Project #5

26 1 0
                                    

Project #5:
The WANTSOME Coffee Shop Incident:
The Root of ABCD and Spades

Aleica Rexha

I went in Manila after the incident. Hindi pwedeng hindi ako umuwi dahil matatapos na ang long weekend sa susunod na araw at may mga hindi pa ako natatapos na gawain.

When the train stopped at the Manila Station, bumaba na ako. Mabuti at mayroon pa akong pera.

Pumunta ako sa WANTSOME Coffee Shop para um-order ng kape ulit. Pati na rin siguro ng tinapay. Alam niyo ba kung ano ang nakakamangha sa coffee shop na 'to? Iyong pangalan niyang pagkahaba-haba pati na rin ang menu nila na naka-Morse Code.

Nang pumasok ako, mayroon lamang dalawang customer ang WANTSOME. Isang babae at isang lalaki. The boy is talking to the girl but the girl is looking at me. Napatingin tuloy sa gawi ko ang lalaki. Wait... the mysterious guy!

Nag-iwas na lang ako ng tingin at um-order na.

"One cappuccino, take out. Also... blueberry cheese cake. Less cheese. Iyon lang," saad ko at inilabas na ang wallet ko. Naghanda ako ng 500 pesos.

"I will repeat your order, Ma'am. One cappuccino and blue berry cheese cake, for take out. All in all, that's 444 pesos, Ma'am." Tumango ako at ibinigay ang 500 pesos. Leche. Dalawa lang ang binili ko!

"Here's your number, Ma'am. Ibibigay na lang po ang order niyo. Next." Kasunod ko naman ang isang magandang babae na halos kasingtangkad ko lang. I will describe her.

She is a girl with long, black, straight, and silky hair. Makakapal ang mga kilay she also has the same nose as me. Her lips are thin and naturally pink. Her eyes are also deep-set, just like mine. But she has long eye lashes. Her face shape is like a heart but more defined.

Umalis na ako doon. Umupo ako sa may malapit sa misteryosong lalaki na nakilala ko kahapon.

I sat on a bean bag. Inilagay ko ang number ko sa lamesa at naghintay. Umupo naman sa katabing lamesa ng lamesa ko ang babaeng kasunod ko sa counter kanina. Maputi siya. Grabe.

Pumasok naman ang isang grupo ng mga estudyante na base sa bilang ko, ah, lima lang naman sila.

Lumipat ako sa harapan kung saan mas rinig ko kung ano ang order nila. May na-se-sense kasi akong hindi maganda... feeling ko... may mangyayari. That's my detective gut feeling! Shit. May isang mamamatay sa kanila. Then, who?

"Akin Latte!" Iyong matabang chinita.

"Affogato ang sa akin." Iyong seryosong chinita din pero lean.

"Kahit ano." Parang ang bigat ng katawan niya. Parang walang kagana-gana sa buhay.

"Espresso na lang..." bakla na medyo matamlay ang aura.

"Oh... okay sige. Isa nga pong Cafe Latte, Affogato, Espresso, and dalawang americano. Tapos limang blueberry cheese cake. Dine in," saad naman ng isang babaeng may katangkaran at mukhang mayaman. She has a bitchy face. Mga alipores niya siguro.

"I'll repeat your orders, Ma'am. One Cafe Latte, One Affogato, One Espresso, and Two Americanos and also five blueberry cheese cake. All in all that's 1,834 pesos, Ma'am." Tumango ang babae at nagbigay ng 2,000 pesos. Nauna namang umupo ang mga alipores niya sa pwesto ko kanina.

The ABCD StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon