain na studyante, di katalinuhan at di rin kagandahan. And compare to his girlfriend Lean I think nasa kanya na lahat ng katangiang pinapangarap ng sino man.

Kaya talong talo na ako, wala akong panlaban sa kanya. I envy her. I really do envy that Lean girl. Yeah I know it sounds like - NO I guess it's right to say that I am underestimating myself. I know it's not good, dahil hindi naman dapat pero ito ang nararamdaman ko. Nakakalungkot lang isipin na sya dapat ang may pangalang Princess and not me, di bagay saakin walang kadating dating. It’s like I’m wearing a dress that will probably not suits for me. Buki kung baga, walang ka taste taste, trying hard.

And since my elementary days crush na crush ko na si Mr. P.S head over heels talaga ako sa kanya. Habang tumatagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya at ngayong High School na ako, I dont know if it’s right to say but I love him, I do love MY Mr. P.S.

Sa lahat ng notebooks ko, sa libro, wallpaper sa phone, dingding ng kwarto, sa armchair, sa quiz and assignment papers, pati sa panyo, hangang status sa facebook basta lahat ng kagamitan ko ay may nakatatak na Mr. P. S. 

Mr. P.S  (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon