Chapter 13

3K 147 9
                                    

Ayokong aminin pero mukhang nagbago siya ng makita niya ko!

Kung sigawan pa niya tayo ng una tapos yun pala..binigyan pa niya ko ng pangalan..Rosede,princess!

Napangisi si Prinsesa Rosede sa sinabi ng wolf niya habang pinapanuod ang binata na inaalalayan ng dalawang therapist na siyang kinuha niya para alalayan si Vincent sa unang proseso nito bago ito isalang sa operasyon.

Kailangan pa ba niya yun? Yung gamot na binigay ni Adeline?

Hindi sigurado ang prinsesa kung paano niya iyun ipapainom at ipapaalam sa binata. Hindi ito madali maniwala sa lahat ng bagay.

Pero..hindi siya natakot sakin!

Napabuga ng hangin ang prinsesa at napukaw ng muntikan na mabuwal ang binata na agad naman naalalayan ng lalaking therapist.

Kita niya ang pagdilim ng anyo ng binata. Alam niyang hindi nito nagustuhan iyun. Marahas na nitong binawi ang braso na hawak ng therapist. Doon na siya lumapit at sinenyasan ang tatlo na iwan muna sila.

"You did it," aniya.

Nakatayo ito at mahigpit na nakakapit sa bakal na nasa pader.

"Yeah..but still not walking!"tiimbagang nito tugon.

" Step by step,Vincent..alam mo yan, matagal kang hindi nagpatheraphy,"sagot niya rito na kinalukot lang ng mukha nito.

Napaigtad ito ng hawakan niya ito sa braso.

"Don't worry,alalayan lang kita makaupo sa wheelchair mo," aniya.

"Ilapit mo na lang sakin ang wheelchair,"anito na iwas ang mga mata sa kanya.

Napangiti siya.

Nahihiya ba o..naiilang?

Agad na pinigilan ni Prinsesa Rosede na mapahagikhik sa sinabi ng wolf niya.

"Alalayan na lang kita,"giit niya pa rin na tulungan ito.

Wala na ito nagawa pa ng igiya na niya ito. Pabulong ito napamura ng mapaakbay ito sa kanya.

"I told you,i-ilapit mo na lang sakin ang wheelchair,"naiilang na nitong turan.

" It's okay..just lean on me,"tugon niya rito.

Nginitian niya ito ng mapatitig ito sa kanya.

"M-mabigat ako," maya-maya usal nito sabay ilag ng mga mata nito sa kanya.

"Okay lang sakin,Vincent. I want you to feel that I'm here..I want to feel that you need...me,"saad niya.

Mabilis na bumalik ang mga mata nito sa kanya. He glared at her. Tila ba may nakikita ito sa kanya at naging pamilyar rito.

Ang init na!!!

" Come on,"pukaw niya rito.

"Your eyes...pareho kayo," usal nito.

He's talking about me!

Bago pa man siya makareak agad na napatingin siya sa babaeng ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan nila. Nakatalikod rito si Vincent at alam niya kung sino iyun.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon