One Shot.

4 0 0
                                    

Nagsimulang pumatak ang maliliit na butil ng tubig, unti-unti ang ulan ay yumari ng ingay, kasinglakas ng ingay ng palengkeng saligutgot (magulo). Ang kapaligira'y lumamig, kasabay ang pagkulog at pagkidlat ng bugnot (galit) na langit. Tamang-tamang panahon naaakma sa aking mga emosyon.
Habang aking pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan, ang piling ko'y aking sarili ay nababalutan ng kalungkutan at sinasakop ng kadiliman. Aking kinakapa ang sinasabing sandalan sa tuwing oras ng pagkalumbay (kalungkutan) , ang tanging tao na palagi'y nasa iyong tabi, ang taong sayo'y magpapasaya at kakampi mong lagi sa oras ng bangayan at digmaan. Aking labis na hinahanap ang totoo at maituturing kong matalik na kaibigan. Luha'y patuloy na dumausdos mula sa aking mga mata nang ito'y patuloy na aking inisip, Bakit nga ba wala akong sino man? Aking sinubukan ang makisalamuha at makipagtawanan ngunit lahat ay walang katalaban. Aking inalay ang oras at puso, sa pagbalik ay kawalan ng oras at panahon ang aking natanggap. Ako'y nag-iisa sa gitna ng kawalan, walang KAIBIGAN.

Sa aking paggising, ako'y naghanda para sa araw na ito, ang paulit-ulit na araw na hindi nagbabago. Araw na alam kong mananatiling ako'y nag-iisa sa loob ng klase at nakatulala sa labas ng bintana inaabangan ang oras ng uwian. Kumain ako ng kumain, piling ko'y ito ang nagpapawi sa aking nararamdaman, ngunit kahit ganto ang aking kinagawian sa pagkain, walang nagbago sa hugis at anyo ng aking katawan. Matapos kong maligo, ramdam ko ang lamig ng tubig na aking pinaligo, kasinglamig ng buhay ko sa kasalukuyan. Ako'y nagbihis, nais kong tumigil ngunit kailangan ko itong gawin. Nagtungo ako sa paaralan, aking nasilayan ang nagdaragsang mga grupo ng magkakaibigan. Ako'y nalungkot, ako'y naiingit, ako'y patuloy pa rin humihiling ng maituturing na aking mga totoong kaibigan. Pero aki'y naisipan ay wala nang pag-asa ang labis kong pagmithi ng isang KAIBIGAN. Naisipan ko na lamang ay tumalikod at umuwi, at tuloy ay lumiban sa klase. Subalit, nabibilang na ang araw. Ang pagsusulit ay magaganap sa susunod na linggo at hindi ako maaaring lumiban sapagkat ako'y mapag-iiwanan sa mga aralin na tatalakayin. Ako'y sumamyo (huminga ng malalim) at huminga ng palabas at humarap, patuloy ang lakad tungo sa pultahan (gate). Sa aking paglakad, aking nakita ang kaligayahan ng bawat mag-aaral habang kausap ang kanilang mga "kaibigan", mga naggintuang ngiti na hindi mapapalitan ng kahit ano man. Sila'y naghaharutan ng walang poot o galit sa isa't isa, nagtatawanan na parang walang bukas na. Walang imik (tahimik) akong nakapunta sa naglalakihang pultahan at naghintay para sa tunog ng kampana. Nang umalingawngaw (tumunog) ang kampana, lahat ng mag-aaral ay nagsipasukan, siksikan at ingay. Kasinglakas ng tunog ng elepante ang kaingayan. Buti't ako'y dali-daling pumasok agad at hindi nasama sa saligutgot (magulo) na pasukan.

Oras na ng klase, lahat ng aking mga kaklase ay nagsitayuan at bumati sa aming guro. Nagsimulang magtalakay ang aming guro habang ako'y nakasilay sa labas, pinagmamasdan ang kagandahan ng langit at nilalanghap ang sariwang hangin na dulot ng nagsisilakihang mga puno sa aming paaralan.
"Ginoong Bonifacio?", tinawag ako ng aking guro. "Maaari bang ituon mo sa akin ang iyong atensyon at makinig ng mabuti?"
"Opo. Maaari.", "Magaling kung ganoon".
Inobserbahan ko ang paligid, ang aking mga kamag-aral ay ngumisi, tila ba'y ako'y kanilang pinagtritripan at kinakantiyawan.
"Palibhasa'y siyang nag-iisa sa lahat ng oras, kaya't walang magawa kundi pagmasdan ang langit nawalang matatamasang aral.", "Tsk, loner." "Buti nga sayo."
Aking nadinig ang kanilang mga bulong sa bawat isa, para bang may pagkasuklam (pagkayamot) sila sa akin. Tumango ako at pinilit pigilan ang mga luha. Tumunog ang kampana at naghudyat na oras na ng pamamahinga. Nagsilabasan silang lahat at tumungo sa kanya-kanya nilang mga destinasyon. Naglakad ako, naglakad ng lumakad para ako'y makalayo sa aming silid-aralan, kumaripas ako ng takbo tungo sa mga hagdanan, patuloy ang pag-akyat hanggang sa aking narating ang bubong. At dito, inilibas ko ang aking mga luha, pinagsisisihan ang aking nagawa, tinanong ko ang aking sarili. "Bakit pa ako buhay sa mundong walang habag?" (Walang awa)
Patuloy na dumausdos ang mga luha, patuloy ang aking pag-iyak, patuloy ang pagsakop sa akin ng kalungkutan at kadiliman. Wala na, wala na akong nakikitang liwanag, kadiliman na lang ang nasa aking paligid. Nagsimulang bumuhos ang patak ng ulan, kasabay ng aking kalungkutan. Naisipan ko na tumayo at tumalon mula bubong, naisipan ko, wala akong kahalagahan at hindi makabuluhan ang buhay ko. Ako'y tumayo at hinanda ang aking sarili, ipinikit ko ang aking mga mata....
"Huwag!". Aking ikinagulat, pero inisip ko na lamang ay guni-guni ko lamang iyon.
"Huwag kang tumalon diyan, Ginoo!"
Hinawakan niya ang aking mga balikat, at hinarap niya ako. "Meron kang halaga."
Yinakap niya ako ng mahigpit. "Isa kang mabuting tao. " Napaluha ako sa mga salitang kanyang sinabi. Yinakap ko siya at umiyak ako ng labis, hindi ko aakalain na mayroong makakakita ng kahalagahan ko na kahit man ako ay hindi nakakita. Hindi ko akalain mayroong taong pagtutuonan ako ng atensyon at umakyat patungo sa akin. Ganito pala ang karamdaman sa tuwing ikaw ay pinapatahan, akin itong nalimutan.
"Bakit?". Aking tinanong sa binibini.
"Hayaan mong asarin ka ng iba, hayaan mong husgahan ka nila, hindi nila alam ang iyong nararanasan. Ako'y nandito sa iyong tabi, upang ipagtanggol ka sa mga mapanghusga.", "Patawarin mo ako, kung ngayon lamang kita kinausap, kung ngayon lamang kita nalapitan.", "Maaari ba kitang maging kaibigan, Ginoong Bonifacio?". Nagsimulang lumitaw ang masiglang araw, binigyang liwanag ang itim na kalangitan.
Labis na kaligayahan ang aking nadarama, sapagkat hindi ko alam na may sa akin gustong maging kaibigan. Para bang ang mundo ng kadiliman ay nagkaroon ng siglaw (sulyap) ng liwanag na magbibigay sa akin ng pag-asa at kalakasan upang lampasan ang mga pagsubok na darating. Hindi ako labis na makapaniwala. Labis ang aking pagngiti tila ba'y wala nang ipagpapabukas. "Salamat sa iyo binibini, aking pinasasalamatan ang iyong mabuting puso marahil kung hindi ka tumungo sa akin, malamang ako'y nakahandusay sa sahig at namatay. Ikaw ay lubos kong pinasasalamatan, puso mo'y talagang busilak. Napakagandang tao mo. Nawa'y patuloy mong kagawian ang ugaling ito. Maraming salamat talaga, KAIBIGAN. ".
Kanyang hinawakan ang aking mga kamay sa ilalim ng kay gandang kalangitan at nagniningning na araw. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, Binibini?", "Aking pangalan ay, Vergara. Binibining Vergara. ". Napakagandang pangalan, at napakagandang katauhan. Isang maituturing na KAIBIGAN..














Pakiusap ay ibahagi niyo ito sa mga kaibigan niyo o kaya sa aplikasyon na aklat-mukha! (Facebook) 😂
Aking tinatanggap ang mga opinyon ng iba kaya maaari kang magbigay ng iyong opinyon sa ibaba!
Paalam! 👋
------------------
May susunod na kabanata pa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Kaibigan"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon