Project #7:
The St. Claire's Hospital Incident:
The Missing A Part 1 and the Big Blow OffCeira Abyghaile
Gosh! Bakit ang daming na-o-ospital ngayon? What's happening?
"Dorothy! Don't stress yourself, please?" saad ko. Palakad-lakad kasi siya sa harapan ko at hindi mapakali.
"Where's Aleica? Kanina pa siya umalis! Pakisilip nga siya sa may corridor, Ceira," Dorothy said ignoring what I said. Tumayo ako at ginawa ang iniutos niya. Mahirap na, baka siya naman ang mag-breakdown.
Tinignan ko ang corridor pero tanging mga nurses, doctors, at mga pasyenteng naka-wheel chairs lang ang nakita ko. No sign of Aleica. Grabe naman siya magtampo kay Bash.
Bumalik ako at napangiti ng makitang nakapirmi na sa upuan si Dorothy. Lalapit na sana ako ng biglang may humablot sa kanang braso ko.
"Shit—"
"Shh... huwag kang maingay, Ate," I sighed in relief when I heard Keiro's voice. Siya lang pala.
"What are you doing here, Keiro? Sa pagkakaalam ko, na-discharge ka na kahapon pa. So, do you mind telling me why you are here, ugly brother?" tanong ko. Binitiwan niya ako at hinarap.
"There are 2 bombs planted in this hospital, Ate. Kaya wala muna akong panahon para sa mga kung ano-anong kalokohan mo. Kailangan kitang mailabas dito," saad niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"What the? Bombs? This is a prank, right? Dahil... naniniwala ako sayo, Keiro Massimo! You are scaring me!"
"Hindi ka dapat matakot, Ate. I will save you," saad niya at niyakap ako. Kumalas ako sa yakap niya.
"Ako? Ako lang? Bakit ako lang, Keiro? Are you out of your mind?! Madaming tao dito. We also need to evacuate them!" mahinang sigaw ko. He sighed at umiling din.
"Nakinita ko na sasabihin mo 'yan, Ate. Kaya, lumabas ka na dito at gagawa ako ng paraan para mailabas ang lahat ng taong naririto and the only task I will give to you is to call the police and the fire fighters. Please... lumabas ka na dito, Ate," saad ni Keiro. No... hindi pwede. Sina Bash at Dorothy pa!
"Sige. Ilang minuto na lang ba ang natitira?"
"48 minutes."
Nanlaki ang mga mata ko. "Sige. Sige. Susunduin ko lang ang mga kaibigan ko. We need to get out of here. And please, Keiro, nakita kitang walang galos na pumasok dito, kailangan wala ka ring galos paglabas mo? Got that?" Tanong ko. Ngumiti si Keiro at tumango.
"Protective ka pala, Ate. Hindi halata," saad ng nakangising si Keiro. Hinampas ko nga ang braso. Ang kapal!
Niyakap ko ang kapatid bago bumalik sa kay Dorothy. Kinakausap na ng doctor si Dorothy ng madatnan ko.
"Gising na ang pasyente. Basta't pakainin niyo na lang siya. Pwede na siyang umalis," saad ng doktor. Buti at babae na. Ayoko sa doktor kanina kahit gwapo pa siya. Black ang aura niya. Tss.
"Ano daw nangyari kay Bash?" tanong ko.
"Hindi pa daw kumakain simula kagabi. Hindi na daw nakayanan ng bituka niya. Tss. Bakit kasi hindi kumakain?" tanong ni Dorothy sa sarili. I smiled. Mabuti at okay na siya. Pero... si Aleica! Ang mga bomba!
BINABASA MO ANG
The ABCD Story
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Start the chase now." Join the ABCD team as they unravel the secrets behind the deaths of their love ones, cat killings, bomb attacks and other mind-boggling crimes. Highest Rank: #1-Dorothy (October. 5) All Rights Reserved© RagingWind04